IWFIL: Chapter 2

4 2 0
                                    

CHAPTER 2

Nang magising kinaumagahan si Andrea, nagtaka siya nang magising na nasa kama na siya.  Dahil sa pagkakatanda niya nakaupo sila doon ni Bix kagabi sa sofa habang nanunuod.

“Siguro nakatulog na ako kagabi sa sofa, at si Brix ang nagbuhat sa akin papunta sa kwarto.” aniya kausap ang sarili.

Napansin niya ang nakapost na note sa may lampshade niya sa gilid ng kama.

Dali-dali niya itong binasa:

****************************

Good morning Sleeping Beauty!

Hindi na kita ginising para magpaalam sayo kagabi,

Ansarap kase ng tulog mo eh…

See You!

-Awesome Brix

****************************

Nakangiting itinago ni Andrea ang note sa kanyang drawer.

She checked the time sa nakasabit na wall clock ng kanyang kwarto, it’s aready 8 o’clock in the morning.

Agad na nagtungo si Andrea sa shower room at naligo.

Ilang sandali pa lumabas na siya mula doon na naka bathrobe ng pink.

She choose to wear a skinny jeans na black at sandong puti tsaka ito pinatungan ng polong yellow na may mahabang sleeve na tinupi hanggang siko. Tsaka sinuot ang yellow high heels na 5 inches.

She put a light makeup, mascara at light pink na lipstick.

She spray a bit of her perfume, inilugay niya lang ang kanyang buhok.

She make sure na naka-locked ng maayos ang pinto ng unit niya bago tuluyang bumaba sa building.

Agad na sumakay siya sa Mercedes Benz at pinaandar ang makina nito.

After 45 minutes narating niya na ang pag-aaring coffee shop.

She parked her car sa space na nakalaan talaga para sa sasakyan niya na nasa harap ng shop niya.

“Good Morning Ma’am!” bati sa kanya ng guard ng shop niya na si Kuya Edward, nasa 30’s pa lang ang edad nito pero may pamilya na ito. Pinagbuksan siya nito ng pinto.

“Good morning din.” nakangiting bati rin niya dito. “Kuya Edward, nag-breakfast na po ba kayo? Halika sa loob sabay-sabay na tayong mag-breakfast. Dumaan kase ako sa fast-food chain kanina eh…” yaya niya dito tsaka ipinakita ang dala-dalang malaking brown paper.

“Ako na po magdadala Ma’am sa loob.” sabi ni Edward tsaka kinuha sa kanya ang dala.

“Salamat!” ibinigay niya dito ang dala at siya na ang nagbukas ng pinto para dito. “Ilagay mo na lang diyan sa table para diyan na tayo sabay-sabay kumain.”  utos niya dito, agad naman itong sumunod.

Bumaling siya sa 5 pa niyang staff ng shop para yayain ang mga itong mag-agahan.

“Nikki, Karen, Alice, Ryan at Joshua… mamaya na yan! Mas maganda mag-trabaho kapag may laman ang tiyan.” tawag niya sa mga ito.

Maya-maya lang ay masaya nilng pinagsaluhan ang dala-dala niyang pagkain.

Mabuti na lang at naisipan niyang iinit at dalhin ang natirang adobo mula kagabi, naparami kase ang luto niya.  Nagdala rin siya ng rice para sa mga ito na pinakuha niya kay Joshua kanina.

If We Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon