IWFIL:Chapter 3

1 1 0
                                    

CHAPTER 3

Napatulala si Brix ng makita si Andrea paglabas ng building.

Lalo niyang na-appreciate ang kagandahan nito ng lumapit na sa kinatatayuan niya mula sa labas ng BMW car niya.

“You drop your jaw, Brix Altamonte. Ganun ba ako kaganda ngayon?” narinig niyang sabi nito. He cleared his throat bago nagsalita.

“You look more beautiful tonight.” puri ni Brix sa dalaga. Bumagay kase kay Andrea ang suot na tube pink cocktail dress. Ang buhok naman niya ay nakapusod dahilan para tumambad ang makinis at maputi niyang balikat. She wears the necklace na may pendant na maliit na heart, a birthday gift from Brix last year.

“Thank you! Ang pogi mo rin ngayon.” puri naman niya kay Brix. Nakasuot kase ito ng 3 piec suit. Lumapit siya dito dahil napansin niya na hindi maayos ang suot nitong tie na siya mismo ang pumili for him.

“What?Ngayon lang? Palagi naman akong pogi ah.” maktol nito.  Pinagbuksan naman siya nito ng pinto at inalalayang sumakay  sa front seat. Umikot ito sa kabila at sumakay na rin sa driver seat. He started to drive papunta sa Shangri-La Hotel.

“Alam mo kase Brix, hindi nakakagwapo ang pangbababae.” sabi niya dito habang nagda-drive ang binata.

Sumimangot lang ito at hindi sumagot.

Nagulat si Brix ng biglang kagatin ni Andrea ang dulo ng tainga niya.  Mabuti na lang na eksaktong naka-stop sila dahil sa traffic light.

“Why did you bite my ears?” tanong niya sa dalaga.  Palaging ginagawa ni Andrea yun sa kanya kapag hindi niya ito pinapansin or kapag sumisimangot siya, pero lagi din siyang nagugulat sa tuwing ginagawa nito iyon.

“Because you frowning your face. Masakit ba?” tanong ni Andrea ng makita ang namumulang tainga nito.

“Kagatin din kaya kita ngayon para malaman mo?” kunwari’y napipikon na sabi ni Brix dito.

“Sorry na…sorry!” sabi ni Andrea, pero hindi man lang siya nilingon nito. Kaya kiniliti niya ang tagiliran nito. Napapakislot naman ang binata. “Uy, sorry na nga…bati na tayo?” parang batang tanong niya sa binata.

Pero hindi pa rin siya pinapansin nito.

“Eh ‘di huwag!” biglang sabi ng dalaga, tsaka tumingin sa bintana na nasa tabi niya. Bahagya siyang nakatalikod ng kaunti sa binata.

Natawa naman si Brix sa inasal ni Andrea.

Sa tuwing may kasalanan si Andrea sa kanya at nilalambing siya nito sa una, pagdating ng huli ito na ang galit dahil sa hindi pagpansin sa dalaga. Siya naman ang parang ewan na maglalambing dito.

“Oo na, bati na tayo. Huwag ka nang tampororot diyan.” malambing na sabi niya dito bago nilingon. Nakita niya ang pag-pout ng lips nito, pinisil ni Brix ang pisngi ni Andrea.

Bago dumating sa hotel ay okay na sila ng dalaga.

Narating nila ang venue.

“Andrea!” narining nilang tawag mula sa likod nila.

“Abby? Gosh Abby ikaw nga…!” bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ni Brix at kaagad niyakap ang babae.

“Mas lalao kang gumanda Andrea! Ang ganda-ganda mo…” sabi nito pero kaagad na napansin nito si Brix na nasa likod ni Andrea.  Nilingon naman ni Andrea ang binata tsaka marahang hinila para ipakilala.

“Anyway, this is Brix.”  pakilala niya sa binata nag-HI naman si Brix dito.

“Hi Brix, nice to meet you. Siya nga pala, tara doon tayo sa table nandoon sina Carla t iba pa nating classmates.” yaya nito sa kanila.  Sumunod naman sila ni Brix dito papunta sa isang malaking bilog na lamesa. Napangiti siya ng makita ang ibang classmate na sina Nicco, Mitch, Harry, Christoff at Liza.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If We Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon