(Tell Me by Joey Albert *playing in the background*)
"Brenda , wag mo namang gawin sakin to Oh. . pag-usapan natin to .. Please"
"Wag na tayong mag-lokohan Drew, tigilan natin to."
"Brenda please.. I'm begging you, mahal na mahal Kita hindi ko kaya pag nawala ka.. Please kahit ano gagawin ko,ibibigay ko lahat ng gusto mo."
"Ano ba?! Hindi ka ba makaintindi?! Hindi na kita mahal!! at kahit kailan hindi kita minahal!"
"No!! We bought sleep in one bed for once .. Uh no!! maraming beses na pala.. For God's sake sasabihin mo hindi mo ko minahal?! "
"Ayoko na!!"
"No Brenda!! please .. BRENDA!"
*Tell me, where did I go wrong?
What did I do to make you change your mind completely?
When I thought this love would never end
But if this love's not ours to have,
I'll let it go with your goodbye*
"OKAAAAAAAAAY!! CUT! Very Good ! Braaavo!! DonDon punasan mo na si Bless, Oyy yung Rain machine patayin niyo na.!"
"Miss Bless eto na po yung towel."
"Thanks, paki off na lang yung fan please. "
Sht ang lamig . Ikaw kaya makipag-dramahan sa ilalim ng Rain Machine,Bakit ba kasi Hindi na lang nag-hintay ng totoong ulan.
"Blessie Baby!!! ang galing galing mo talaga.. Ready ka na for the next scene?"
Kausap ko si Direk nang biglang nag beep ang cellphone ko , tinignan ko dahil may text .
"ayoko na. "
"dali na . tong scene na--- WHAT? Anong ayaw mo na?."
"I'm leaving."
"Blessie .. Hindi pwede Next month na ang airing neto!"
"Shut up!! Just let me leave!Okay?" And with that umalis na ako,wala akong pakielam kahit maghanap sila ng kapalit ko ,ng bagong Brenda..ng bagong Bida.
"Blessie!! Where are you going?!! Bless.. Stop the car!!"
Gusto ko munang magpahinga, gusto kong magpakalayo-layo .. Saan ba ko pwede magpunta? Pagod na kasi ako sa lahat ng bagay. Sikat ako, marami akong pera , meron akong magarang sasakyan pero bakit hindi ako masaya. .
I've always been someone who's tried to keep a positive outlook on life and I've been trying really hard to feel happy, always trying to show them that I really deserve this shit and trying to be a good person. But I always feel like I never get back anything and I'm always left hurt and alone. I see everyone around me with great lives filled with family and friends yet I've always struggled on these aspects.
Meron akong pamilya pero hindi ko maramdaman,may Kuya ako pero may sarili na ring pamilya.. minsan ipapang-gatas na lang ng anak niya sa akin pa aasa.. Meron akong ama pero naghanap pa ng iba, tapos yung ipinalit sa amin at may pamilya na rin pala tapos gusto niya ako pa rin ang magsu-sustento sa kaniya.. at Syempre hindi mabubuo ang isang pamilya kung wala ang Ina.. Siya.. Siya na lang ang meron ako, kahit kailan hindi sya umalis sa tabi ko . sinuportahan niya ako hanggang sa sumikat ako pero ngayon medyo lumaki na rin ang ulo.. at Ganito ang naging senaryo.. Italy mamaya, Japan bukas , Malaysia sa makalawa, Korea sa susunod na Linggo. Sino pang natira para damayan ako? im tired of not being able to find anyone that understands me, someone that actually listens or cares about me. Ewan ko ba minsan naiisip andiyan lang sila dahil marangya ang buhay ko at mahal lang nila ako dahil kailangan nila ako.
Di ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko.. Palagi namang ganito ehh . I always end up on crying . at kapag pinagpala ka nga naman talaga titirik pa yung sasakyan mo. . Juice colored! tang na Juice , mahal na mahal mo talaga ako! Amen!!!
------------------------------------------------------------
Hello!!!!! Eto po ang aking Boom Hugot na Chapter! Na-HashtagMedyoDramatic ba kayo?? Pwes.. Marami pang ganyan, Abangan kung anong mangyayari sa susunod na kabanata!Tarush! Haha:D yun lang . . Libre po pa Dedic kung trip niyo lang naman . .
At dahil Labs ko yung mga nagbabasa neto meron akong munting patikim sa susunod Chapter. .
-Patty <3
"Ate, sayo ba yung sasakyan na yon. Nabangga kasi ng bisekleta ko - -"
"WHAT? nabangga mo ?! " pagkita ko sa kotse may gasgas nga ito. Putspa naman oh ,wala na ngang gasolina nagasgasan pa!
"Hindi ka ba marunong mag-ingat?? Hindi mo ba alam kung gaano to kamahal? Bakit ba pagala-gala ka ? Wala ka bang mga magulang ??!!! Bakit ka nila hinahayaan?! Tignan mo ang nangyari dinisgrasya mo pa ang kot-"
"Bitawan mo ang kapatid ko! Anong problema mo ha? " so may pamilya pala ang kutong lupa na to.
"Ginasgasan nya lang naman ang kotse ko. Paano niyo mababayaran to?!"
"Parang gasgas lang,hindi naman into sinadya! Kung makaasta akala mo kung sino! Sino ka ba ha?!" seriously??? Hindi Nila ako kilala?? Wow. Saang planeta na ba ako napunta at hindi man lang nila kilala ang nag iisang ako ,isang Blessie Jane Soberano.