C H A P T E R 2.2

46 0 0
                                    

"Mira, matagal mo na ba siyang kakilala?" Pang-uusisa ko.

"Kababata ko si Anton, mahigit walong taon na rin nung nagka-kilala kami..diba sabi mo ngayon ka lang naka-punta rito.. Panong mangyayari na siya nga yung nasa litrato."

"Imposible talaga Mira, kahit dalawang taon lang kaming nag-tagal.. Hindi ako pwedeng magka-mali na siya yun."

"Alam mo, mag-pahinga ka na lang muna. Dito ka muna sa kwarto ko matulog,ipagpa-bukas mo na lang muna yang mga isipin mo." Sabi nya habang inaayos ang papag na higaan ko.

"Eh.. Pano ka ? San ka matutulog? "

"Tatabi na lang ako Kay inay, sige na matulog ka na.. Siguradong maagang manggigising si inay bukas.."

"Sige salamat, bukas mag-hahanap din ako ng matutuluyan ko."

"Maliit na bagay lang to, tsaka ayos lang naman samin na dumito ka .. Labas na ko ah, Nasa kabilang kwarto lang kami kung may kailangan ka ."

Alas-onse na pala ng gabi, pakiramdam ko ang dami daming nangyari sa araw na to.

Parang gusto ko na lang din tuloy bumalik ng Maynila. Eh pano ba naman kasi, kaya nga ko nag-pakalayo dahil gusto ko maka-limot..tapos yung taong gusto Kong makalimutan nandito rin pala.. Iuntog ko na lang kaya yung ulo ko para tuluyang wala na kong maalala.

Wala na yata akong pag-asa...

----------------------------------------------------------

Nakakasilaw naman..

Pagka-mulat ko ng mata nakita ko si Mira na hinahawi yung kurtina sa bintana.. Agad kong tinignan yung orasan , tanghali na pala..

"Gising ka na pala, Tara na .. Naghahanda na si inay ng pananghalian."

"Nakakahiya naman tinanghali na ko ng gising,pasensya na."

"Wala yun,alam naming pagod ka at kulang sa tulog .. Andun nga pala ang banyo sa likod ."

Lumabas agad ako para maligo..Nakakahiya talaga parang prinsesa tuloy ako dito.

"Ang sarap niyo po mag-luto,naalala ko tuloy ang mama ko." Bigla akong nalungkot dahil automatic na namiss ko ang pamilya ko. Masaya kasi kami dati kahit mahirap lang,Ewan ko ba bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at nagkanda-loko loko na .

"Mabuti naman at nagustuhan mo.. Kumain ka pa ng marami oh."

--------------

"Iha, hayaan mo na saamin yan.. Bisita ka kaya dapat kami ang gumagawa niyan.. Magbanlaw ka na at ako ang mag-papatuloy ng pag-hugas ng mga pinggan."

"Okay lang po, ako na lang.. Tutal tanghali na rin po ako nagising kaya ako na lang po ang gagawa nito."

"O siya kung mapilit kang bata ka, dito ka lang at maghahatid lang ako ng pagkain sa hacienda."

"Sige ho, ingat po kayo."

Pumasok na lang ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko,habang inaayos ko ang hinigaan ko may nakita akong kwintas .. kay Ethon to, hindi ako pwedeng magkamali.

Agad akong lumabas para ibigay ito Kay aling telma .

"Aling Telma.. Kanino po itong kwin--" nakita kong hawak ng matanda ang noo niya at napatukod sa upuang nasa likuran niya.

"Aling Telma, ano pong nararamdaman niyo? Maupo muna kayo dito.." Inalalayan ko ito para makaupo at pinainom ng tubig.

"Inay..--Blessie, anong nangyari?"

"Ayos lang ako, nahilo lang ako dahil hindi ako nakapag-suot ng saklot kanina pagpunta ko sa taniman." Nahihirapang sagot ng matanda.

"Inay naman eh, diba sabi ko sa inyo ako na lang ang utusan niyo pag maghahatid ng pagkain sa taniman.."

"Anak,masyado na kong pabigat sayo.. Bata ka pa kaya dapat unahin mo ang kapakanan mo.."

"Magpahinga na po kayo, ako na lang po ang mag-dadala ng pagkain sa Hacienda."

"Mira, ako na lang siguro .. Bantayan mo na lang si Aling Telma para mapanatag ang loob mo." Prisinta ko.

"Sigurado ka? Hindi mo pa kabisado ang lugar dito, baka kung mapano ka.."

"Ayos lang, magtatanong na lang ako.."

"Salamat Blessie, eto ang pera sumakay ka na lang tricycle tapos sabihin mong sa hacienda ka ibaba para hindi ka maligaw.. Sabihin mo lang din tong lugar para makabalik ka agad,ipamigay mo tong mga pagkain sa mga trabahador .. Mag-iingat ka"

"Sige."

--------------------------------------------------------

"Magandang tangahali po."

"Yan ba yung mga pagkain ng mga trabahador?"

"Ahh Opo.. Galing po kay aling Telma."

"Sige pasok.."

Sobrang lawak ng lupain.. Katumbas siguro nito ang buong Makati kung ikukumpara.

"Ay! Anak ng tinapa!!" Sigaw ko, may bumunggo kasi sakin.

"Okay ka--ano ba?! Ikaw na naman! Sinusundan mo ba ko?!"

"E-ethon, ikaw pala ahh ehh.. Hindi ko naman alam na nandito ka pala." Bumabaluktot nanaman ang dila ko.

"Eh bakit ka nandito? Tsaka ilang beses ko bang uulitin sayo? Anton ang panagalan ko!"

"Dinala ko kasi tong mga pagkain ng trabahador dito sa hacienda."

" Nasan si Aling Telma ? Bakit ikaw ang nag-dala nito, Hindi ka naman taga-rito."

"Sumama kasi pakiramdam ni Aling Telma kaya nag-prisinta ako na dalhin na lang ito dito sa hacienda."

Tinulungan naman niya akong damputin ang mga nahulog ko. Napansin kong hawak niya yung kwintas na nakita ko kanina sa kwarto ni Mira.

"kwintas mo yata to ." sabi niya.

"sayo yan ethon."

"Pano naging akin to? tigilan mo na nga yang kahibangan mo..babalik na ko sa trabaho."

I can't stop myself not to think about Ethon. Ultimo pagkilos at pagsasalita nito ay siyang siya. Madalas nga lang mag-Ingles si Ethon, samantala ito naman ay matatas mag-tagalog. Sumasakit na nga ang puso ko pati ba naman ang ulo ko.

But i will never ever give up.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love or... Revenge??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon