I tried to call Mandy pero cannot be reach. No choice, kailangan ko ng tawagan si Felix.
"hello Felix"
/What do you want ?.... I m-mean its late, why are you still awake? Anything wrong b-babe?/
"Nah,umalis ako sa shoot, tumirik yung kotse at Hindi ko alam kung nasan na ko. By the way, I just want you to track me and tell Mandy to pick me where the hell I am now"
/M-mandy? Sure ,right away babe -- Honey come back I'm not yet done with you-- I'll call you back ,okay?/
"Oh Great! Is it Mandy? Looks like you two having fun huh? I've change my mind, don't find me nor never come near me"
/ No, Bless its not what you think.. Hello.. blessie let me exp--/
Bullsh*t why would i waste my time just to hear those fvcking explanations . I just can't imagine Felix .. with Mandy? With my own friend? Nakakatawa. Broken hearted na naman ba ako? Kakanta na ba ako ng Jar of Hearts? Parang Hindi ko naman feel. That was a long time ago since I felt the feeling of a broken heart..the feeling that my heart is shattering into pieces.. Ang tagal na pero andito parin yung sakit... si Felix? Hindi ko na alam kung pang ilan na siya sa mga naging boyfriend ko after my first and worst love..15th,16th I don't know.. Basta ang alam ko lahat sila ay isa lamang pagkakamali, kahit yung iba sa kanila ay alam kong minahal ako ng totoo .. But I'd never loved them back like I love this man before.
Nabawasan nanaman ng dawalang tao ang buhay ko, Kung Hindi ako ang iiwanan, ako naman ang mang-iiwan,ano bang bago? parati namang ganito at tanggap ko na rin na ako na lang ang nagmamahal sa sarili ko
This is my life and I have no choice but to deal with it.
*************************************
Nagising ako dahil may kumakatok sa salamin ng kotse ko,nakatulog na pala ako.. Pagdilat ng mga mata ko ay sakto namang suminag ang araw.. Uggh! This is one of the reason why I hate mornings,ang sakit sa mata.
Tuluyan nang nagising ang ulirat ko ng may kumatok ulit ng sunod sunod sa kotse ko.
"What the hell is wrong with you people?"
"Aba ehh iha, Hindi namin naintindihan ang sinabi mo pero mukang sa tono ng pananalita mo ay nagagalit ka. Kung gayon man ay wala ka sa posisyon" sabi nung matanda sabay tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Kung Hindi ka marunong humingi ng paumanhin,pwede mo na bang itabi yang sasakyan mo.. Hindi mo ba nakikita nahihirapang dumaan ang mga kalabaw na may sakay ng mga tanim at Hindi rin makadaan ang mga pina-pastol na baka dahil nakaharang ang sasakyan mo"
Napalingon naman ako sa bandang likuran at nakita ko ang ilang hayop at mga kalalakihan,bakit ba kasi aga nilang magising?
"Pasensya na ho, pero tumirik po kasi ang sasakyan ko.. Wala rin ho akong mahingan na tulong dahil dis oras na rin ng gabi at hindi ko po alam ang lugar na to. Paumanhin po." Mabait naman ako eh.. Piling oras at sa piling tao nga lang.
"Marunong ka naman palang humingi ng dispensa eh, kung ganon..sige.. -- Berting!! Itulak niyo ang kotse sa parke nang sa Ganon eh makapag-trabaho na tayo rito dalian niyo at bumalik kayo agad.. Ikaw Mira , samahan mo ang dalagang ito.. Bumalik ka rin agad kapag may sumundo na sa kanya Maliwanag??"
"Ahh ehh Sige po"
"Ikaw Iha' tumawag ka ng iyong mga kamag-anak o kakilala bago pa sila mag-alala sayo ha"
"Sige ho, marami pong salamat"
Naglalakad kami papunta sa sinasabi nilang parke sa kalapitan. Kitang kita namin sa harapan ang limang lalaking mukhang hirap sa pagtulak ng aking sasakyan..Mukhang tahimik na Babae si Mira,May Natural na ganda ,mahinhin kumilos tipong tipikal na babae sa probinsya.