"Nasa huli talaga lagi ang pag sisisi, kung kelan nawala, saka natin makikita yung halaga, haybuhay!"
Sumalampak ako sa sofa, tumitig sa kisame.
"Tingin mo, kapag inamin ko kay Russel na mahal ko pa sya, babalik yon?" Wala sa sariling tanong ko.
"Hmmm depende..." Napatingin ako kay Gab, tumaas ang kilay.
"Depende?"
"Kung bakit ba naman kase napakatahimik non? Hindi ko tuloy mabasa kung meron pa o wala na syang feelings para sayo eh!"
"Yon na nga e.." Pinagdidikit ang mga hintuturo na sagot ko. Saglit kaming natahimik. Bakit ba kasi kita binitawan?
"Bat di mo subukan?" Biglang seryosong tanong ni Gab.
"Subukang sabihing mahal ko pa sya? Paano naman? Eh sa sobrang ilag palang non sakin walang wala na e.."
"Tanga" Tinignan ko sya, masama. "Hindi yon ang sinasabi ko." Dagdag nya.
"Eh ano?" Seryosong tanong ko.
"Subukan mong magmahal ng iba, ulit."
Yon nga ba ang sulusyon? Iniwas ko ang paningin kay Gab at itunoon sa kisame ang mata, napapikit. Tama, bakit di ko subukan ulit? Subok lang naman.
***
Hi! Pasensya na bago lang ho, sana magustuhan nyooooooo!
Dalagang Pilipina yea!