Chapter 2

8 0 0
                                    

"Maureeennnneeeee!!!!!" Napapakamot sa ulo'ng bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Ano?!" Bungad ko pagbukas ng pinto.

"Wao! Kagigising mo lang? Alam mo ba kung anong oras na, ha?"

Aga aga talak ng talak!

"Oh eh ano naman kung alas dose na ng tanghali?" Tanong ko.

"Bakit matutulog kana lang ba jan? Di kana kakain?" Sermon nya, umikot ang mga mata ko.

"Eh bakit ba nandito ka?" Naiiritang tanong ko sakanya.

"Bakit, bawal?!"

"Tsk!" Sagot ko nalang.

Ganyan si Gab. Bigla bigla nalang sumusulpot dito ng walang pasabi, kala mo pa may ari ng bahay kung maka asta, haynako!

Nagdodorm lang ako, Grade 12.

Itinali ko yung buhok ko at pumasok ng cr, inayos ang sarili at inalala ang mga nangyari kagabi.

Yon lang yon?

Miss nya ako, sabi nya. Pero hanggang don lang ang pag uusap namin dahil pagkatapos nya akong yakapin ng matagal ay sumakay na sya sa motor, hinatid nya lang ako at nag paalam.

Okay na ba kami?

O ganon ulit? Parang strangers ulit?

Ang gulo ah!

"Hoy! Wag mong sabihing natutulog ka jan!" Sigaw ni Gab na may pagkalabog pa ng pinto, iritado akong lumabas at tinignan sya ng masama.

"Manahimik ka nga! Ang ingay mo!" Sigaw ko.

"Tagal mo eh!" Saka ko napansin yung mga dala nyang pagkain sa mesa, nakahanda na. "Ayan na madam, pinaghandaan na ho kita ng pagkain!" Ngumiti nalang ako.

"Salamat!"

Inirapan nya lang ako saka pumuntang sala, narinig ko syang nagbukas ng tv.

Ano nanaman kayang naisipan ng babae'ng to, bat napadalaw nanaman dito bigla?

"Tapos kana? Bilis naman?" Bungad nya ng mapansin papalapit ako.

"Ako paba?" natatawang sagot ko. "Oh eh bakit ba nandito ka?" Tanong ko.

"Masama?"

"Hindi naman, pero linggo kasi ngayon diba? Wala ba kayo'ng schedule ng simba ngayon?"

"Ahh di muna ako sumama.."

"Bakit naman?" Takang usisa ko, hindi  tumatanggi si Gab kapag simba na ang pinag uusapan.

"Bat ganon, Mau?" Biglang lungkot na tanong nya. Saka ko napansin yung numumugto nyang mga mata. Umupo ako sa kaharap nyang single sofa.

"Anong problema?" Alalang tanong ko.

"Bakit mangangako ka sa isang bagay tapos di mo din naman tutuparin?"

Napayuko ako. Aray ha.

"Ano ba nangyari? Si Iris?" Tinignan nya ako saka tumango. "Anong ginawa nya? Anong nangyari??" Kunot noong tanong ko.

"Sabi nya h-hindi nya ako susukuan, sabi nya hindi nya ako b-bibitawan, sabi nya h-hintayin nya ako hanggang sa pwede na, S-Sabi ny----" Niyakap ko sya.

Hinagod ko ang likuran nya para mapatahan sya. Yan na nga ba ang problema kapag M.U. Walang label. Mahirap mag predict. Walang kasiguraduhan.

"Ano ba kasing nangyari? Ikwento mo sakin para maintindihan ko.." Humiwalay sya mula sa pagkakayakap saka pinunasan ang pisngi.

"Kagabi kasi, maaga kaming umalis para  may time kami sa isat isa. Nauuna syang maglakad, napapansin ko na yon noong isang araw pa pero binabalewala ko kasi baka naiinip sya, mabagal ako maglakad eh.." Tinititigan ko sya habang nagkwekwento, kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya, mahal nya talaga si Iris. "..kaso kagabi bumibilis yung lakad nya, iniiwan na nya ako, tinatawag ko sya, hindi nya ako nililingon pero humihinto sya para hintayin ako, pag alam nyang nasa likuran na nya ako, lalakad uli sya then ganon ulit, maiiwanan nya ako dahil mabilis syang naglalakad.."

"Bakit naman hindi sya lumilingon?"

"Hindi ko alam.." Tumulo yung luha nya. "Nung nainis na ako tinawag ko sya ng malakas, don nya lang ako tinignan, muka pa syang inip na inip habang nakatingin sakin. Sa sobrang sama ng loob ko, pumara ako ng jeep at sumakay, iniwan ko sya, umuwi ako mag isa.." Pinupunasan ang pisnging dagdag nya.

"Tapos?"

"Pag uwi ko, blinock ko sya agad sa lahat ng social media accounts ko, iniisip ko kung ano ba yung nagawa ko para magkaganon sya sakin.."

"Hindi mo muna sya kinausap?"

"Eh kasi naiinis ako! Bakit sya ganon?! Bakit nya ginawa sakin yung ganon?!"

"Kaya nga dapat nagusap muna kayo.."

"Kaninang umaga, inunblock ko sya, plano ko nang magbaba ng pride at kausapin sya pero nong sinusubukan ko nang ayusin, ang sagot nya sakin 'Ayoko na, pagod na ako sayo, tama na' Umiyak nalang ako ng umiyak, nagmakaawa ako na kung pwede pang ayusin pero hindi, a-ayaw na nya s-sakin, Mau! Hindi na n-nya ako m-mahal!" Niyakap nya yung binti at inilagay ang ulo sa tuhod habang umiiyak.

"Sssshhh tama na.." Pagpapatahan ko, tumahan naman sya at tinignan ako.

"kasalanan ko yon eh.."

"Hindi mo kasalanan yon, wala ka namang ginagawa eh, sya yung may problema, hindi ikaw..."

"Kasalanan ko yon, naging selfish ako.." Malungkot nyang amin sakin, umiling iling ako para sabihing hindi munit ngumiti sya. "Naging selfish ako. Sa tatlong taon na magkasama kami, sa lahat ng away na pinagdaanan namin hindi ko pinakinggan yung side nya, nararamdaman nya at kung ano yung mga problema nya.." Tinignan nya ako sa mata. "Palaging mataas ang pride ko, nagagalit ako kahit walang dahilan, nagtatampo kahit hindi naman dapat, pinipilit ko yung mga bagay na hindi naman pwede.." Saka sya yumuko, para umiyak ulit.

"Napagod yon." Nasambit ko, tumango tango sya.

"Kasalanan ko to eh.."

"Wag mong sisihin ang sarili mo.."

"Paanong hindi? Eh kahit saang anggulo mo tignan ako ang may problema, kaya sya napagod dahil sa ugali ko, selfish ako!"

"Oo sige sabihin na nating selfish ka, pero hindi lang ikaw ang dapat na sisihin, at walang dapat na sisihin.." Tinignan nya ako, punong puno ng luha ang mga mata't pisngi. "Kapag magmamahal ka, wala dapat hinihinging kapalit. Dapat tanggapin ka nya ng buo, maging sino at ano ka man." Ngitian ko sya. "Kung talagang mahal nyo ang isa't isa at kayo talaga, ang mundo na mismo ang gagawa ng paraan para kayo ang magsama.." Saka ko sya niyakap.

Humihikbi sya'ng gumanti ng yakap sakin.

Diba ganon naman dapat? Kapag mahal mo, kasama don ang pagtanggap at pag unawa?

Kung mahal mo talaga, kung ayaw nyong magkasira, bakit hindi ayusin bago maisipang tapusin?

Open up.

Reach out.

Sabihin kung ano ang problema sa partner mo. Kung nahihirapan kang intindihin ang ugali nya, sabihin mo, hindi yung kinikimkim mo sa loob mo lahat at hahayaang maipon saka sasabog at mauuwi sa pagkasira nyong dalawa.

Mas magandang open kayo sa isat isa, kesa sa nagtatago tapos kapag sumabog di nyo alam kung anong gagawin nyo kundi tapusin.

Haybuhay.



***

Dalagang Pilipina yea!

SerendipityWhere stories live. Discover now