Chapter 3

4 0 0
                                    

"Oh bat late ka?" Bungad sakin ni Sir pagpasok ko ng room.

Ngumiti lang ako sakanya, ganyan naman si sir eh, tatanong lang nya kung bakit tapos kapag nginitian mo wala na limot na nya hahahahah odiba!

Dumeretcho na ako sa upuan ko, naglabas ng notebook at ballpen.

Inilibot ko ang paningin, wala pa si Gab.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na lahat ng pang umagang subject. Lunch break na. Wala padin si Gab.

"Bat absent si Gab?" Tanong ni Cess nang makalapit sakin. Umiling ako.

"Hindi ko alam eh.." Siguro dahil kay Iris to, panigurado.

"Osya tara na kain!"

Nang makarating, agad kaming bumili ng makakain at naupo doon.

Hindi mapirmi ang mata ko sa kinakain ko, panay ang sulyap ko sa entrance, inaabangan ang grupo nina Russel.

"Hoy teh! Ang kalat mo namang kumain!" Suway ni Cess, agad akong napatingin sa kinakain ko.

"Sorry sorry.."

"Sus inaabangan mo nanaman?" Aniya, inosenteng tinignan ko sya. "Ayun sila oh.." inginuso nya agad akong napatingin kung saan.

Masaya silang kumakain. Si Kenneth, Joel, Kim, Porlas, Russel at si Iris.

"San ka pupunta?" Tanong ni Cess dahil tumayo ako. "Di ka pa tapos kumain ah?" Hindi ko na sya sinagot at agad na lumapit sa pwesto nila Russel.

Gulat silang tinignan ako, napatigil sa pagtawa.

"Ow yes may chicks" Puna ni Kim sakin.

"Bakit pandak?" Tanong ni Kenneth.

"Bakit, Mau?" Sa lahat ng tropa nito ni Russel, si Joel ang matino! Jusko!

Isa isa ko silang tinignan ng masama at pumirmi kay Iris.

"Iris pwed----" Naputol ang sasabihin ko ng itaas nya ang dalawag kamay, tanda ng pagsuko. Tumayo sya at nginitian ako.

"Tara.." Aniya at nilagpasan ako.

"Mau.." Si Russel. Liningon ko sya.

"B-Bakit?"

Inabot nya sakin ang bottled water na hawak.

"Hindi ka pa umiinom ng tubig." Saka sya ngumiti, natulala ako. Ibig sabihin tinitignan nya ako kanina pa? "Go, he's waiting.." Tumango ako at patakbo silang iniwan don, narinig ko pang inasar sya ni Kim. Nakagat ko ang labi para pigilan ang tili, Oh God, kung totoo man po ito, thank you po!

Habang naglalakad, hindi umiimik si Iris, seryoso syang nakatingin sa dinadaanan. Sa totoo lang hindi ko din alam kung paano ko sisimula'ng kausapin sya, pero para maliwanagan nadin, kelangan ko talagang gawin to, para na din kay Gab.

Narating namin ang quadrangle, umupo si Iris sa isa sa mga upuan,  may puno na nagsisilbing silungan nito sa mainit na sinag ng araw.

Tumabi ako at malalim na bumuntong hininga, nakangiti akong hinarap sya.

"Ris, Alam ko alam mo na kung bakit tayo nandito.." Nag aalangang panimula ko.

"Oo nga.." Pilit ang ngiting sagot nya.

"Hmmm bakit??"

"Anong bakit?"

"Bakit kailangang umabot sa ganon?"

"Alam mo kung bakit, Mau.." Sumeryoso sya. Tinignan ako, kitang kita sa brown nyang mga mata ang lungkot. "May ugali si Gab na hindi natin maintindihan, paulit ulit mong papaliwanagan pero hindi naman nya iniintindi, paulit ulit ko din syang iniintindi pero wala.." Yumuko sya, natawa ng mapait. "Nakakapagod Mau, sobra.." Tinakpan nya ang muka gamit ang dalawang palad.

Matagal ko'ng tinitigan ang gano'ng posisyon ni Iris. Siguro nga ay talagang napagod na sya. Tatlong taon silang magkasama, makikita mo silang palaging masaya pero hindi ko inaasahang ganon na pala kagrabe ang hirap at pagod na dinadanas ng dalawa, o ni Iris lang.

Si Gab talaga jusko..

"Mahal ko sya, mahal na mahal.." Muling nagsalita si Iris. Nakayuko padin. "Pero hindi naman porke mahal ko sya eh magiging kampante nalang sya don.." Tumingin sya sakin saka ngumiti. "Sa relasyon, dalawang tao ang bumubuo non. Hindi lang ako. " Dagdag nya nakapagpatulala sakin. Ngumiti pa sya sakin bago tumayo at tuluyan akong iniwan.

Dalawang tao ang bumubuo. Ibig sabihin, sa buong panahon na magkasama at sila pang dalawa, ni minsan hindi inintindi ni Gab si Iris? Selfish? Shet.

Sandali ko pang prinoseso sa utak ko yung mga bagay bagay. Saka nilisan ang lugar at bumalik sa klase, malas lang dahil late na ako at hindi na pwedeng pumasok.

Dalawang oras din ang bakante ko. Kaya naman nandito ako sa cafeteria at kakain.

"Hoy!"

"Ay tinapa!"

"HAHAHAHAHAHAHA namimiss mo ba kumain ng tinapa?"

Tinignan ko ng masama si JM. Ex ko. Yeahrayt. Sya yung tipo ng ex na pag nagbreak, walang ilangan o ano. Gusto nya pag naghiwalay, friends padin. Ewan ko ba sa kanya, ganyan mindset nya, masyadong clingy kanino kaya hinihiwalayan eh, bwiset.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko na masama padin ang tingin.

"Wala naman.." Hinila nya ang silyang nasa harapan ko saka umupo doon, pumangalumbaba at tinignan ako ng nakakaloko.

"Kadiri, wag mo nga akong tignan ng ganyan, ang sagwa.." Puna ko sa pustura nya.

"Arte neto!" Saka sya umayos ng upo. "Bakit ka nandito? Cutting class???" Nanlalaki ang matang tanong nya.

"Kaltok you want?" Natawa sya. "Ganon ba ako?" Umirap ako.

"Akala ko eh hahaha sumbong kita kay Tita.." Ako naman ang natawa ngayon.

"Wow, kailan pa kita naging pinsan?"

"Tskkk edi wag!" Nanahimik naman sya at ipinagpasalamat ko yon. Itinuloy ko nalang ang pagkain, hindi sya umaalis sa harap ko kaya naman iritado padin akong tinapos iyon.

Hindi sya sakin nakatingin, nakayuko lang at nagpipipindot sa cellphone nya. Bakit kaya ayaw pang lumayas nitong pisteng lalaking to?

Maya maya pa, sumandal sya sa upuan munit hawak nya padin ang phone, napapikit ako nang iangat nya iyon at umilaw ang flash.

Tinitigan ko sya ng pagkasama sama at inilahad ang palad ko.

"Ibibigay mo sakin o babasagin ko yang iniingatan mo?"

Kinagat nya ang labi nya at sumilay doon ang mapuputi nyang ngipin.

"Hindi mo ibibigay?"

Tumawa sya ng tumawa, hindi pinansin ang sinabi ko. hawak na nya ang tiyan nya, hindi na natigil haggang sa tumayo ako, napatigil sya at tinignan ako, natatawa padin.

"Ito na ito na!" Inabot nya sakin bigla. Takot kadin naman palang kupal ka, pahirap kapang bwiset ka..

Agad ko'ng dinilete yung picture at ibinalik sakanya. Masama padin ang tingin.

"Galit ka padin?!" Natatawa padin sya. "Sorry na!" Aniya na hinabol ako dahil tinalikuran ko na sya at naglakad na papalabas ng cafeteria.

Hindi padin nagbabago, ang kulit!




***

Sana po nagustuhan nyo! Hit the vote button po! Then comment if you want! Thank youuuuuuuuuuuu! Lablats!❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SerendipityWhere stories live. Discover now