Chapter 1

14 0 0
                                    


"Hoy mga tuleg!" Humahangos na singhal ko, gulat naman silang tumingin sakin.

"Ikaw ang tuleg! Kanina kapa namin hinihintay! San ka ba galing?!" Tanong ni Gab, halatang naiinis sya pero ngumiti lang ako. isang oras kalahati lang naman akong late eh!

"Sorry na! Traffic eh" Pagdadahilan ko.

"Traffic your face!"

"Tama na yan, tara na late na tayo masyado sa laban hahaha" Naguilty ako bigla, bat kase late na ako nagising eh!

Tinabihan ako ni Kenneth, tiningala ko sya, matangkad eh! Oo na maliit na! pandak na! Hinawakan nya yung ulo ko saka ito ginulo, inis ko namang tinanggal yung kamay nya.

"Tagal mo kase, nag alala tuloy si loverboy.." Nakangising bulong nya na inginuso si Russel, naglakakad habang naka earphones, may sariling mundo.

"Nag alala sya?"

"Asa kapa! hahahahaha" Nagngitngit ang ngipin ko kaya naman kinurot ko sya sa tagiliran. Paasa!

Ilang sandali lang, narating na namin ang basketball court, kung saan gaganapin ang liga nitong mga tukmol.

"Tagal nyo naman!" Reklamo ng coach nila, napatungo ako nong tinignan ako ni Porlas, sorry na nga eh! "Bilis! Para makapagsimula na!" Dagdag sigaw pa nito, napakagat nalang ako ng labi sa sobrang kahihiyan.

Lumipas ang oras, lamang na ang Team namin. May hawak na banner si Gab na may sulat na "Go Iris! Galingan mo! Nandito ako! Iloveyou!" habang nagtatatalon at sumisigaw, naririnde ako pero natatawa din, ang corny ng kaibigan ko hahahaha!

Ilang sandali pa, nag anunsyo ang emcee nang last 30 seconds, nasa kalaban ang bola, kasalukuyang hinaharang ni Russel ang kalaban, halos hindi ako kumurap, titig na titig sakanya, kaya mong depensahan yan, pero yung sarili mo, noong bumitaw ako hindi mo ginawa?

"Cheer mo naman si Russel, Mau!" Tinignan ko ng masama si Gab, tumawa lang sya at pinagpatuloy yung ginagawa nya kanina.

Ibinalik ko yung tingin kay Russel at halos mapatalon ako sa tuwa ng makitang hawak na nya yung bola at nag three points shot pa. Napapalakpak ako at hindi mawala ang ngiti sa labi, inanunsyo ng emcee na panalo kami, napatingin sakin si Russel, tumitig lang sya na walang mababakas na kahit na anong ekspresyon sa muka saka umiwas. Proud ako sayo, masaya ka naman eh susuporta nalang ako kahit patago.

Matapos yon ay dumiretso kami sa lomihan, treat daw ni coach, celebrate kung baga, masaya kaming kumain, habang pinag uusapan ang naging laban.

"Oh? Hala sinong kasabay mo umuwi?" Baling sakin ni Joel, pagkatapos kumain. Nakauwi na ang iba, maging si Gab na hinatid ni Iris, magkaiba ang daan namin pauwi.

Apat nalang kaming natira, kakaantay ng masasakyan. Ako, Joel, Kim, At Russel.

"Kaya ko namang umuwi mag isa no, di na ako bata" Mayabang na sagot ko, natawa naman si Kim.

"Aysus! Pero height pambata!" Pang aasar nya, umamba akong babatukan sya pero dumating na yung tricycle.

Agad na sumakay si Joel at Kim sa backride, no choice ako kundi pumasok sa loob, katabi ni Russel.

Awkward...

"Miss na miss kita." Naibulong ko habang nakatitig sa likuran nya, nakasuot padin sya ng Jersey na nakasulat ang numero at apelyido nya. Tinatangay ng hangin ang mabango nyang amoy papunta sakin.

Huminto ang tricycle at oras na para maghiwalay. Kailangan ko pang sumakay ng dalawang jeep para makauwi, samantalang sila walking distance nalang, makakauwi na.

Bumaba ako at inabot ang bayad sa driver, taka naman syang tinitigan ang perang inabot ko.

"Para san yan, hija?"

"Bayad po, manong"

"Binayaran kana nong kasama mo sa loob kanina" Saka sya ngumiti sakin at pinaandar ang sasakyan.

Natutulala akong tinanaw ang likuran ni Russel, naglalakad na sya papunta ng bahay nila. Mapait akong napangiti, di manlang nagpaalam, may palibre pa!

"Kausapin mo kase hindi yung nag aantayan pa kayong dalawa, para kayong mga tanga.." Tinap ni Joel ang balikat ko saka tumalikod at nagtaas ng kamay para magpaalam.

"Oo nga naman, nako pandak!" Oang aasar ni Kim.

"Umuwi kana nga don! Wala kang dulot eh!" Taboy ko sakanya.

"Easy! Hahahaha oo ito na! Pero diba malayo kapa? Kakayanin mo bang umuwi mag isa? Gabi na ah, 10 o'clock na, gusto mo hatid na kita?"

"Oo kaya ko, salamat!" Tanggi ko sakanya, ayokong makaabala. Kaya ko naman talaga eh.

"Sure ka ah?" Tinanguan ko sya. "Osya sige na, uwi na ako, ingat!" Paalam nya saka patakbong umalis.

Habang nasa pampasaherong jeep, hindi ko maiwasang mailang, kakaonti lang ang mga pasahero at tinitignan nila ako na wari'y nagtatanong kung bakit dis oras na ng gabi ay nasa labas pa ang isang disyesyete anyos na katulad ko.

Pilit kong ibinabaling atensyon sa kalsadang tinatahak ng sinasakyan ko. Madilim na, at wala na masyadong sasakyang dumadaan, wala na din masyadong mga tao kaya naman nakaramdam ako ng hiya sa sarili kung bakit ganitong oras na ako umuwi, kababae ko'ng tao.

"Hoy" Kunot noo ko'ng tinignan ang motor na sumabay sa takbo ng jeep, nasa tapat ko. "Hoy, Mau!" Natauhan ako ng mapamilyaran ang boses na iyon.

Russel..

"B-Bakit?" Nauutal pang tanong ko, pasigaw.

"Bumaba ka jan!"

"H-Ha???"

"Baba!"

Wala akong nagawa kundi pumara. Nakahinto na din siya sa gilid ng kalsada, nakatitig sya sakin habang nakasandal sa motor nya.

Hindi ako makatingin ng diretcho sakanya habang papalapit ako, bat ganyan sya tumingin ngayon? Saka bakit nya ako hinabol?

"Bak----" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, niyakap nya ako bigla. Mahigpit. "Russel..." Mas lalo nya pang hinigpitan yung yakap nya. Damang dama ko kung gaano sya nanabik. Niyakap ko sya pabalik, ramdam ko yung likidong tumulo mula sa mga mata ko.

"Miss na miss din kita.." Aniya, napapikit ako. "Sobrang miss na miss kita.." Dagdag nya, hindi namin alintana ang lamig ng hangin at mga sasakyang mabilis na dumadaan sa harap namin.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang yakapan nami'ng iyon, ang alam ko lang masarap sa pakiramdam, ang tagal ko'ng hinintay ang oras na to, akala ko di na mangyayari to eh, kasi naman eh!


***

Hope you enjoy, guys! Loveshots!


SerendipityWhere stories live. Discover now