Chapter 15

1.2K 44 0
                                    

Matapos kong magimpake ng aking mga gamit ay kinuha ito ni Silver at dinala niya sa kanilang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong anong plano nilang dalawa sa akin. Gulong gulo ang aking isipan dahil sa nangyayari.

"S-saan ba tayo pupunta!?" tanong ko sa kanila. Abala sa pagmamaneho si Kuya Xander kaya si Silver nalang ang sumagot sa akin.

"Malalaman mo kapag nakarating na tayo!" ngising sabi niya.

Lumipas ang ilang minuto ng bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina at gutom. Halos dalawang araw na din kasi akong hindi nakakainom ng dugo. Napansin ako ni Silver sa wakas.

"Xandra may masakit pa ba sayo bakit parang nanghihina ka!"

"ka-kailangan......ka-kailangan ko ng.....ng dugo"

"Meron ako dito!" sabi ni Kuya Xander at inihinto ang sasakyan.

Nanghihina na talaga ako at mukang kasunod nito ang pagkawala ng aking malay. Hindi ko nanaman makokontrol ang aking sarili at baka makagawa ako ng masama.

Naramdaman kong lumabas na ang aking pangil at nagiba na ang  kulay ng aking mga mata. Nakikita ko ang mga ugat sa mga leeg ni Silver na kung saan pinaka magandang parte na sipsipin dahil malakas ang daloy ng dugo. Naoomoy ko ang halimuyak ng kanilang dugo ngunit hindi ko inaasahang may maaamoy pa akong mas masarap na dugo at napatingin ako sa bintana. Nahagip na aking mga mata ang isang Tao. Tumalim ang ang tingin sa kanya at sinubukan kong buksan ang pinto ngunit buti nalang ay napigilan ako   ni Silver.

Pinilit niyang binuka ang aking bibig at pinainom ng isang bag ng dugo. Ng matikman ko ang dugo ay agad ko itong inubos. Nakaramdam ng magandang pakiramdam at pagbalik ng aking lakas. Bumalik na din ang aking huwisyo at para akong tanga na nakatulala.

"Xandra ayos kana ba!" wika ni Silver.

"Amh.........oo ayos na ako, salamat!"

" Andito na tayo!" nakangiti namang sabi ni kuya Xander.

Nauna ng bumaba si kuya Xander at kinuha ang aking mga bagahe. Sumunod naman kami sa kanya  at namangha ako dahil nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon at napaka ganda.

"Welcome sa bago mong Tahanan Xandra!"  bulong ni Silver.

"Anong ibig mong sabihin?!" kanina pa akong gulong gulo dahil sa kanila.

"Malalaman mo kapag nakapasok kana sa loob!" ngiting sabi niya.

Napatulala nalang ko at hinayaan ko nalang siyang hilahin ako patungo sa lood. Mas namangha ako ng makapasok sa loob, dahil sa sobrang ganda hindi ko mapigilang mapanganga. May dalawang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Ang dinaraanan namin ay may pulang carpet at nagtungo kami sa sala at sobrang lawak nito at kasya ang 100 na katao.

Isang babaeng napakaganda at sa tingin ko nasa 40-50 ang edad. Hindi ko alam kung namamalitmata lang ako pero sa tingin ko ay parang magkahawig kami.

Bigla nalang ko nalang napagtanto kung bakit dinala nila ako dito. Di kaya.............di kaya PAPATAYIN NILA AKO!? Baka may balak silang masama sa akin!!

"ahahahaha!!!" sabay sabay silang tumawa g hindi ko alam ang dahilan. O baka naman nababasa nila ang aking nasa isipan!

"Nababasa niyo po ba ang nasa isip ko?" seryosong tanong ko sa babae.

Tumango lang siya habang nakangiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka dahan-dahang lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit ng hind ko alam ang dahilan.

"Maligayang pagbabalik mahal kong Prinsesa Sathriana White Dela Vega." bulong niya na nagpatindig ng aking balahibo.

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon