Chapter 20

1.1K 35 1
                                    

Tumayo na si Mom at Dad at nagtungo sa harapan kasama ang MC. Nakita ko ang iba na puno ng pagkagulat pero ang iba naman ay parang sanay na at marmi akong nadidinig na bulong bulongan sa paligid. Nabaling ang tingin ko kay Kira at namangha din sa kanyang nakita. Lahat hila ay nagbow kaya pati narin ako ay nagbow na.

"Hindi ako makapaniwala na siya ang Reyna! Ang alam ko lang ay siya ang mayari ng esklelahan..... so ibig sabihin P-p-prinsipe s-sila S-silver!" Manghang-mangha si kira sa nalaman niya dahil nakikita ito sa kanyang muka at ganon din ang mga ibang bampira.

"Oo nga hindi rin ako makapaniwala!" Kunwaring namamangha din.

"Tss, prinsipe pero wala sa itsura!" Mayabang namang singhal ni Zack sa aming likuran.

"Hindi naman kasi nakukuha iyon sa itsura ang pagiging prinsipe!" Pagtatanggol ko Kay Silver. Kumukulo ang dugo ko dito ah !!!

"So pinagtatanggol mo pa, eh mas bagay pa nga akong maging prinsipe kaysa sa kanya !"

"Ahaha ikaw na mukang Unggoy! Maka alis na nga baka mahawa pa ako sa kaungguyan mo!" Sabi ko sa kanya. " Kira Cr muna ako babalik din ako mamaya!"

"Sige, pagpasensyahan mo nalang tong si Zack!" Umalis na ako at nagtungo sa kinaroroonan nila Silver. Sinigurado kong walang makakapansin sa akin lalo na sila Kira.

-------------------------------------------------------
Zack's POV

Iniwan na kami ni Xandra dahil siguro nainis sa akin Talagang pinagtanggol niya paang lalaking yon eh totoo naman na mas bagay akong maging prinsipe sa kanya! Mukang wala akong laban pero gagawin ko lahat para makapagtapat ako ng nararamdaman ko kay Xandra! Kaya ngayon nagbabago na ako!

Susundan ko sana siya papuntang cr kasi baka kung anong mangyari sa kanya pero laking pagtataka ko ng nagtungo siya kila Silver. Nainis nalang ako bigla dahil nagsinungaling siya.

"Sinungaling, sabi niya magsi-Cr pero ang punta niya kila Silver, mukang may gusto din siya kay Silver! Hindi ako makakapayag!" Bulong ko.

"Hoy magtigil ka nga dyan Zack at hindi mo naman siya pagaari! Ay oo nga pala pano siya mapapasayo Hindi mo naman nililigawan!" Nangaasar na sabi ni kira.

"Makapagsalita ka, alam ko naman may gusto ka kay Silver!" Sabi ko.

"P-pano mo nasabi?"

"Halata naman kasi!"

"H-hindi yan totoo! Wag ka ngang nagsasabi ng hindi totoo baka may makadinig sayo!" Napatawa nalang ako sa sinabi niya dahil taliwas ito sa napapansin ko sa kanya.

"Maraming salamat po sa pagdalo ngayong gabi ikinagagalak ko kayong lahat na makarating sa Kaarawan ng aking Kambal na anak!" Pasasalamat ni Reyna Acriemia at sumunod namang nagsalita ay ang Hari.

"Ngayon gabi ipapakilala namin ang aming mga anak , ang mga Prinsipe at ang nagiisang prinsesa!"

"Una kong tatawagin ang panganay kong anak na si Prinsipe Blue Xander Dela Vega!" Tumayo ang lahat at nagpalakpakan."ang isa sa kambal na may kaarawan ngayon, si Prinsipe Silver Dash Dela Vega!"

--------------------------------------------------------
Xandra's POV

"Oh susunod kana at sigurado akong magugulat silang lahat hahaha wag kang gagabahan!!" Sabi ni silver at nagtungo na rin sa gitnaa kasama sila kuya silver.

Biglang may humila sa akin at nakita ko ito ay ang Baklang mananahi na gumawa ng aming kasuotan.

"Mahal na prinsesa." Magalang na sabi niya."Sabi po ng mahal na Reyna ay kailangan niyo ho daw magpalit ng kasuotan at ito po ang ipapalit niyo."

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon