Yung feeling na may bestfriend ka, ang sarap sa feeling noh?
Lagi mong kasama sa mga bawat kalokohan mo. Kakontrahan sa ibang bagay.
Eh paano na lang kung pakiramdam mo lumalayo na sayo ang bestfriend mo? Anong mararamdaam mo?
Masakit hindi ba? Hindi ka na sanay sa mga ikinikilos niya.
Yung pakiramdam na kasama mo siya pero wala na siyang pakialam sayo. Yung nasa hara ka na niya mismo sa iba tumitingin. Ang saklap lanhg.
Hindi pa sapat lahat ng ginawa mo. Naging mabait ka naman, sumasakay sa kalokoham niya. Pero wala eh. Hindi pa talaga sapat yun dahil naghahanap pa siya sa iba.
Ang sakit lang kasi sa loob ko na sa loob ng dalawang taon ganoon at ganoon ang nararamdaman ko.
Yung nasa sa iyo nga ang salitang "Bestfriend" pero hindi mo naman maramdaman ang kahulugan nun.
Hindi naman sa hiningi ko na lagi niyang ituon ang atensyon nya pero pansin ko lang lumalayo na talaga ang loob niya. May nagawa ba akong mali o kakaiba ?
Sa iba na siya sumama, nakikipagkwentuhan, at iba na ang nagcocomfort sa kanya.
Imbis na ikaw ang gumagawa nun sa kanya, iba na talaga. kulang pa talaga siguro.
Pero dahil mahal ko bestfriend ko, titiisin ko. Ganoon naman lagi. Kasi ayaw ko siyang lumayo o iwan niya ako. Kahit masakit titiisin ko.
Sabihin man ng iba na t*nga ako. Sabihin na nila kahit anong gusto nilang sabihin. Basta titiisin ko yun hanggang sa mapagod na siguro ako.
Hanggang saan kaya ang kaya ko?