"Shooot yan babyyyy !wooooohooo"
Sigaw ko. Sabay hampas pa sa balikat ng bestfriend ko kase nashoot yung bola.
Andito kame ngayon sa covered court nanonood kame ng liga enter barangay.
Tiningnan ako ng masama ng bestfriend ko naglalaro kase yung boyfriend niya supportive daw kase siyaNgumisi ako sa kanya "bkt?" Tanong ko.
Umirap siya "kanino kaba talaga sumusuporta diko kase maintindihan andito tayo para i cheer ang boyfriend ko tapos gusto mo maishoot ng kalaban yung bola. Balimbing ka din e" pailing iling na sabi niya saken.
Natawa naman ako
Naalala ko andito nga pala kame para boyfriend niya hahaha kasalanan ko ba na ang galing nung nasa kabilang team at napapasigaw ako pag yung isang lalaki na yung sho-shoot tangina crush ko yon.
"Sorry naman pero diba chini-cheer ko din naman sila pag nasa kanila yung bola.. wag ka nga jan alam mo naman na crush ko yung kalaban ng jowa mo, hahaha maki cheer ka nalang kaya dami mong reklamo e" sabi ko kay bea
Tumingin siya saken"alam ko naman na crush mo yang hambog na yan bes pero wag ka masyado pahalata baka mahalata tayo ni ken na yan ang chini-cheer mo mag tatampo yon sayo ikaw din bahala ka" sabi niya na parang nangungunsiya pa
Napahinga nalang ako ng malalim "okay fine easy ka lang bes haha"
Totoo naman napanood na kase namin ni bea kahapon tong kalaban ng jowa niya ngayon firstgame yun, pang 2nd game naman yung boyfriend niya. Ang galing talaga nun ni Di maunahan crush ko na siya simula kahapon kaya todo cheer lang ako. bahala yan si bea haha alam niya naman na ganon na crush ko yun kaya wag na siya magtaka.
Ang angas kase ni di maunahan maglaro ang gwapo niya sa mga galaw niya tapos seryoso masyado ni hindi ko nga alam kung nakikita niya ba ako. Ang bawat galaw ng muscle niya parang kakaiba. Hindi naman daw siya gwapo sabi ni bea magaling lang daw maglaro at maganda ang hubog ng katawan halatang bihasa sa basketball dahil sa lapad ng dibdib niya at may abs siya oopss! Oo nakita ko kase pag nag tataas siya ng damit pag time out nila. Sympre mainit at mapawis kaso diko padin alam ang pangalan niya hanggang ngayon ang alam ko lang ay ang apilyedo niya.
Nag time out muna at lumapit samin si ken ngumiti lang ako sa kanya. Habang nakaupo siya ay pinupunasan siya ni bea ng towel kasi sobrang pawis niya
May naisip ako
"Ken kilala mo yung si di maunahan?" Tanong ko sa kanya .Nakatingin naman si bea saken
"Oo kilala ko taga jan lang yan sa kabilang barangay, bkt?" Aniya.
"Wala lang ang galing no?"
Sabi ko."Pano di gagaling yan e halos dito na sa court yan nakatira at di na natutulog haha" sabi ni ken na tatawa tawa.
Wala akong pake kung di natutulog yan i like him no matter what.
"Crush niya kase yang hambog na yan na si di maunahan" sabat naman ni bea.
"Anong pangalan niya?"
Tanong ko kay ken.Nakatingin lang ako sa kanila habang nag iintay ng sagot parang inaalala pa kase ni ken kung ano nga ba.
"Tristan ata yung pangalan niya" sabay tayo ni ken at mag lalaro na ulet. Tumingin saken si bea na nanunukso.
Tristan di maunahan pala huh
"Ayieee hahanapin niyan sa facebook" sabi niya
"Kupal ka haha" sabay irap ko sa kanya bwiset talaga to si bea diko alam kung bat ko to naging bestfriend may mga katabi pa naman kame baka narinig yung pinag uusapan namin.
Natapos na ang laro at sobrang laki ng lamang ng kabilang team kase may pa three points pa hays!
Susunod...