Chapter 1:Stucked

43 3 2
                                    

"Kat, kayo muna ni Hansly ang maglinis ng lab ok? Alam niyo naman yung mga classmates niyo.. next time by lab partner na yung maglilinis kayo nalang muna ngayon. Ok lang ba?" Tanong samin ni Ms. Montelo, kung alam niyo lang po ayoko talaga.. huhu.. di naman sa ayokong maglinis pero siya kasi yung kasama ko, alam niyo yun SILENCE KILLS!! Ang AWKWAAAARD kaya.. ang weirdo pa naman nito. Tinitigan ko lang siya nakikinig naman siya pero di siya sumagot.

"So silence means yes, I guess? Ok I leave you now.. Uumm Kat? Gusto mo bang ipatawag sila Kaile and Ian?" Sasagot palang ako. Pero naunahan niya na ako.

"No, thank you Ms. Montelo but we can handle it na" sabi ni Hansly. Aba di man lang ako tinanong. Bwiset to ah!

Iniwan na kami ni Ms. Montelo, naiwan akong nakatayo dito habang siya nag uumpisa nang magligpit

"Tumulong ka nga para matapos na tayo dito di yung tatayo ka lang jan unless baka gusto mo pa akong kasama" napatingin ako sa kanya ng masama. Ako pa napagalitan as if naman gusto ko din siya makasama no!

"Haha!! Eh sino bang may sabi na gusto din kitang kasama?!" sarcastic kong sabi. Tumingin lang siya at tinuloy ang pagliligpit niya.

Dinalian ko na ang pagliligpit nag paalam narin ako sa kanya na mauuna na ako. Kaya lang nung pinilit kong buksan yung pintuan di siya mabuksan

"Hoy! Ikaw! Buksan mo nga tong pinto" utos ko sa kanya. Makapal na kung makapal gusto ko ng umuwi!!!

"Hindi mo ba kaya?! Magbubukas lang ng pinto di pa marunong. Wala ata sa bundok" inirapan ko lang siya. Pero pumunta din naman siya sa pwesto ko para buksan yung pinto pero di talaga siya mabuksan

"F*cked!!" Nagulat ako kasi ngayon ko lang siya narinig mag mura. Nahawaan siguro ni Ian kaya lang bihira rin naman mag mura yun ang lamya pa (=.=)

Pero don't tell me makukulong kami dito!! No!! Gusto ko na umuwi!! Mamamatay ako kapag nakasama ko pa siya ng matagal. OA na kung OA pero wwaaaahhh!! Ayoko na iiyak na ko.

"Hoi wag ka ngang umiyak diyan para kang bata. Grade 9 ka na oh! Na locked lang tayo makakalabas din tayo dito.. chaka isa pa di naman magtatagal to.. kasi hahanapin ka ng prince charming mo"

"Ano?" Tanong ko kasi di ko na narinig yung huling sinabi niya halos pabulong na rin kasi, magsasalita na nga lang di pa nililinaw

"Wala! Sabi ko tumahan ka na diyan mukha ka nang timang. Kahapon unggoy ka lang ngayon gorilya ka na" wow ah!! Siya pa may ganang mang asar!! Chaka paano ako naging gorilya eh ang ganda ganda ko pa rin naman kahit na umiyak ako. Feeling close amp!

Di ko na siya papatulan baka di na ko makalabas ng buhay dito pag ginawa ko pa yun. Mas mabuti nang sigurado basta safe.

Ilang minuto din kami nanahimik, masyadong malayo kami sa isa't isa kelan ba kasi mabubuksan to??!!

"Kat??"

"Hhhmmm??"

"Wala." Ay!! Nantri-trip na naman ba siya?!

"Bakit nga kasi??!!"

"Diba mag best friend kayo ni Ian matagal na?? H-hindi ka man lang ba nag ka g-gusto sa kanya??" Seryoso niyang tanong. Totoo ba to? Siya ba yan? Baka nasapian na hala!! Mamamatay talaga ako dito pag may nag pakitang multo. Kaya lang seryoso yung boses niya baka siya pa makapatay sakin..

"Hindi ba't mo naman natanong??"

"Wala lang. Eh siya ba di mo naramdamang may gusto sayo?" Ano bang problema nitong lalaking to??

"Hindi. Ano ka ba pag best friends kayo hanggang best friends lang talaga.. chaka ang tagal tagal na namin magkakilala hanggang best friends lang naman talaga kami"

"Ah ok sabi mo eh.. kung alam mo lang.." hala hala!! May binubulong na naman siya.. ang layo pa man din di ko tuloy marinig!! (=.=)

Ashu shu kahit naman tanungin ko ulit di naman niya uulitin sabihan pa niya kong bingi ayoko nga!! Walang magandang bingi no!!

Tok. Tok.

"Hansly, Kat.. andyan pa ba kayo??" Si Ms. Montelo ba yun?? Makakalabas na ba kami??!!

Sumigaw si Hans para marinig kami ni Ms. Montelo kaya ayun nakalabas kami. Kaya lang pag labas namin gabi na pala sobrang dilim na kasi buti nalang talaga binalikan kami ni miss.

"Sorry nakalimutan kong nala-lock pala yan"

"Ok lang po miss buti nalang nabalikan niyo pa po kami"

"Oo nga eh sorry talaga, o sige na umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng pamilya niyo. Ingat kayo ah!!"

"Ok po miss bye po ingat din po kayo!!"

Naglakad na kami palayo. Di na din kami na antay nila Kaile at Ian baka nag aalala na yung mga yun.

"Ihahatid na kita sa inyo. Natext ko na rin sila Kaile at Ian kaya wag ka na mabahala diyan" asheshe??!! Nababasa niya ba iniisip ko?!!

"Ahm.. wag na mag papasundo nalang ako sa driver namin.." nakakahiya naman kasi kung sasabay pa ko sa kanya another silence na naman to... and it kills me!!

"No I insist, pag nag pasundo ka pa anong oras ka pa makakauwi nun? Chaka madadaan ko naman talaga yung subdivision niyo pag pauwi ako"

"Ok?" No choice may point din siya.

Sasakay na sana ako sa likod kaya lang pinigilan niya ko. Pinatabi niya ko sa kanya ayaw naman daw niya kasing mag mukhang driver. Oo nga naman may point na naman siya. Ano ba kasi to'ng pinag gagawa ko. Wala na ko sa katinuan.

Pag kadating namin sa bahay bumaba agad ako at nag paalam sa kanya. Syempre ayoko naman mag tagal sa loob halos isang oras ding puro music lang sa radyo naririnig ko dun... di hahaha!! Charot lang!

Pagkalingon ko nakatingin na pala sakin si mama at ate. Wala kasi si kuya ayun kasama si papa sa ibang bansa. Nako baka kung ano na naman isipin nila...

"Carmela sino yun?? Si Ian ba yun??" Tanong ni ate. Nako naman pag may nag hatid sakin si Ian agad??!!

"Ate hindi."

"Eh sino yun?? Boyfriend mo?? May boyfriend ka na??!!" Tarantang tanong ni mama ano bayan kumakain na nga lang nang iintriga pa haha!! Buti nalang parehas kaming mga babae. Girl talk haha!!

"Ma hindi ah. Wala pa po akong balak mag ka boyfriend no! Chaka kumakain po tayo baka magalit si Lord"

"Ay dinamay pa si Lord.. bad ka na" singit ni ate.. ay sige wow lang ahaha!!

Binilisan ko nalang yung pag kain ko baka kung ano ano pa itanong nila mama. Ayoko na hahaha!! Medyo pagod na ko. I want to sleep na.

"Ma tulog na po ako ah"

"Sige goodnight anak!!" Sabay kiss ni mama sa cheeks ko. Aaaw hahaha!! Baby girl parin niya talaga ko.

"Sweetdreams KC!! Baka mapanaginipan mo pa yung naghahatid sayo kanina... JOKE!!" singit na naman ni ate... kaya tiningnan siya agad ni mama,.. si ate talaga oh!!

Umakyat na ko. Di ko lang maipaliwanag yung weird feeling na nararamdaman ko kapag kasama ko si Hans parang ang dami niyang tinatago at sekreto.

Gustong gusto ko talaga malaman kaya lang.... di naman din kami ganun ka close kaya nga ayokong nakakasama siya ng matagal eh..

Itutulog ko nalang to baka trauma lang to nang pag kakalock namin kanina...

~AN~

Sorry po kung medyo maikli hahabaan ko nalang next chapter pinag mamadali kasi ako nung boy best friend ko eh hahaha!! Atat!! XD

Enjoy reading!!

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon