CHAPTER ONE

732 78 52
                                    

__🏫__

| First Warning |

Zye Lhairhe Everdein

Ba't kaya palaging kalbaryo ng mga transfer student ang kanilang mga paang hindi nila mai- hakbang sa unang araw nila? Nakaka- inis naman.

Kung sabagay ay nararanasan ko 'yan ngayon, wagas kasing makatingin lahat ng mga kalalakihang nasa hallway. Para bang ini- intay ang susunod kong gagawin dahil tutok na tutok sila saakin. Atsaka hindi ko na rin alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin dahil sa gulo nilang lahat.

Napabuntong- hininga ako dahil sa irita. "Pwede ba?!" Malakas kong bulyaw sakanilang lahat dahilan para lahat sila'y mapatalikod saakin. Ganyan nga. Hmm.

"Uy! Umagang- umaga gumagawa ka na naman ng eskandalo." Biglang sulpot ng kung sinong tukmol sa aking gilid. Humarap ako sakaniya at sa kaniyang kasamahan, pero ako'y napa- irap nang makita ulit ang lalaking nang- asar saakin kahapon habang nakangiti ito ng malawak.

"Tsk. Hindi pa gabi, pero pagala- gala ka na." Seryosong sambit ko na naging dahilan ng pagsaboy ng nakakabinging tawanan sa hallway. At kasabay nito ang pag- pawi ng kaniyang mga ngiti sa kaniyang labi. Akala mo maiinsulto ako? Hindi noh!

"Pft. Pinagkamalan kang balot, dre! Haha!" Narinig kong bulong ng isa sa kaniyang kasamahan kaya ako'y napangisi.

Ano ka ngayon bugok? Eh di ikaw ang napahiya. Tsk.

Napairap at napahasik na lamang ako sa kawalan ng mapansing hindi na ito makapagsalita kaya napagpasyahan kong lumisan na sa kanilang harapan. Ngunit ako'y napatigil ng hawakan niya ang aking balikat.

Inis akong bumaling sakaniya, "Ano?!" Malakas kong tanong dahilan para mamayani ang katahimikan sa buong hallway.

"Don't you know us?" Seryoso niyang tanong dahilan para umikot ang aking mata kasabay nito ang pagbagsak ng aking paningin sa nakasuot niyang I.D. Wala akong sinayang na oras at kaagad itong hinila sakaniya dahilan para siya'y mapa- ubo ng kaunti.

"Priam Criosse Asthrone Kingsley, an influential leader of Majesties." Tila nabulol ang aking dila dahil sa pangalan niyang hindi ko alam kung paano bigkasin. "Actually, you pronounce it wrong." Puna ng isa niyang kasamahan.

Umangat ang aking tingin rito at tinignan siya ng diretso sa mata. "Wala akong pake." Seryosong riin ko. Ano naman kasi ngayon kung hindi ko iyon nabigkas ng maayos? Bakit? Kasalanan ba iyon? Tsk.

Bumaling ulit ako sa lalaking nasa aking harapan at tumaas ang aking kilay ng mapansing nakangiti ito saakin. "Anong nginingiti- ngiti mo r'yan?" Kahit na anong guwapo niya parang hindi ako masasayangan kung mabangasan ko ito.

"Nothing."

Napakibit balikat ako, "Pss. Pasensya, Mr. Kingsley pero kahit na alam ko ang buong pangalan mo ay wala akong pake kung sino kayo." Seryosong wika ko at kaagad na umalis sa kaniyang harapan.

Weird guys. Losers.

"Ms. Zye lairhe Everdein!" Narinig kong sigaw nila dahilan para ako'y matigilan at mapaharap sa kanilang gawi.

What?

"Bakit niyo alam ang pangalan ko?!" 'Di makapaniwalang tanong ko. Paano nila nalaman ang pangalan ko? Eh ni hindi ko iyon binanggit sakanila.

Napansin ko ang pag- ngisi ni Priam kaya kumunot ang aking noo. "Ways." Pahayag niya kasabay nito ang pag- angat ng kaniyang kamay at iwinagayway ang hawak nito sa ere.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now