CHAPTER NINE

287 54 23
                                    

__🏫__

| Conversations |

Third Person

Kahit na nakaalis na siya ay tulala at nakanganga parin ang mga kalalakihan habang nakatitig sa tinahak na daan ni Zye kanina. Sobrang tahimik nga rin eh. At wala rin nag-abalang buhatin ang lalaking pinatumba ni Zye sa clinic dahil halos hindi nila maigalaw ang mga daliri nila.

Parang binayo at linipad ng hangin ang kanilang mga kaluluwa dahil sa naganap kanina.

Sabihin nalang nating lahat sila ay traumatized sa nangyari.

Habang nasa ganoong estado ang lahat ay dumating naman rito ang apat na kalalakihan. “Oh? Napano sila?” Tanong ni Rowan na siyang unang nakapansin sa itsura ng mga tao sa hall.

Kararating lang nila dahil sa pinakatutok pa sila ng kanilang dorm building bumaba. Kaya ayan, huli na sila sa balita.

Ba't lahat sila nakatulala?

“Oo nga, anong nangyari rito?” Sumunod na tanong Hugh.

Pero ang dalawa sa likuran nila ay mag-kasabay na napailing. “Tch. Zye.” Bigkas nila at napatitig sa lalaking nakahandusay ngayon sa sahig.

'That living headache..'  - Throne.

'Always so stupid.' - Ziake.


“What the hell, Zye? Ano na namang gusot ang pinasok mo? Isang araw palang ah? Isang araw palang pero dalawang beses na akong pinatawag ng punong guro niyo? Hindi ka ba talaga titino?”

Sunod-sunod na tanong ng ama ni Zye sakaniya habang siya'y nakayuko lamang at hindi umiimik. Ayaw niya kasing magsalita at baka pabalang pa niya itong masagot.

Ano bang pake ko? Pwede kong gawin ang lahat dahil tangina sariling buhay ko ito.

“Why do you keep being like that? Wala ka na ngang respeto, wala ka pang disiplina. Kahit na ngayong taon lang, tumino ka naman.” May bahid ng pagmamakaawang saad niya rito.

Tsk. Ba't ba niya ko pilit pinapabago? Gusto ko ganito lang ako. Walang magbabago. Kung alam ko lang, ikinakahiya niya ako kasi ganito ako. Hindi niya ako kayang ipagmalaki bilang anak niya. Iyong lang naman ang hiling ko eh. Iyong kahit na ganito ako maipagmalaki parin ako. Pero maski sila..

He sighed and massage his temple when Zye's didn't even took glances on him. How can I please this kid?

“Okay! Let's make a deal.” Mariing untag ng kaniyang ama nang may isip itong matinong ideya. Napa-angat ng tingin si Zye at tinignan ng mataimtim ang ama na tila ba hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

“You can do whatever you like, whatever you want, whatever you wish. Everything! You can do everything in your life. But, do as I say, first.” Nakakibit-balikat na saad ng kaniyang ama habang palakadlakad at nakatitig sa nalilitong mukha ni Zye.

“Anong pinagsasasabi mo?”

“2 months.. 2 months for you to become a well-discipline student. No fusses, no badwords, no disrespecting. Just a good student. If you will not fail me, you can do everything you want.” Kondisyo ng kaniyang ama habang ito'y malawak na nakangiti.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now