Entry #6

17 1 0
                                    

Sampung buwang ating pinagsamahan,
Nakabuo tayo ng mga alaala 'di malilimutan
Mga harutan, awayan at sigawan
Isama na rin natin masayang kantahan.

Buwan ng abril, ang huling buwan para sa atin
Kung saan pagpapaalam ang ating gagawin,
Magbabalik tanaw sa alaalang babaonin,
Siguradong iyakan, kwarto ay ating pupunoin

Buwan ng marso, buwan ng paghahanda
Paghahanda ng sarili sa bukas na dala
Mga ilang sandali para sa pagtatapos
Sa grupong handa ng magsipagtapos.

Pebrero, ang buwan ng mga puso
Nagkalat na bulaklak at pulang lobong puso
Ang hinihintay ng mga gustong sumabay sa uso
At mamigay ng kung anu-ano

Enero, ang buwang ng bagong taon
Buwan kung saan sagad ang iyong baon
Bili dito, bili dyan
Ginawa mo ng alkansya ang tindahan.

Disyembre, pasko at huling buwan ng taon
Ang pinakamasaya sa lahat ng pagkakataon
Christmas party at kainan ay kaliwa't kanan
Kaya tiyan mo ay di nawawalan ng laman.

Nobyembre, masayang alaalang nabuo
Sa loob ng apat na sulok ng kwarto
Kopyahan at balyahan ng bangko
Kaya mga silya walang natirang buo

Hindi man tayo magkakilala simula
Tayo naman ay nakaroon ng masayang alaala
Kasama ang mga guro
Na Walang ibang ginawa kundi magturo

Mga alaalang panglahat
Na pwede ng ilagay sa aklat
Sa sobrang dami ay kulang ang dalawang aklat
Kaya dapat ay hindi ka nagsasawa sa pagbuklat

Hanggang sa huli
Kayo ay maging mabuti
Ilagay sa puso ang itinuro
Upang tayo ay hindi mabigo.

ProseWhere stories live. Discover now