Entry #7

17 1 1
                                    

Sa bawat pagsikat ng araw
Ay pagdating ng bagong pag-asa
Sa buhay na may hanggana
At walang humpay na problema

Sa isang daang problema
Wala kang makakasama
Sa pagharap at paglutas ay wala sila
Tanging iyong sarili lang ang iyong makakasama

Sa sampong iyong kaibigan
Isa lamang ang iyong maasahan
Pero oras ng problema hindi mo sya masasandalan
Sapagkat walang perpekto sa mundong iyong ginagalawan

Kaibigan ay hindi ka maintindihan
Pero kapamilya ikaw ay mauunawaan
Sila lamang ang iyong makakaagapay
Sa mundong problema ay walang humpay

ProseWhere stories live. Discover now