Chapter 16: Together

0 1 0
                                    

April's PoV:

Nasa school nadaw si Cass. Himala at ang aga niyang pumasok ano kayang nakain ng babaeng yun? Bumaba na ako sa car nagpahatid kc ako sa driver namin tinamad din kasi akong mag commute.

I'm currently walking papasok sa gate at someone grab my hand or should I say he's holding my hand tight. Siyempre nagulat ako at tiningnan ko kung sino at si Jay pala bigla namang kumabog yung puso ko. What the hell is going on? Ganito ba talaga epekto niya sakin kapag nasa tabi ko siya? Kakaloka!

"hey, andito kana pala?" bigla ko nlng tanong

""yeah, I really waited for you para nmn sabay tayo pumasok" sabi nmn ni jay and we are walking right now inside the campus at nakakailang dahil nakahawak siya sa kamay ko.

"ah- haha ganun ba ?" pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa kamay ko but lalo niya lang hinigpitan.

"don't let go okay?" he mean yung kamay ko siguro.

"bakit kasi hinahawakan mo kamay ko" tanong ko kay Jay

"remember were together now" tumaas ata lahat ng balhibo ko sa sinabi niya seryoso ba talaga siya?

"are u serious?" when I ask him that he stop and look at my face straight bakit ba siya tumitingin pangit kaya ng fes ko.

"yeah, wht do u think I'm kidding?" seryoso yung tone niya galit ba siya?

"ha-ha?" tanging nasagot ko.

"mary bigyan mo nmn ako ng chance please, na mapatunayan ko sayo yung feelings ko. Please trust me okay di kita niloloko. If u think na I'm just having a prank on you erase it. It's non of my vocabulary." Seryoso ata talaga siya eh. Ano ba kasi nagustuhan niya sakin? Yung pangit kong mukha? Oh yung pagka jologs ko? Hay naku! Jay.

"oh sige na nga ang drama mo eh hahah!" then I squeezed his nose haha cute niya kasi. Ayun at ngumiti na siya. Ang cute talaga. I really like the way he smile. Nawawala kasi yung mga mata niya nakikita pa kaya niya ako pag nakatawa siya? Hahah ang Cute.

Naglakad lang kami ulit papunta sa classroom at pilit ko paring tinatanggal yung kamay niya sa kamay ko at siya namn bumabalik. Sira talaga hahah. When we're in the fourthfloor feeling ko andaming kutsilyo na nakatutok at nkahandang isaksak sakin. Diba biruin mo ang pinapantasya ng karamihang babae na si Lyric Jay Villarte kahawak kamay ang isang pangit at kinamumuhian ng mga students sa school lalo na sa batch naming 4th yr. Ang dami ng bulong-bulongan tungkol samin. I'm sure makakaabot ito agad kay Cass. Tadtad na nmn siguro ako nito ng sermon. Bahala na.

Cass' PoV:

"Ano yung nababalitaan kong kayo na ni Jay? Ha? Totoo ba yun?" sermon ko kay April

"hinaan mo nga yang boses mo" reklamo niya sakin

Baliw na ata talaga ang babaeng 'to eh. Hindi ba niya na se-sense na niloloko lang siya ng jay na yun?

"MACS? Are u crazy? Niloloko ka lang ng taong yun!" sabi ko sa kanya para namng na offend siya sa sinabi ko.

"Cass, mabuti siyang tao." Insist niya but hindi ako naniniwala

"Hindi April! Hindi siya mabuting tao. Nakalimutan mo naba yung mga masasakit na sinabi niya sayo? Ha? Ganun kaba kababaw para magpaloko sa lalaking yun? Hindi ka magugustuhan ng ganung klaseng lalaki!" di ko na napigilan yung sarili ko. I see her crying right now. Babaw lang talaga ng luha niya. Pinakaayaw ko talaga na makita ang umiiyak siya dahil nasasaktan din ako. She's my bestfriend and para ng kapatid turing ko sa kanya.

"bakit cass? Ganun nlng ba talaga tingin mo sakin? Ipinamumukha mo sakin na panget ako?! Na walang magkakagusto sa isang katulad ko? Ha? Ganun ba yun?" she still cries when she said those words and it breaks my heart.

"that's not my point. Macs you know that I never judge you. Ayaw lang kitang masaktan"

"Hindi cass! Sa tagal nating magkasama akala mo you never judge me? Ilang beses mo narin akong inokray dahil nga bakit ganito ganyan yung suot ko! Hindi kaba nagsasawa sa ganyan? College na tayu ganyan parin suot mo? Alam kong idinadaan mo lang sa joke yun pero nasasaktan din ako Cass. Ngayon na may nagpapasaya na sakin ayaw mo? You never wanted me to be happy and that's your point." Nag walk out siya pagkatapos niyang sabihin ang mga yun.

Hindi namn yun yung point ko eh. I never see her as ugly na walang magkakagusto sa kanya. Hindi ko lang talaga mapagkakatiwalaan yung jay na yun. Meron pa nmn sigurong matinong tao diyan. Wag lang si Jay babaero yan eh and I don't want my bestfriend be broken hearted if dumating man ang panahon na tapos na siyang paglaruan. Protective lang akong kaibigan mahirap ba intindihin yun? I want the best for her and I want her to be happy. And I know hindi siya magiging masaya kay Jay. Sasaktan lang siya nun at sigurado ako dun.

April's PoV:

Bakit kasi ang dali niyang mag judge ng isang tao? Hindi pa nga niya lubos kilala si Jay masamang tao agad iniisip niya. I know na hindi ako sasaktan ni Jay. Kung mangyari man yun hinding hindi ko siya mapapatawad.

Nag walk-out na ako dun sa classroom. Bahala na si Cass dun mag-isa. Hindi nmn matatakutin yun gabi na kasi at uwian na, kaming dalawa nalng kasi ang nandun. Nag paiwan kasi kami dun dahil nga gusto niya ako maka-usap tungkol samin ni Jay pero napakajudgemental niya eh. Umiiyak parin ako. Nasasaktan kasi ako sa mga sinasabi niya. I know na gusto niya akong protektahan pero sana nmn pabayaan niya ako this time kaya ko namn sarili ko eh.

Kasalukuyan na akong naglalakad at naghahanap ng masasakyan pauwi pero pagkaminamalas ka nga naman umulan pa. Nakikiramay ata yung langit sakin eh. Nakikiiyak rin.

Giniginaw na talaga ako bakit kasi walang dumadaan na sasakyan kainis naman oh! Hindi rin nakiki-ayun yung phone ko eh nakalimutan kong e charge papasundo nlng sana ako sa driver namin at ayun lowbat na wala talagang kwenta. Bakit kasi ayaw parin tumigil sa pagluha nitong mga mata ko daig pa namatayan eh. Hindi ko lang kasi ma-Imagine na hindi kami okay ni Cass ngayon.

Para na akong nahihilo. Giniginaw at nanginginig na ako. Lakas pa ng hangin at ulan may bagyo ata eh. Narinig kong biglang may tumawag sakin at boses lalaki. Naaaninag ko may dala siyang payong papunta sakin na kahit nahihirapan siya dahil sa lakas ng hangin nasa harapan ko na siya but I don't know nagdilim agad yung paningin ko then I passed out.

Cass' PoV:

**Pretty Ate Cel** is calling...........

Tumatawag si ate cel baka tanungin ako nito tungkol kay MACS. Baka pagalitan ako dahil inaway ko yung paborito niyang kapatid. Hindi ko sana sasagutin pero na push ko na yung answer button eh.

"hello? Ate cel evening po" pa sweet tayu baka magbago isip at di na ako pagalitan hehe.

"Cassiopeia andiyan ba si Mary?" tanong ni ate cel

"Po? Wla po. Hindi paba nauwi diyan?"

"Hindi eh, saan kaya nagsususuot ang babaeng yun! Bakit di kayu magkasama umuwi kanina?" nahirapan ako sumagot sa tanong ni ate eh baka pagalitan na talaga ako nito pag sinabi kong ako ang dahilan bakit di umuwi si macs

"ate... di kami magkasama umuwi kanina kasi.. ano.. nagkatampuhan kasi kami eh at nauna ho siyang umalis akala ko po nakauwi na sa inyo."

"kayo talaga away bata na nmn yan siguro, hindi mo ba alam kung saan siya pwedeng pumunta?"

"wala po akong maisip ate eh na pwede niyang puntahan"

"tulungan mo akong hanapin si Mary, Cass ang hirap pa nmn ngayon dahil may bagyo."

"sige po ate magtatanong-tanong nlng ako sa mga classmates ko baka alam nila o nakita ba nila si Macs."

"thanks Cassiopeia update mo nlng ako"

"okay po, tsaka ate wag napo kayong ma worry I'm sure namn na di pababayaan ni Macs yung sarili niya tiwala lang po tayo."

"I hope so. Okay bye"

"bye din po"

Ate cel hang up the phone call. Buti nalang di nagtanong si ate kung ano talga ang dahilan bkit kmi nagkatampuhan. I felt guilty about sa nangyari. Di ko talaga mapapatawad yung sarili ko if may mangyaring masama kay april. I'll message my classmates magbabakasakaling baka nakita nila si april palabas ng school kanina.

Nasaan kana ba kasi MACS?

follow:ladyanj12

A doze of his sillinessWhere stories live. Discover now