LEVEL 29: STEP INTO BROKEN BATTLEFIELD

77 1 0
                                    

Pambihira!

Pinagpawisan ako ng bongga don ah!

At sa sobrang pawis…

Para na ‘kong made-dehydrate!

My goshness!

Nakakasira ng pagka-Diyosa!

<Ng Tinapa…>

Well….

Sa kabila non naging maayos naman ang lahat…

Nagawa kong i-retrieve lahat ng data na nawala…

Okay na ulit ang connection sa network…

At higit sa lahat…

Wala na ‘yung nakakaimbyernang pusa na sayaw ng sayaw sa screen!

Huwag lang talaga maulit ‘to at makakatikim na siya sa ‘kin!

Pero sa totoo lang hanggang ngayon nagtataka pa rin ako…

Ang alam kong target ni Azi ay ‘yung mga bigating company…

Mostly mga electronics, software at international companies na talaga namang pamatay ang security!

Pero…

Sa ginawa niya ngayon….

Nakakalurky talaga…

Hindi naman sa minamaliit ko ang school namin…

Pero pipichugin lang ‘to compare sa mga previous targets niya!

Sabagay sinabi niyang wala naman siyang interes sa data namin…

Ano nga bang mapapala niya roon?

Mga absent reasons ng estudyante….

List ng kicked out students…

Grades na sisingkuhin…

Mga reports…

Magtanim na lang siya ng talong kung ako sa kaniya…

At kung ano mang game ‘yung sinasabi niya…

La pa rin akong paketch!

Hindi ko na ulit iisipin ‘yon!

Hindi na!

Ang mahalaga….

Okay na ulit ang server namin….

Tuloy pa rin ang trabaho ko!

Bwahaha…

.

.

.

.

[Sound Effects- Cellphone Ringing…]

Uy…

Sino naman itey…

<Kinuha ko ang cellphone ko sa bag….>

‘Halerr…Si Max aketch …sino itechiwa?’

‘Bakla!’

‘Hoy mas Bakla ka!’

‘May sasabihin ako!’

‘Alangan namang wala? Kaya ka nga tumawag ‘di ba…’

‘Pasalamat ka nga tumawag lang ako hindi kita pinuntahan d’yan! Eh ‘di na-smack down kita ngayon!’

‘At minamaliit mo ‘ko gan’on? Pwes halika dito wrestling tayo ano?!’

‘Ikaw ang pumunta dito! Bakit ako?! At kailangan mo talagang pumunta dito Bakla ka!’

‘At ano na naman ‘yan ha?’

‘Well…hindi ba sinabi mo focused ka na on your career this time right? My offer ako sa ‘yo….heeheehee…’

‘Alam mo pag tumatawa ka ng ganiyan…masama nararamdaman ko eh…’

‘Hahaha…sige na girl…it will be a great help to you I promise!’

‘Ano bang offer ‘yan?!’

‘Actually it is a convention…a seminar where I am one of the board members who organized it…idi-discuss here ang mga new trends sa technology kaya for sure magbebenefit ka dito…ano sama ka na!’

‘Convention….wala bang cosplay convention d’yan?’

‘Ano ka ba akala ko focused ka na?! Girl pwede mo ‘tong isama sa resume pag naghanap ka na ng work….’

‘Ah...yah…sabi ko nga eh…teka…where at when ba ‘yan?’

‘Tomorrow evening 8 PM…here at Elixir Hall…asahan kita… don’t worry dahil bongga ang lola mo sagot ko na expenses mo kay ‘wag na ‘wag kang mawawala! ’

‘WHOA?! Elixir?! Ano ba ‘yan convention o grand ball?! Talaga libre mo ‘ko! Sige Go na Go ako d’yan!’

‘’Yun ‘yun oh! Kapag libre dali mapapayaaaag! Well…ganun talaga…hahaha…punta ka gurl ah...Nga pala hindi cosplay ‘yon baka naka-Voltes V ka d’yan… semi-formal na lang okay na ‘yon…’

‘Sureness! Basta ikaw! Hahaha…’

‘’Yan ang gusto ko! Sige bye bye na Bakla! Asahan kita….’

‘Bye…Muah!~’

.

.

.

.

.

.

Convention…

Seminar….

Elixir Hall…

Libre lahat ni Bakla….

WAAAAAH!!!

SIGURADONG BOCHOG NA BOCHOG AKO NITO PAG-UWI!!!

YAHOOOOOOO!!!

•••

VERSUS HACKER BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon