LEVEL 10: BEWARE OF THE SCHEMES

140 2 0
                                    

On the way home na ‘ko from school nung tumawag ako kay Bakla…

<Naks! On the way home… ‘kala mo kanya!>

At dun ko nalaman ang dahilan kung bakit sila nagtatalo ng kulugong ‘yon sa phone…

 <Ayokong makialam… Pero ‘di ko ring napigilang magtanong…>

‘Ganun na nga Girl…gusto niya kasi ako ‘yung umattend sa Parents Meeting niya ‘dun sa school…pero kahit tawagin niya pa ang Diosa ng mga Tuko… hindi ko naman magagawa ‘yon! ’

‘Bakit? Hindi ba pwede iba? ’

‘Ewan ko don! Maarte ‘yon eh! Okay lang naman kung iba pero ayaw niya… Kaasar nga sabi maid na lang..pero ang tigas talaga ng ulo.. Gusto umuwi pa ko d’yan girl para maka-attend dun!’

‘Kailan ba ‘yon ha?’

‘Bukas na daw…’

‘Ganun? Mukhang umay na umay nga… walang kinikibo kahit sino…’

‘Oo… pinatayan pa nga ‘ko ng phone...Ganun talaga ‘yon pag ‘di nakukuha ang gusto…’

<Uy…. Nakita ko kung paano niya ihagis yung phone! Homerun!>

‘Girl… wala akong pasok bukas…okay lang kaya sa kaniya kung ako na lang?’

<Whoa! Ako  ba ‘yun?>

‘Whoa?! Ikaw ba ‘yan?!’

<Actually katatanong ko lang!>

‘Ah… wala lang… Kasi napansin ko problemado ka masyado d’yan…bakit ba kasi ayaw niya ng iba…’

‘Well ang totoo niyan…Hangga’t maaari kasi dapat parent o guardian talaga ng student… Instead of kung sino lang… ’

‘O ‘yun naman pala…Pwede naman siguro ako…Nakatira ako sa inyo not as a maid or what…At isa pa sa ‘kin mo siya binilin eh ‘di counted as guardian na ‘ko nun…’

‘Alam mo girl may tama ka d’yan… Pero sure ka ba talaga na ikaw na?’

<Sure na ba talaga ‘ko? Actually nahihiwagaan nga ako kung bakit ko in-offer yung sarili ko…>

‘Ah.. oo.. sige.. kung no choice na talaga ‘di ba.. ‘la naman akong gagawin bukas…’

‘Wow! Girl… Super I love you na talaga!’

‘I love you I love you ka d’yan… hinaan mo nga yang boses mo! May makarinig sa ‘yo!’

‘Ay thank you thank you! O sige mamaya sasabihin ko sa kaniya na ikaw sasama sa kaniya sa meeting okay! Don’t worry…pag sinabi ko wala nang magagawa ‘yon!’

‘Aba! Bahala siya kung ayaw niya pumayag! Siya rin…’

‘O sige sige… Thank you talaga girl ah… Don’t worry… I’ll give you another ice cream gift check!’

‘Whoa! Talaga! Ayus yun!!!’

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero…

Bakit nga ba?

Bakit ako nag-offer?

Dahil ba kay Bakla?

Dahil ba sa ice cream check?

Siguro bored na rin talaga ako kaya basta may magawa na lang…

•••

VERSUS HACKER BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon