Chapter 8

66 3 2
                                    

Chapter 8:

Jane's POV

Hayyyy.. Kagigising ko lang. Unat dito Unat doon........ ARAY. Napasobra yata, Hahahahaha xD

Naalala ko naman yung tungkol kagabi :( Ang sama ko talaga. Sorry naman, di ko naman kase alam kung sino yun. Sabi kasi ng mga magulang ko nung bata pa ko " DON'T TALK TO STRANGERS. " Sinunod ko naman, MABAIT kasi ako. *smirk Oh bakit? AANGAL? You want punch? De joke lang. MABAIT ako noh :P

Back to normal........

5:30 am ako nagising. Medyo binilisan ko na yung kilos ko, ginawa ko na lahat ng morning activities ko. Malelate pa kasi ako. Dadaanan ko pa kasi 'yung puntod ng Daddy ko. Siguro nasa isip nyo kung bakit sya namatay? Well well well, gawa lang naman ng dakila at magaling nyang anak, at AKO yun. Nakakalungkot kasi ako pa ang dahilan. Sana namatay na rin ako.... Ay ERASE ERASE..... Jane, di mo pa oras. Hahahaha xD Ano ba mga pinagsasabe ko? Baka nabobored na kayo sakin ha, ganto lang talaga ko. At ano ang dahilan?

Next Chapter na lang. Hahahaha :P

*fast forward

Nandito na ko ngayon sa puntod ni Daddy. Time Check..... 6:00 AM :)

Maaga pa kaya susulitin ko muna 'tong time na 'to.

"Dad, I miss you na. Huhuhuhu :'( Namimiss ka na rin ni Mommy. Baket ka pa kasi namatay eh. Ang tanga tanga ko talaga, dad. Huhuhuhu :'( Eh di sana kung hindi dahil sakin, kumpleto pa tayo nila mommy. Sana bago ka man lang namatay, maipakita ko man lang sana kung gaano kita kamahal pero hindi eh. Huhuhuhu :'( Nakakainis kasi si Mommy eh. Dad, mahal na mah-----."- sabi ko then umeksena si Kuya ( Driver ). Aba, loko 'to ah.

"Ma'am tapos na po ba? Malelate na po kasi kayo."- sabi ng asungot kong driver na mukhang tinaihan ng kalabaw ang mukha. Waaaa, nagiging bitter na ko. Hahahaha xD

"Nagmamadali po ba kayo kuya? Oh sya go, iwan mo na lang ako dito. Iwan mo na lang dyan ang susi then GO. Hindi pa ko tapos bigla naman kayong eeksena. Basagan ng trip Kuya? -_______- Kung malelate na ko, wala ka ng pake don."- speech ko naman sa kanya. Sa sobrang inis ko, bigla ko na lang nasabi yun. Hahahaha, ang sama ko na talaga. Pero nagkakamali kayo, mabait naman talaga ko, ONLY WHEN I'M IN GOOD MOOD. Kaya dont' dare to trip me kapag BM ako.

"Ay sorry po Ma'am. Akala k-------."- painosente nyang sabi. Demonyosente bwiset eh.

"Ano pang hinihintay mo? GO."- sigaw ko sa kanya. Halatang nagulat sya, akmang magsasalita pa sya pero tinignan ko na lang sya ng masama. ABA, makuha sya sa tingin. Then yun nga, umalis na sya. Pero may sinabi pa ko sa kanya bago sya tuluyang umalis.

"Don't you dare to say about this to Mommy or else......"- sabi ko. Nag-okay naman sya. Alam nya na kasi kunanong gagawin ko kapag my sinabi akong "or else......" Ipapa-fire ko lang naman sya kay Mommy at babaligtarin ko ang nangyari. Diba? Gawain ng mga SPOILED BRAT? *smirk At yun nga, tuluyan na syang nawala sa paningin ko....

Argggghhhh, ang sama-sama ko na talaga. Tapos meron pa ko. Oh diba, ang SAYA. Nakaka-badtrip mga tao ngayon. Mga dakilang EPAL. Nagnonobela ko, tapos eepal. POV ko 'to kaya wala kayong karapatang umepal. Waaaa, I'm going to hell na.

*fast forward

Gaya ng nabanggit kanina, pinaiwan ko ang susi so ako ang nagdrive ng kotse kanina. Wala pa naman akong license kasi minor age pa. Pwes, di ako papatalo sa manghuhuli sakin. Pera lang naman habol nila diba, So I'll give them a MONEY. Mga mukhang pera eh.

Hayyysss, tindi na talaga ng mood ko. Bitter ako ngayon, magiging bitter ako ALL DAY. Wala eh, ganun mood ko. Dire-direcho.

[a/n: Eto po muna. Ire-refresh ko lang ulit ung utak ko. Medyo nahawa sa ugali ni Jane eh. Hahahaha xD Sana nag-enjoy kayo sa POV ni Jane. Minsan lang yan. Please vote and leave a comment kung nagustuhan nyo. Thanks in advance. Sorry kung maikli yung Chapter 8, na Writer's Block na naman po eh. Di ko pa kasi alam kung ano ang susunod na scene. Thanks again. ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon