1. No more Cheating

305 7 12
                                    

"You don't have to worry about LOVE. As long as I am existing, you will be loved."

                                -- Jesus Christ

A Heaven's Touch is not a love story on how a two person  FALL on each other and then unite until FOREVER..

BUT on how we should fall inlove with GOD ....

1. No more Cheating

"The Lord HATES anyone who cheats but he likes anyone who is HONEST"

(Proverbs 11:1)

"Ma, got all ko po yung exam ko. Nangopya po kasi ako sa katabi ko."

May patakaran ba ang mga schools/universities na before ka mag take ng examinations o quizzes eh, "Copy your seatmates answer and write it on your answer sheets."

Wala di'ba? Sino ba naman ang magiging proud at stand out pa mismo sa harap ng maraming tao at sasabihing. "Yes! Nangopya ako!" Whoa. 'Ni halos ayaw ngang ipahalata ang pangongopya eh. Kumukuha ng magandang 'tiyempo' para makasiguradong hindi mabibisto..

Yung madalas mong pangongopya sa t'wing may seatwork, quizzes at exams. Yung mga TACTICS mo ng pangongopya.

Halos mabali na ang leeg mo kalilingon sa papel ng kaklase mo at halos pumutok na yung mga mata mo sa sobrang laki nito.

Parang lulubog na nga yung daliri mo sa braso ng katabi mo dahil sa kaka-kalabit mo.. Ayos lang din mapaos ka kaka 'psst....psssst...' mo.

Ganyan ka ka-desidido at kadesperado't desperada basta ba may sagot lahat ng blangko sa papel mo.

Halos lahat yata napagdaanan na yang 'cheating stage' sa teenage life.. I doubt it kung 'ni minsan eh hindi ka pa nangopya? Aba! Umamin ka na. (pero kung nagmamatigas ka na kahit minsan eh 'di ka pa nangopya, OKAY! Sabi mo eh.xD)

I myself also experience that. OF COURSE! Hindi naman sa proud ako, nagsasabi lang ng totoo.

May kasabihan pa nga kami eh. Tuwing may exam o quiz kami nung 4th year Highschool ako, tatlo kaming JOINT POWERS. Yung bestfriend ko at ka-close na guy classmate.. Hati-hati kami sa mga topics and lectures na re-review-hin. Ang motto nga naming tatlo eh, "Three heads are better than one."

Ganyan kami noon. Basta sama-sama, kayang-kaya..

Walang mahirap na exam sa mga magkakaibigang nagkokopyahan.

Pasa-pasa yung answer.. Parang tsismis sa bilis. Parang VIRUS kung kumalat.. Kami pa nga ang SOURCE nila ng mga sagot. Sa amin ang takbuhan nila kapag wala na silang ma-isagot.

After exam, malalaman mo na mataas nakuha mo. Masaya ka. OO! Siyempre naman di'ba? But hey! Masaya bang makakuha ng mataas na grado kung pangongopya naman ang sandigan mo?

Magiging PROUD ka ba sa sarili mo kung panay sagot ng katabi mo ang nasa papel mo?

Achievement ba 'yun na maituturing?

Yun bang feeling mo eh super talino mo na kasi nga HIGHEST ka. Pero naisip mo ba na SARILI mo mismo yung dinadaya mo? Ganun ba ka-importante sayo yung GRADES kaya pati sarili mo eh NILOLOKO mo?

I DOUBT IT!

Masaya ka sa umpisa pero in the end, you'll feel unsatisfied kasi you've realized that you have sin. AGAINST GOD. You have cheated to your ownself. Dinaya mo lang pati sarili mo..

A Heaven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon