"While Waiting"

68 4 2
                                    

“While Waiting”

Text: Philippians 1:9-18

Revelation:

            Serving God is a matter of choice. It’s always up to you if you will continue to serve God with all your heart, might and strength. Serving God is never been easy.

 There are times that you’ll feel tired, heavy and discourage. But you know what God likes the most? It’s when you still find time to worship and praise the Lord even if your current life seems so hard and tough.

            Masayang pagsilbihan ang siyang lumikha sa’yo pero, MAS masaya kapag maraming hadlang pero patuloy ka pa ring lumalaban para lang ipagkalat ang kabutihan Niya. We suffer because of Christ. Yes! We suffer but deep within our hearts, there’s still joy and fulfillment because you know that it is the right thing to do.

SERVE CHRIST with LOVE not out of envy, job or duty. You serve HIM simply because you love HIM.

            Christ deserves more than the BEST from us. He deserves ALL from of us because Christ died once and for all. How God loved us so much. Hindi ko kayang i-express, ipaliwanag yung pagmamahal na meron ang Diyos sa atin. Makikita mo na lang ang sarili mong naka-ngiti at masaya kahit pa punong-puno ka ng problema dahil lang sa labis-labis na pagmamahal niya.

            Wala namang REQUIREMENT/S o QUALITIES na kailangan para pagsilbihan ang ating Diyos. Yung PUSO mo lang. A GENUINE heart that is more than willing to offer his/her life as a living sacrifice. Yun lang. Basta ba magdesisyon ka na handa ‘mong talikuran ang dating ikaw at magpatuloy na IKAW ay isang BAGONG nilalang.

 When you do it, you’re very much welcome in the FAMILY OF GOD.

            Wala nang mas sasaya pa sa iyong nadarama kapag pinapupurihan at pinagsisilbihan mo Siya.

Kahit na wala kang pera, feeling mo ang yaman-yaman mo dahil sa pagmamahal niya.

Kahit maraming pagsubok at problema, hindi ka nababahala kasi alam mong kasama mo siya.

Mahirap man ang mamuhay bilang isang TUNAY na KRISTIYANO, alam mo riyan sa puso mo na wala kang dahilan para sumuko.

            A life with God is the REAL LIFE. Kapag kasama mo siya, solve ka na. Maging sincere ka sa lahat ng bagay na ginagawa mo para sa kanya. Huwag mong i-take for granted yung mga bagay-bagay na dumarating sa buhay mo kasi may malaking PURPOSE yun para MAS tumatag ka pa at lumalim sa Kanya.

            Pero tandaan mo, hindi sa lahat ng pagkakataon e masaya ka. Darating yung panahon na feeling mo pagod ka na, sawa ka na, ayaw mo na at parang walang nangyayari sa kabila ng lahat ng efforts mo.

I tell you, huwag kang papa apekto sa nararamdaman mo. Tandaan mo, kasama ang lahat ng yan sa PROSESO. Habang inaantay mo ang muling pagbabalik ni Kristo, gawin mo ang lahat-lahat para sa Kanya.

BUSY yourself doing something worthy for His glory.

Huwag kang mapapagod at magsasawang pagsilbihan Siya.

Kasi siya, hindi siya napapagod na 24/7 bantayan ka at HINDING-HINDI siya magsasawang MAHALIN ka.

Application:

            Dumating na ako sa point kung saan SOBRA na yung ginagawa ng KAAWAY sa akin. NGAYON pa ba ako susuko? Dapat mas maging pursigido pa akong gumawa ng tama kasi alam kong pilit akong hinihila ng kalaban pababa. Pero hinding-hindi ako susuko kasi alam kong  ililigtas ako ng DIYOS ko.

 Lord, tulungan mo po akong mahalin ka ng BUONG-BUO at pagsilbihan ka ng  BUONG-PUSO.

“I will serve you, for better or for worst.”

Promise:

“Jesus Christ will keep you busy doing good deeds that bring glory to God.”

-Philippians 1:11

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Heaven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon