3. Watch your Mouth

85 4 0
                                    

3.Watch your Mouth

"Your words show what is in your hearts. Good people bring good things out of their hearts, but evil people bring evil things out of their hearts."

(Matthew 12:34-35)

"Kung wala ka pang nagagawang maganda sa sinisiraan mo, MAHIYA KA NAMAN."

Madalas ka bang magsinungaling sa mga magulang mo para pagtakpan ang kalokohan mo?

TAAS KAMAY?

Well, parang ganito lang yan eh. Magpapa-alam ka sa magulang mo na, "Ma, pupunta po ako sa bahay ng kaklase ko, gagawa kami ng project."

AYUN! Si ermat na walang kamalay-malay, pumayag! Pero ang totoo niyan, kasama mo ang barkada, hindi para gumawa ng PROJECT 'kundi para GUMIMIK.

Eto pa, may babayaran kayo sa school... Ikaw naman si mapag-samantala, dodoblehin mo yung PRESYO. Aba! Para-paraan kamo.

Yung sobra pala dun eh, KUPIT MO.

Diretso ka agad sa computer shop at ipangdo-DOTA lang pala..

O kaya naman ipanglo-load mo na para maka-TEXT yung crush mo, bf/gf o maging mga pinopormahan mo.

Madaling magsinungaling.

Hindi naman nila alam yung mga ginagawa mo kapag hindi sila nakatingin di'ba? Kapag malayo sila. Hindi nila alam yung katotohanan kasi lagi kang may PINAGTATAKPAN.

Pati ako, ganyan din ako noon. Kunwari ginabi kasi may tinapos na project pero wala naman talaga kasi kasama ang BARKADA, NAGSASAYA.

Madali lang naman gumawa ng palusot eh. Ang tanging gagawin mo lang ay ang walang humpay na pag-DENY. Baliktarin yung sitwasyon, mag-imbento ng 'school event' at gumawa ng isang napakagandang ALIBI..

Akala mo kasi walang nakakakita. Walang nakaka-alam. Pero, God sees you from above. He knows your dirty, little, deepest sebret..

Alam niya lahat.

Pero you know what?

Sabi sa Ephesians 6:13

Children, obey your parents in the Lord, for this is right. "Honor your father and mother," which is the first commandment with promise: "that it may be well with you and you may live long on the earth."

Ang sabi pa nga sa ibang translation eh, 'that you may have a long and happy life'

GOT IT?

Paano ka magiging tunay na MASAYA kung pati pala sarili mong magulang eh NILOLOKO mo na?

Yun bang panatag sila na wala kang ginagawang HINDI MAGANDA. Na MALAKI ang TIWALA nila sa'yo..

So hey! Wag mo naman sanang sayangin 'yun. Don't take that for granted. Hangad lang din naman nila kung ano ang maka-bubuti para sa'yo..

Don't FOOL around..

Ako nga, madalas kang suwayin yung mga parents ko, NOON. 'Yun bang 'pag may iuutos sila saken eh, "MAMAYA NA" parati yung sagot ko. Ultimo paghuhugas ko dapat ng pinagkainan tuwing gabi eh inuumaga pa. Puros kasi MAMAYA.

Yung 'mamaya' pala na 'yun eh automatic na naging 'bukas na'..

Umaabot pa nga sa point na kunwari busy ako sa pag-aaral ko. 'Yun ang mahiwagang ALIBI ko para maka-iwas sa trabaho.. Tatambay sa kwarto, kunwaring nag-aaral pero nagte-text lang pala..

A Heaven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon