"Whether you like it or not! Sasama si Alexandrea sakin! Iyon ang desisyon ko, Mona. At hindi ko hinihingi ang opinion mo Diosdado. Para rin naman ito sa ikabubuti niya" narinig niyang sabi ng Lolo Julio niya. Kausap nito ang kanyang ina at lolo diosdado sa sala. Kararating lang niya mula sa paaralan at ito agad ang bubungad sa kanya. Hindi niya inaashang darating ang lolo Julio para kunin siya. Ama ito ng kanyang yumaong ama."Ma?" Malungkot na tawag niya sa ina. Parehong lumingon ang mga ito sa kinaroroonan niya. Ngumiti ang ina niya pero alam niyang pilit iyon, habang ang dalawang abuelo ay parehong nakatingin lang sa kanya. Napalingon siya ng may bumaba sa hagdan dala ang dalawang malita niya.
"Anak, isasama ka ng lolo mo sa maynila. Isipin mong bakasyon lang ang pagpunta doon. Mahal na mahal ka namin" sabi ng mama niya at niyakap siya nito ng mahigpit. Lumapit din ang lolo diosdado at yumakap sa kanya. Niyakap niya ang mga ito ng mahigpit at hindi na niya napigilang mapahikbi.
Alam niyang darating ang araw na kukunin siya ng lolo julio niya pero hindi niya inaasahang ito ang araw na iyon. Ayaw man niya ay wala siyang nagawa pati ang ina't lolo diosdado niya. Nakasalalay ang lupain at buhay ng lolo diosdado, ina at kapatid niya kung hindi siya susunod sa mayaman niyang lolo. Mabigat ang loob na umalis siya sa kinalakihan niyang tahanan kasama ang mayamang abuelo.
-----
"Don't worry, lahat ng kailangan mo ay naasikaso ko na pati ang bago mong paaralan. Bukas na bukas ay pwede ka ng pumasok. Sundin mo lang ang gusto ko at magkakasundo tayo" narinig niyang sabi ng lolo julio niya. Sakay na sila ng private plane nito at nakatanaw lang siya sa labas. Hindi niya ito nilingon dahil ayaw niyang makita nito ang mga luhang lumalandas sa pisngi niya. At mas mabuti pang tignan niya ang madilim na langit kaysa tignan ang abuelo. Naghahalo ang lungkot at galit na nararamdam niya sa mga oras na iyon. Lungkot, dahil mamimiss niya ng sobra ang kanyang ina, lolo at kapatid. Galit, dahil sa strikto at walang puso niyang lolo."Miss Andrea, uminom po muna kayo ng tubig" palihim niyang pinunasan ang luha niya bago nilingon ang babaeng nag abot ng bottled water sa kanya. Kinuha niya ito at nagpasalamat. At agad naman niyang ibinalik ang tingin sa labas.
Hindi naman nagtagal ay nakarating agad sila sa maynila. Nag buntong-hininga muna siya bago bumaba sa eroplano. Ito ang unang tapak niya sa maynila at dito magsisimula ang pagbabago ng takbo ng buhay niya. Palabas na sila ng airport ng mag paalam siya para mag banyo, pero ang totoo gusto lang niyang ayusin ang sarili at tawagan ang kanyang ina. Para ipaalam na nakarating na sila ng maynila. At sabihing namimiss niya agad ang mga ito.
"What the F*ck!"
Hindi niya sinasadyang mabangga niya ang isang lalaki. Katatapos lang niyang tawagan ang mama niya at pabalik na siya sa kinaroroonan ng lolo julio niya. Dahil sa pag mamadali ay nabangga niya ito.
"I'm sorry... sorry po, sorry po talaga" paulit-ulit niyang hingi ng paumanhin. Hawak nito ang baba dahil doon tumama ang ulo. Napapikit pa ang mga mata nito dahil sa sakit.
"Ghad! Pwede ba sa s-... k-karen?"
Napakunot ang noo niya ng matigilan ito ng makita siya. Para itong nakakita ng multo dahil sa pagkagulat na rumehestro sa mukha nito. At sinong karen ang tinutukoy nito? Magsasalita na sana siya ng biglang kabigin siya nito at niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito, hindi siya makapag salita at makakilos sa pagkabigla.
"Nagbalik ka, karen.."
------------
"Thank God I found you.."
Kasalukuyan siyang naglalakad palabas ng airport ng mabangga siya ng isang babae. Bahagya siyang nagulat ng makita niya ang pamilyar na mukha. Wala siyang sinayang na sandali at agad niya itong hinila para yakapin ng mahagpit. Nakadama siya ng saya ng makita niya ito.
Nagulat na lang siya na malakas siyang itinulak ng dalaga. Nakita niya ang pag kalito sa mukha nito. Doon niya napansin ang bilogang mata nito, parang galing lang sa iyak dahil namumugto ang mga mata nito.
"I-I'm sorry... nagkakamali po kayo, Mister" sabi nito.
Ang kaninang masaya at pagkasabik ay napalitan iyon ng lungkot. Nagpakawala siya ng hangin para kalmahin ang sarili.Tama ito, nagkamali siya. Pero kamukhang kamukha nito ang taong hinahanap niya. Pwera lang sa mga mata nito, kung hindi ito galing sa iyak ay napakagandang tignan ang buhay na buhay na mga mata at sa matabang pisngi nito. Sa pananamit nito ay halatang isa itong teenager.
"Sorry... my mistake. Akala ko kasi ikaw si.." paghingi niya ng paumanhin. Umiwas siya ng tingin. At lihim na pinagmunura ang sarili dahil kung ano-ano na lang ang nakikita niya.
"O-okay lang po.. sor-" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may lumapit sa kinaroroonan nila. Nilingon niya ito. Nakita ng binata ang pagkataranta sa mukha ng dalagita.
"Miss Andrea, hinahanap na po kayo ni sir. Tara na ho.."
"Opo, susunod po ako" paghingi nito ng paumanhin sa lalaki. Akmang tatalikod na ito ng may maalala. Tumingin ito sa kanya at may kung anong kinuha sa bulsa nito.
"Ahm.. kuya, ilagay niyo po sa baba niyo. Sorry po ulit" sabi nito bago may inilagay sa kamay nito. Matapos nitong iabot sa kamay niya ay dali dali itong tumalikod at sumunod sa lalaking naka itim.
Wala sa sariling tinignan ang ibinigay nito. Isang band aid na kulay pink. Napa kunot ang noo niya bago hinimas ang baba at napa aray siya ng makaramdam ng sakit. May nakapa siyang sugat at nakita niya sa daliri na may kunting dugo.
"Sh*t" wala sa sariling napamura siya ng malutong. "Ang talim at tigas ng ulo ng babaeng 'yun!" Dugtong niya at tinignan ang dinaanan nito pero hindi na niya ito natanaw.
Sapo ang mukha habang papalabas siya ng airport.
"Minamalas ka naman oo" Patuloy na pagmumura niya habang palabas siya ng airport. Agad na mang may humintong sasakyan sa harap niya. Bago paman siya makasakay ay may nakita siyang hinding hindi niya makakalimutang mukha. Kahit nakatalikod ito ay agad niyang makikilala ito. Natigilan siya ng makitang lumapit ang babaeng nakabangga sa kanya kanina. Kumuyom ang kanyang mga kamay sa nakita. Nakita niya ang babae na parang nanghihingi ng paumanhin sa lalaking kausap. Nakita na naman niya ang malungkot na mga mata nito.
"Julio Belmonte..." Mahinang sabi niya sa sarili habang nakatingin sa hindi kalayuan ang kinaroroonan ng tinutukoy nito.
YOU ARE READING
I'll Always Be By Your Side
FanfictionMasaya at kontento na sa simpling buhay si Alexandria Belmonte pero nag bago ang lahat ng biglang dumating ang mayaman niyang lolo. At doon niya makikilala ang brat na si Edison Rey Santiago, ang lalaking gugulo sa buhay at puso niya. Tadhana ba ang...