"How was your first day in your new school?"
Narinig niyang tanong ng kanyang lolo julio. Nasa hapag kainan sila ngayon at sabay silang kumakain. Uminom muna siya ng tubig bago niya ito sagotin.
"Okay lang po.. m-maganda po yung school" magalang na sagot niya kahit naiilang pa siya rito.
Nakita niya ang pag tango nito bilang sagot. Agad naman niyang pinagpatuloy ang pagkain ng biglang magtanong ulit ito.
"Na late ka daw? Sabi ni Erlyn late kana nagising kanina. You must be responsible and independent, Andrea" sabi nito bago o
ito sumubo ng pagkain.Napapikit na lang si Andrea sa sinabi ng lolo niya. Tama ito, na late siya sa pag gisibg dahil napuyat siya kagabe.
"Alexandria Belmonte, I'm asking you"
"O-opo, hindi na ho mauulit" sagot niya sa abuelo.
Hindi na ito nagsalita o nagtanong pa. Sa awkward ng atmospherhisa sa pagitan ng lolo niya ay hindi niya magawang ubusin ang pagkaing nasa plato.
"Don't play with your food, Andrea" sabi nito. Nang mapansin nitong pinagulong-gulong ko yung meatballs at gulay gamit ang tinidor ko. "Hindi ka na bata, your an adolescent! Finish your food then meet me in my library. May pag uusapan tayo" dugtong nito bago tumayo para umalis.
"Authoritative as always! Hayy.. " sabi niya lang sa kanyang sarili at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Matapos siyang kumain ay agad siyang pumunta sa kanyang lolo pero pagdating niya doon ay may kausap ito. Nag antay siya ng ilang oras pero hindi pa rin ito tapos sa pakikipag usap sa telepono. Nagdesesyon siyang lumabas muna at magpalit ng damit sa kanyang kwarto. Ng matapos siya sa pagbihis ay naisipan niyang humiga sa kama para magpahinga. Nakaramdam siya ng pagod dahil sa pag iikot nila kanina kasama ang bagong kaibigan na si sheena sa kanyang bagong school. Pagod siya pero hindi magawang makatulog o makapikit ng maayos. Pabaling baling siya pero hindi siya makatulog. Tumayo siya sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kwarto.
"Ma'am, ito na po yung gatas niyo" napalingon siya ng magsalita si Ate grace, isa sa mga kasambahay ng lolo niya. Nilapag nito ang isang basong gatas sa harap niya. Bumaba siya para kumuha ng gatas. Hindi kasi siya makatulog katulad kagabe, seguro'y nanibago pa rin siya sa bago niyang tahanan ngayon.
"Thank you. Alex na lang po wag na yung ma'am. Segi na magpahinga ka na, Ate grace" Tanong niya sa kasambahay.
"Po? Naku mamaya na po, Maam" nahihiyang sagot nito.
"wag niyo na po akong alalahanin, segi na, ate grace." nakangiti kong sabi. Nag aalangan mang iwan siya mag isa pero pinilit niya ito kaya wala itong nagawa, nagpaalam ito at nagpasalamat sa kanya.
Dala ang isang basong gatas nagpasya siyang tunguhin ang napakalaking garden ng lolo niya. Habang papasok kasi sila kagabi ay napansin niya iyon at nagandahan siya sa mga halamang nandoon. Mahilig din siya sa halaman at mga bulaklak kaya ganoon na lang ang paghanga niya ng makita ito.
Hindi pa niya nalilibot ang boung bahay simula ng lumipat siya kagabi. Napakalaki pa naman ng bahay ng lolo niya at mag isa itong nakatira maliban sa mga kasambahay. Napakalungkot isipin pero sa pinapakita ng lolo niya ay walang bahid ng kalungkutan ang mukha nito.
Agad na nakaramdam siya ng lamig ng umihip ang hangin at dumampi sa balat niya. Ininum niya ang gatas hanggang makalahati niya ito at saka hinimas himas ang braso dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Nagpasya siyang pumasok na sa bahay, dahil kung magtatagal siya sa labas ay lalamigin siya at sisipunin, lalo pa't manipis ang sout niyang pajama.
Papasok na sana siya ng may mapansin siyang kakaiba at nakarinig na kaluskus. Nilingon niya ito at tinignan kung saan nanggagaling pero nagkibit balikat na lang siya ng wala siyang makita, na isip niyang hangin lang ang may gawa nun at halaman na kumakaluskus. Pero nangtangkain niya ulit na pumasok ay nakarinig siya ulit ng kaluskos at nasa malapit niya iyon, nilingon niya ang bahagyang gumagalaw na halaman. Kumabog ang dibdib niya, nakaramdam siya ng takot, baka isang magnanakaw o multo. Natatakot man ay dahan dahan niyang tinungo ito. Patuloy parin ang kaluskos habang papalapit siya hanggang sa may lumabas na isang bagay doon. Bahagya siyang napaatras ng makita niya ang isang pagong. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa nakita niya. Isa lang palang pagong.
YOU ARE READING
I'll Always Be By Your Side
Hayran KurguMasaya at kontento na sa simpling buhay si Alexandria Belmonte pero nag bago ang lahat ng biglang dumating ang mayaman niyang lolo. At doon niya makikilala ang brat na si Edison Rey Santiago, ang lalaking gugulo sa buhay at puso niya. Tadhana ba ang...