Part 2

7 0 0
                                    

"Good luck self! AJA!"

Pag che-cheer niya sa sarili. Bago bumaba sa sinasakyan niyang kotse. Ito kasi ang una niya araw sa bago niyang school. Lahat ng kailangan niya sa school ay inasikaso na ng kanyang Lolo Julio. Bagong school, bagong uniform, bagong gamit at bagong buhay. Hiling lang ni Andrea na sana maging maganda at mabuti ang kanyang buhay sa poder ng kanyang lolo julio. Lalo pa't sa pagkakaalam niya na strikto at malupit. Hindi pa sila nag uusap tungkol sa mga kondisyon nito dahil pagkarating nila kagab e ay may inasikaso agad ito. Pero kung ano man ang mga kondisyon nito ay gagawin niya para sa kanyang ina at kapatid niya pati rin sa lolo Diosdado niya.

Nagpasalamat siya kay manong monn matapos siyang bumaba sa sasakyan at pagbuksan nito ng pinto. Nagpaalam na ito sa kanya at nagbilin na tunawag lang kung magpapasundo na siya. Tumango siya rito at nagpasalamat ulit.

Matapos niyang ayusin ang nalukot na uniform ay tinignan niya ang bago niyang paaralan. Napahanga siya sa ganda nito mula sa labas at loob na natatanaw niya. Maraming puno at halaman na akala niya ay wala. Halatang mayayaman at may kaya lang ang makakapsok o makakapag-aral sa ganitong paaralan.

"Miss, ID niyo po" Pa-pasok na siya ng gate ng harangin siya ng guard na nakabantay doon.

"Manong guard, transferee po ako wala pa po akong ID. Kukunin ko pa lang po sana" magalang niyang sagot.

Tumango ito at pinasulat na lang muna siya sa log book. Ng matapos siya ay tinuruan siya nito kung saan niya kukunin ang kanyang ID at ang office ng principal. Agad siyang nag pasalamat at nagpaalam rito.

Napapatingin ang lahat ng studyanting na dadaanan niya sa hallway. Bagong mukha kaya seguro ganoon. Hindi na lang niya ito pinansin at dali dali niyang hinanap ang opisina ng prinsipal at para makapunta na siya sa klasi niya. Pero sa lawak ng building na ito at nakakailang na mga titig ay hindi niya tuloy mahanap ang kanyang pupuntuhan.

"Sabi ni manong guard, deretso daw tapos kaliwa at dretso ulit at nasa dulo daw ang principal office... pero nakakatanga naman! Saan na ba iyon?" Napapakamot siya sa ulo sa kakahanap niya plus kinakausap pa niya ang sarili habang hinahanap niya ang opisina ng prinsipal.

"Nawawala ka ba?"

Napalingon siya ng may magsalita sa likod niya. Nakita niya ang isang lalaki na naka uniform na nakabukas naman ang mga butonis nito kaya nakikita ang puting t-shirt na panloob. Bahagya siyang natigilan ng makilala niya ito at nan laki ang kanyang mata. Ito ang lalaking nabangga niya at nagkasugat sa baba nito. May naka lagay pa na band aid sa baba nito.

"Itikom mo yan baka mapasukan ng langaw" sabi nito at hinawakan ang baba niya para itikom ang bibig niya. Hindi niya namalayan na naka awang pala ang bibig niya. At napaatras pa siya sa ginawa nito. Nakita niya ang pag ngisi nito bago ibinaba ang tingin nito. Sinundan niya ito ng tingin. At ng mapagtanto niya kung saan ito nakatingin ay agad niyang yinakap ang sarili.

"Tsss.. flat, kaya wala ka ng dapat itago" sabi nito

"A-anong sabi mo?!"

"Sabi ko, nawawala ka ba? Sa itsura mong yan alam kong bagong studyante ka rito. SHS-GRADE 11" sabi nito. Ang sout na necktie pala ang tinitignan nito at hindi ang dibdib niya. Lihim siyang napamura ng isipin niya ang bagay na iyon.

"Wait.." pagpigil niya rito dahil mukhang aalis na ito. Gusto niyang humingi ng tulong para mahanap niya ang kanyang hinahanap.

"Sumunod ka.."

"H-ha?"

"Sabi ko sumunod ka kung gusto mong pumunta sa pupuntahan mo, College department ito nasa kabila ang high school department" seryuso nitong sabi at hindi na siya hinintay na sumagot ay agad itobg tunalikod at naglakad. Agad din siyang sumunod dito. Pilit niyang hinahabol ito para sumabay sa paglakad pero parang ayaw nito kaya itinigil niya ang paghabol sa binata.

I'll Always Be By Your SideWhere stories live. Discover now