Maghihintay Ako (One Shot)

101 7 11
                                    

Maghintay? Di ko Forte yun... Sanay ako na ako ang hinihintay.

Maikli lang din ang pasensya ko.. at makukuha ko kung anu man ang gusto ko; Kasi yun ako eh... at wala na silang magagawa dun.

Pero bakit ikaw lang ang exception?? nang dahil sayo, lahat ng 'Hindi Ako' Naging ako...

Lahat ng ayaw ko, nagustuhan ko. Marami akong natutunan nang dahil sayo..

Kahit nga gusto ko nang sumabog, Hindi ko magawa. Humahaba kasi ang Pasensya ko kapag nandyan ka... at Kahit galit na galit ako, nawawala lahat yun kapag kaharap na kita.

Sa loob ng Tatlong Taon, naging masaya ako. Syempre, sinong di sasaya kapag kasama ang tulad mo? Halos lahat ng taong nasa paligid mo napapasaya mo. Kahit minsan medyo korny ka, napapatawa mo padin ako.

Ok nga yun eh.. may instant clown. ako. At isa pa, yan ang pinakanagustuhan ko sayo. Masyado kang out sa nataramdaman mo. Napaka transparent mo. At hindi ka takot na ipahayag ang mga nais mo.

Di ka kagwapuhan pero ang lakas ng dating mo. Sabi nga ng mga kaibigan ko, ang dami naman daw diyan na mas nakakaangat sayo... Eh ano naman sa kanila? Kahit sandamukal na pogi sa harap ko, walang katulad mo. Iba ka kasi eh.. At dahil iba ka, ikaw lang ang kailangan para sa tulad ko.

Madalas, ako yung nagkakamali... Pero kahit ganun, ikaw parin ang unang lumalapit sakin tapos lagi mong sinasabi na,

" Okay lang yun.. ayokong nagkakatampuhan tayo ng matagal... Di kita matiis eh.. mahal kasi kita "

Naguguilty na nga ako kasi kahit kasalanan ko, ikaw padin yung nagbababa ng pride. 'Mahal mo kasi ako.. at syempre, Mahal din kita' .

Inaamin ko naman eh... Ma Pride akong tao... at dahil dun, marami akong di kasundo... pero ikaw? kaya mong sabayan ang pride na yun hanggang sa dadating yung point na Magsosorry nadin ako.

"Para kang tanga!! naghihintay ka lang sa wala!!! uso move on te.." madalas yang sabihin sakin ng bestfriend ko.

Oo. tanga na kung tanga pero maghihintay ako... at sa tamang panahon, 'Magkikita din tayo'

"I Love you" - ako

"I Love you too" sagot niya naman.

"I Love you more.." -ako

"I Love you most" -siya

Naiinis ako kasi di kita matalo-talo..

pero sabi mo

" Ayos na yun.. Basta mahal mo ko, sapat na yun"

Mapapangiti nalang ako tapos yayakapin mo ako at bubulungan mo ko ng mga salitang labis na nagpapalambot sa buong sistema ko.

"Mahal na Mahal kita" -siya

"Sobrang Mahal din kita.." syempre di ako magpapatalo

"Mahal kita Hanggang Bukas" -siya

"Anong sabi mo? Gusto mo pang mabuhay?" panggagalaiti ko .. sino ba namang matutuwa kapag hanggang bukas na lang ang pagmamahal sayo??

Matatawa ka lang habang Nagtataka naman ako.. Bigla mong hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Kailan ba natapos ang bukas?" Sabay pisil mo sa pisngi ko. Naramdaman ko naman na nag-init iyon.. at siguradong pulang pula na ang mukha ko . Hindi dahil sa pisil, kundi dahil sa kilig.

Hinampas kita sa braso pero mahina lang..

" Hmp! Ang korny mo talaga! akala mo ikaw lang?? " nilapitan ko siya at binulungan..

Maghihintay Ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon