"Expulsio!" - tumama sa malaking poste ang ibinatong ito ng isa sa hanay ng Alpha.
Nasundan kaagad ito ng counter attack sa hanay ng mga estudyante ng Nesting Peak na siyang nagpatalsik dito palikod.
Sa loob ng Nesting Peak ay parang tambol ng drum ang bawat sandali, mabigat, kumakabog. Nakakapanlamig ang imahe ng kastilyo habang amoy na amoy ang usok mula sa mga nasusunog na bahagi ng Nesting Peak, dumagdag pa ang mga nagkalat na bitak ng bato sa paligid at ang mga basag na bubog.
Tila isang palabas ng pailaw ang paligid dahil sa pagpapalitan ng mga spells ng mga Alpha at ng mga estudyante ng Nesting Peak.
Marahan at kalkulado ang bawat galaw ng mga estudyante habang wala namang koordinasyon ang mga atake ng mga Alpha. Mabagal pero sigurado ang bawat atake ng estudyante, hinihintay nilang magkaroon ng pagkakataon para umatake bago sila nagpapakawala ng spell, paisa-isa sa mga Alpha.
Sa likod ng mga estudyante ay ang malaking silid kung saan ginaganap ang defense classes, at sa loob ay ang ilan sa mga estudyante at ang mga head ng mga flock.
"Ms. Sacedor, take a team with you at tulungan n'yo si Professor Front sa hallway," utos ni Mrs. Eve na kaagad na sinunod ni Racel.
Sa harap ng isang bilog na lamesa nandoon si Mrs. Eve, Professor Dayo, at si Professor Garcia, sa ibabaw ng lamesa ay may lumulutang na liwanag, imahe ito ng Nesting Peak, isang mapa.
"Ms. Severina, ano ang balita sa HQ?"
"Alerted na po ang Circle at nag-dispatch na guardians," sagot ni Joanna.
"Guardians?! PRIME Ops ang kailangan natin dito!" Sigaw ni Mrs. Eve.
Humarap ang Elkerian kay Professor Garcia, walang takot sa mga mata nito, pero tila ba nasa mga mata niya ang takot. Hindi na kinailangan pang magsalita ni Mrs. Eve, isang tingin pa lamang ay alam na ni Professor Garcia ang kanyang trabaho.
"Bernadette, I'll coordinate the defenses, magpahinga ka na."
"Hindi ko kailangan ng pahinga Garcia--"
"Bernadette!"
Natigilan si Mrs. Eve sa singhal na ito ni Professor Garcia.
"We are in a war, and dying from exhaustion is not a good way to go. Ngayon, mahiga ka panandalian at ako na ang bahala sa depensa,"
Tumango si Mrs. Eve at umalis na sa harapan ng lamesa.
"Judith, kalahati na halos ng Nesting Peak ang kontrolado na ng Alpha -- ni Elin. We are facing a blood witch! May pag-asa ba tayong manalo?"
Sandaling natahimik si Professor Garcia, hinahanap ang tamang salita na isasagot niya kay Professor Dayo, hinahanap ang salita para magpalakas ng loob sa kapwa niya professor na hindi na rin alam ang gagawin.
"Hindi manalo ang ating kailangan, ang kailangan natin ay ang makaligtas hanggang sa makarating ang mga tropa ng G.U.A.R.D.I.A.N.S.
Habang nagkakagulo ang lahat at abala sa mga trabahong iniatas sa kanila, si Mika, naisipang lapitan si Mrs. Eve.
"Yes, Ms. Poso?"
"Mrs. Eve, I don't think nandito si Elin para maghasik lang lagim," sabi niya sa malumanay na paraan.
"How can you say so, Ms. Poso?"
"I mean, isa s'yang blood witch, right? Sobrang dali para sa kanya ang basagin ang defenses natin pero hindi niya ginagawa, at kung mapapansin n'yo, maliliit na spells lang ang ibinabato ng mga miyembro ng Alpha sa barrier natin."
"Hindi pa rin natin alam kung anung pakay niya rito, at sa isang iglap ay nakontrol niya ang utak ng halos kalahati ng estudyante at mga staff ng Nesting Peak kaya mas mabuti kung paghahandaan na rin natin ang ating depensa."
"You don't have to lie to me, Mrs. Eve. Plano n'yong linlangin si Elin na nandito ang matalik niyang kaibigan para mabigyan ng oras makalayo at makapagtago si Brooke."
"How did you--"
"Narinig ko ang pinag-usapan n'yo ni Professor Garcia, narinig ko ang tungkol sa propesiya, narinig ko na ang nasa propesiya na magiging daan para bumalik si Lord Senon ay ang innocent witch. Hindi si Elin ang innocent witch, hindi ba?"
"Ms. Poso, hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, at isa pa wala tayong oras para sa mga ganyang akusasyon."
"Si Brooke ang innocent witch, dahil nagkamali ng intindi ang circle na, by innocent, ang akala nila ay bata ang magiging daan, anak ng huling Celtra, pero nagkamali sila, ang innocent witch ay ang witch na walang angkan na may magic, inosente sa mundo ng mahika -- si Brooke ang innocent witch na iyon."
"Mika. . ."
"Nalaman n'yo ito noong hindi nabuksan ni Elin ang soul stone,"
"Papaano mo nalaman ang mga bagay na ito?"
Nag-transform sa pusa si Mika at agad na bumalik sa pagiging tao.
"Nag-uuli ako noon nang madinig ko kayo ni Professor Garcia at Neil Degrasse,"
"Mika, I assure you, nagkakamali ka. We are only holding our position until backup arrives."
Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw mula sa hallway kung saan naroon ang depensa ni Professor Front at sinundan ito ng sigawan ng mga estudyante.
Agad na napatayo si Mrs. Eve sa kanyang posisyon.
"Kailangan ko lahat ng may kakayahang makipaglaban sa hallway, ngayon na!" sigaw ni Mrs. Eve.
"Bernadette!"
"Professor Garcia, manatili ka riyan at ayusin mo ang plano ng depensa, poprotektahan ko ang mga bata!"
Tumakbo ang Elkerian palabas ng kwarto patungo sa hallway kasama ang ilan sa mga available na estudyante.
Binanat ni Mrs. Eve ang dalawa niyang braso sa magkabilang side habang umiikot sa unahan niya ang kanyang staff.
"Hindi n'yo sasaktan ang mga batang ito!"
Mula sa staff ay lumabas ang isang kulay asul na enerhiya na siyang humarang sa gitna ng magkabilang panig, walang spell ng kalaban ang tumatagos dito.
"Team 6, pumarito kayo!"
Agad na nagtipon ang grupo sa tawag ni Joanna,
"Any plans? At bilisan n'yo, nanghihina na si Mrs. Eve at hindi mukhang hindi niya kaya panatilihin ang barrier."
"Huwag mo namang sabihin 'yan, Joanna, magkaroon tayo ng tiwala kay Mrs. Eve," sabat ni Racel.
"You misunderstood me, Sacedor. May tiwala ako kay Mrs. Eve but we have to do something! We can't rely on the grown ups forever. Kailangan nating matutong depensahan ang ating mga sarili, kailangan natin matutong mag-isip para sa ating sarili, para sa kapakanan ng iba. Laban din natin ito. Para saan pa lahat ng pinagpaguran n'yo sa pag-aaral kung hindi rin naman tayo natuto?"
Sandali natahimik ang lahat. Ilang taon na nilang nakilala si Joanna at tumatak na sa isipan nila ang masama nitong ugali, pero iba siya ngayon, responsable, mapagkakatiwalaan.
"Hindi ba natin pwedeng lagyan ng barrier ang hallway?" Tanong ni Racel. "Tulungan natin si Mrs. Eve sa barrier."
"Masyadong malaki ang hallway, ninipis ang barrier natin at hindi rin magiging epektibo bilang depensa, kaya itong gawin ni Mrs. Eve, natural sa kanilang lahi ang paglikha ng barriers," sagot ni Joanna. "Ang magagawa lang natin ay makipagpalitan ng spells sa kanila para mapanatili sila sa kanilang linya at hindi maka-advance."
"Mas madami ang mga Alpha, mas madali silang makakapagpalit ng tao para magdire-diretso ang kanilang mga atake kumpara sa atin. Ubos na ang enerhiya ng linya natin bago pa dumating ang mga guardians," sabat naman ni Mika.
"May suggestion ka ba, Poso?" Masungit namang sabat ni Joanna. "Anung dapat natin gawin?"
"Ano sa tingin mo ang magiging plano ni Brooke sa mga ganitong sitwasyon?"
Napatigil si Joanna. Ano nga ba ang gagawin ni Brooke sa mga ganitong pagkakataon? Ano ang magiging plano n'ya? Tumahimik si Joanna at nag-isip.
"Okay, ito ang gagawin natin."
BINABASA MO ANG
The Tale of The Innocent Witch
Fantasía(The Tale Trilogy Book 2) Tatlong taon na ang lumipas simula noong mawala si Elin. Si Brooke, ang matalik na kaibigan ni Elin, ay determinadong alamin kung ano ang nangyari. Binugbog niya ang kanyang sarili para malaman ang iba't ibang spells na bak...