Chapter 23

66.4K 2.7K 346
                                    



Ano kayang ginagawa ng abnoy na 'to rito? Panira naman siya ng moment namin ni Hansel, e.

"Anong ginagawa mo rito, ha?" Halatang halata sa tono ng boses ko ang pagkairita.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pasalamat siya may kailangan pa ako sa kanya dahil kung hindi baka kanina ko pa siya in-uppercut! Feeling ko dahil sa kinain ko kaya na hospital ako ngayon.

"Did you know each other?" Tanong ni Hansel.

Sa tuwing magsasalita talaga ako, palaging sisingit si Cody. Parang ayaw na niya akong pagsalitaan, e.

"Friend siya nang friend kong namatay," biglang nag-iba ang mukha niya. Para siyang pinagbagsakan ng ten wheeler truck sa mukha. So ibig sabihin mahalaga rin talaga sa kanya si Danzel dahil ganito ang reaksyon niya. "I'm here to take care of her for the meantime dahil kailangan ka na ni manager."

Take care of me?

Okay lang ba siya? Pagkatapos niya akong pahirapan tapos ngayon sasabihin niyang aalagaan niya ako? Ano ilang turnilyo ba nawala sa utak niya?

"Okay, text mo na lang ako kung anong sabi ng result," wala na akong pakialam kung maging assumera ako pero paranb concern si Hansel sa'kin.

Like hello? Bakit gusto pa niya malaman 'yong result ng examination sa akin? Natulungan na naman niya ako kaya no need nang malaman pa 'yon.

My gosh! Kinikilig ako!

"Pagaling ka, ano nga ulit name mo?"

Ako ang future wife mo. I'm Mrs. Hansel Sy. Charot!

"Ako nga pala si Wincel."

"Okay, get well soon Wincel."

Ngumiti ulit siya at natunaw na naman ang puso ko. Nag-iinit pa nga ang magkabilang pisngi ko. Sh*t naman, ngayon lang ako kinilig nang sobra sa talang buhay ko at ang mas nakakatuwa ay hindi ito isang panaginip lang o pagpapantasya.

This is my fangirl dream!

Bago siya tumalikod sa akin ay hinawakan ko ang braso niya. Nagkatinginan kaming dalawa, eye to eye pa talaga. Parang sasabog ang puso ko.

"Salamat pala sa pagtulong sa akin. Babawi na lang ako kapag okay na ako. Salamat talaga."

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Jusko! Ilang mura na ang nasasambit ko sa isip ko. Sobra sobrang feels na ito.

"Wala 'yon, see you around."

Nakatulala lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa'kin. Ang tangkad niya at ang ganda ng build ng katawan niya. Ang puti niya at ang bango pa. Ang yummy niya- este ang lakas talaga ng dating niya.

"Hoy, kilig na kilig ka naman d'yan?"

Ito na naman ang panira nang maganda kong moment. Kapag nakuha ko na talaga ang gusto kong impormasyon sa kanya, humanda talaga siya sa akin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hinding hindi ka magugustuhan ni Hansel."

Magtanong na kaya ako sa mga bading kung naaamoy ba nila 'to si Cody. Mamaya ka-pederasyon pala nila 'tong lalaki na 'to.

"Alam mo sa tono ng boses niya parang nag-aalala siya sa akin kahit na ngayon pa lang niya ako nakilala. Malay mo na love at second sight na siya sa'kin, 'di ba?"

Nginisian ko siya. Ang lakas na talaga ng feeling ko na may gusto rin siya kay Hansel.

"Umasa ka lang hanggang sa gusto mo."

"Ano ba kasing ginagawa mo rito, ha? Paano mo nalaman na nandito ako?"

Umupo pa talaga siya sa tabi ko. May balak pa talaga siyang magtagal dito, ha? Baka tuwang-tuwa siya na makitang ganito ang kalagayan ko. Iwas karibal nga naman kay Hansel.

"Kailangan ng manager namin si Hansel kaya nag-text ako kung nasaan siya. Sabi niya nandito siya para tulungan 'yong baliw na babaeng sumuntok sa kanya dati," ayan na naman siya sa mga gawa-gawa niyang kwento. For sure naman hindi ganoon nag pagkakasabi ni Hansel sa kanya. "Hindi ka raw niya maiwanan kasi nako-konsensya kaya ako muna 'tong pinabantay niya sa'yo."

Kita mo na? Kinain lang din niya 'yong mga sinabi niya sa'kin dati.

"Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mabait si Hansel? Sa estado niyang 'yan, nagawa pa niyang tumulong sa taong low profile lang?"

Natawa siya na parang nag-aasar pa talaga.

"Ayaw lang niya masira ang image niya sa iba kaya nagpapakitang tao siya. Hindi mo pa talaga siya kilala kaya h'wag kang palinlang."

Kahit ano pang paninira ang gawin niya sa baby boy ko, hindi ako maniniwala. Sabi nga nila 'to see is to believe' at kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano kabait at kaaalalahanin si Hansel.

Hanggang sa dumating ang doktor ay hindi na kami nagpapansinan na dalawa. Ayoko na rin siyang kausapin dahil na-stress lang ako sa kanya at baka mas lalo lang lumala ang kondisyon ko.

"Severe allergic reaction ang nangyari sa'yo," tinignan ko agad si Cody na nakatingin sa doktor. Gusto ko lang makita kung makukunsensya ba siya sa ginawa niya sa akin. "Ano bang nakain mo lately at ganito kalala ang naging kondisyon mo?"

"Sampung siling labuyo po, dok."

Nanlaki ang mata nila ng nurse na nasa likuran niya. Iniisip siguro nila kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon.

"Miss, anong pumasok sa isip mo at kumain ka ng gano'n karaming sili?"

Tinignan ko ulit si Cody pero hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko pa rin alam kung nakukunsensya ba siya o ayaw lang niyang isiwalat ko sa doktor at nurse na nasa harapan namin ang kalokohan niya. Masisira ang image na meron siya kapag nalaman bg iba kung gaano siya kasama.

"Napagkatuwaan lang po pero hindi na po iyon mauulit kasi baka next time ikamatay ko na."

"Posible, hindi biro ang allergy. Iwasan mo na ang ano mang spicy foods. Bibigyan kita ng gamot na iinumin mo sa bahay at mamaya, pwede ka ng mag-discharge."

"Thank you po, dok."

Umiiling iling sila nang nurse habang palabas ng kwarto ko. Iniisip siguro nila na may sayad ako sa utak. Well, hindi ako 'yon, si Cody 'yon.

"Nakita mo na ang ginawa mo sa akin?"

Hindi pa rin siya makatingin sa akin kaya mukha naman nakunsensya siya sa ginawa niya.

"Magpahinga ka na muna. Babayaran ko na 'yong bill mo rito. Next time mo na gawin nag susunod na challenge kapag maayos ka na."

Napanganga ako sa sinabi niya hindi dahil sa kasamaan niya, na kahit alam niyang napapahamak ako ay itutuloy niya pa rin ang challenge pero dahil kahit kaunti, parang nag-alala siya sa akin.

Natatanggal ba kahit sandali ang sungay ng mga katulad ni Cody?

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon