Chapter 27

68.7K 2.6K 692
                                    



Sa lahat ng ginawa niya sa akin, for sure naman wala na siyang feelings sa akin. Iniisip ko nga kung totoo ba talaga na gusto niya ako noon dahil bata pa kami at hindi pa matured ang mga isip namin kaya baka nadala lang siya ng damdamin niya.

"Why would I do that?" Irita niyang tanong.

"Why not? H'wag mong sabihin na gusto mo pa rin ako?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Of course not! Bata pa ako noon kaya hindi ko pa alam ang totoong batayan ng maganda."

Tignan mo na, ininsulto pa talaga ako. E 'di sige, hindi na niya ako type, the feeling is mutual naman.

"E 'di i-set up mo na ako ng date kay Hansel. Alam mo naman na ang tagal ko ng pangarap na makilala siya," one time lang naman 'to at alam ko naman na hindi na mauulit dahil sino ba naman ako para magustuhan ni Hansel? "Ito na 'yong pambawi mo sa akin sa lahat ng ginawa mong pang-iinis."

"I've told you, he's already in love with somebody else. So stop liking him."

Ito na naman siya. Maniniwala ba ako sa kanya o hindi? "Sino naman 'yong mahal niya, aber? Ikaw ba? Gusto mo ba siya?"

Nagsalubong agad ang dalawa niyang kilay. Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi lang basta lapit, sobrang lapit sa mukha ko na konting galaw lang, mahahalikan na niya ako.

"Kapag inulit mo pang sabihin na bakla ako, hahalikan na talaga kita."

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Oo na pero h'wag mo na ulit 'yon gagawin! Wala pa akong first kiss at baka manakaw mo pa 'yon!"

"I won't set you up. Masasaktan ka lang."

Natigilan ako sa sinabi niya. May pakialam na ba siya sa akin dahil ayaw niya akong masaktan? Ganito kasi si Danzel noon, strikto sa mga lalaki na nagiging crush ko noon, syempre si Hansel pa rin ang ultimate crush ko.

"Ano ngayon may pakialam ka na kung masasaktan ba ako o hindi pero 'yong mga nakaraang araw kahit mamatay na ako kakakain ng pugita, ayos lang sa'yo?"

Umupo ulit siya sa harapan ko. Tinignan niya ako diretso sa mga mata ko. Talagang ang layo na ng itsura niya sa matabang Danzel na kilala ko pero hindi nagbago ang ganda at haba ng pilikmata niya.

"First of all, I'm sorry. Sorry for everything I've done as Cody. Masyado lang talaga akong nasaktan sa lahat ng nangyari sa atin noon kaya naisipan ko na gumanti sa'yo but the moment I saw you on the hospital, that's when I realize I'm afraid of losing you. I'm afraid of losing my best friend."

Best friend. Ang lalim na salita.

Naramdaman ko 'yong mga luha sa gilid ng mata ko at ready na silang tumulo pero pinigilan ko agad 'yon. Ito na naman kasi, ang babaw ko na naman, naiiyak na naman ako.

Para kasing unti-unti ng bumabalik 'yong Danzel na kilala ko.

"I know it's hard to forgive me but I just want you to know that I'm still the Danzel you knew back then."

Ito na ready na ulit akong mag-emote kaso nakakainis dahil bigla na lang may mga tumiling mga babae sa likod namin.

"Oh my gosh! Si Cody ba 'yon?"

Nagmamadaling binalik ni Cody ang face mask niya at binigyan niya rin ako. Hindi ko alam kung bakit ko rin kailangan maglagay pero nilagay ko na lang din.

Tumayo siya at hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Let's go, run okay?"

Hinila niya ako patayo at nang madaan namin 'yong fangirls niya pilit nilang hinihila si Cody pero tinulak ko sila palayo. Buti na lang nakalabas na kami ng coffee shop at nakatakbo kami palayo. Narinig ko pa 'yong mga babae na minumura ako.

Pasalamat sila kailangan namin magtago dahil kung hindi, binalikan ko na sila.

Napagod na kami ni Danzel, este ni Cody kakatakbo kaya huminto kami sandali sa isang park.

"Ang hirap mo na ngayon kasama, may mga fangirls ng nakasunod. Iba ka na ngayon ha, ang layo na ng narating mo. Sige na, sasabihin ko na, proud ako sa'yo."

Napangiti siya sa mga sinabi ko. Pati mga pisngi niya namumila na. Hindi ko na lang siya inasar kasi baka kung ano pa gawin niya... baka mamaya halikan niya ako.

"So ano, okay na tayo?"

Ano gano'n na lang 'yon kadali? Okay na kami agad pagkatapos ng lahat?

"Sige okay na tayo," pero sige madami naman ako kausap, e. "Basta h'wag mo na ulit ako iinisin, ha? Kung hindi, bubugbugin na talaga kita. Expert ako sa boxing, no!"

"Oo takot ko lang sa'yo, chubs."

Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko ng tawagin niya akong chubs. Ilang taon na simula ng huli ko 'yon marinig sa kanya.

"Hoy, hindi na ako mataba kaya hindi mo na ako pwedeng tawagin na chubs!" Magre-react pa lang siya pero pinutol ko na agad 'yon. "Joke lang! Ikaw naman chubs ang dali mo talaga maniwala."

Pinisil niya ang ilong ko. Dati 'yong magkabilang pisngi ko ang pinipisil niya pero siguro dahil payat na ako ay wala ng mapipisil.

"Kailangan ko ng umalis. Ihahatid na kita sa apartment niyo."

Hindi na ako umangal dahil may dala siyang kotse. At least hindi na ako maglalakad pauwi.

Sa totoo lang parang ang bilis namin naging okay pero gano'n talaga, e. Masyadong malakas 'yong samahan namin dati. Isa pa, naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ang mga nagawa niya ngayong si Cody na siya. Alam ko naman kung gaano siya ka-childish noon pa.

Masaya lang din ako na hindi pa pala tuluyang namamatay si Danzel.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Chubs Cody:
Hindi ka na ba
talaga galit?
Baka kunwari
lang 'to tapos
gaganti ka sakin?

Wincel:
Wow, akala ko
ba okay na tayo
tapos grabe ka
makapagbintang
dyan, ha!

Chubs Cody:
Just making sure.

Wincel:
Hoy spokening
dollar ka na ha!

Chubs Cody:
5 years din kami ni
Mom sa US kaya 'di
mo maiiwasan.

Wincel:
Bakit ba kayo umalis
noon? Napagod na
ako sa kakapaalis mo
sa akin dati sa bahay
niyo kaya tumigil na
ako pumunta.
Hanggang ayon na
nakalimutan na kita.

Chubs Cody:
Nag-asawa ng bago
si Mom after mamatay
ni Dad. Gusto ng step
dad ko na sa US kami
tumira kaya umalis kami.
Doon ko rin binago ang
pangalan ko. Dahil sa
nangyari sa atin kaya
ayoko na ng pangalan
na Danzel.

Wincel:
Uy, sorry na talaga ha.
Bata pa tayo noon kaya
hindi pa ako careful sa
mga words ko.

Chubs Cody:
Okay na 'yon tska
naging motivation
ko 'yon para maging
ganito na ako ngayon.

Wincel:
Alam mo masaya ako
na okay na tayo. Na
bumalik na 'yong ka-
una unahan kong bff.

Chubs Cody:
I'm happy too.
I need to sleep, maaga
kami bukas for a show.
Goodnight.

Wincel:
Goodnight, chubs.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon