Chapter 28

69.9K 2.5K 434
                                    



Sa lahat ng nangyayari ngayon at sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko, sigurado na ako sa desisyon ko.

Alam kong masasaktan si Martin pero mas masasaktan siya kapag pinagpatuloy ko pa 'to. Akala ko kasi kaya kong pag-aralan na mahalin siya pero hindi pala. Hindi ko pa rin mapigilan 'yong nararamdaman ko para kay Hansel at hindi iyon tama. Unfair 'yon sa part niya.

"Baka nadadala ka lang nang bugso ng damdamin," sa tono ng boses ni Frida, halatang naiirita siya. "Pag-isipan mo munang mabuti dahil baka mamaya bigla na lang mauntog si Martin at maghanap na siya ng iba."

"Oo kagabi ko pa 'to pinag-isipan. Ayokong maging unfair sa kanya at deserve niya ang mahalin siya kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya."

Oo alam ko ang b*tch ko sa part na 'to pero kaya nga itatama ko na ang lahat habang maaga pa. Hindi ko rin naman talaga intensyon na masaktan si Martin.

"Sige pero grabe ha, naloloka pa rin ako sa mga nangyari. Sinong mag-aakala na si Cody at Danzel ay iisa? Sobrang layo na ng istura nila. Ang gwapo na niya ngayon kumpara dati!"

"Gwapo na naman siya noon pa kaso nga lang ang taba naming dalawa."

Ngumisi si Frida sa akin, "Hindi ka ba talaga nagkagusto sa kanya kahit konti?"

"Best friend lang talaga ang turing ko sa kanya at 'di ba nga deads na deads ako kay Hansel noon pa."

Nag-roll eyes siya at nag umiling iling pa. May problema ba siya kay Hansel?

"Deads na deads ka kay Hansel pero siya? Ano ka ba sa kanya?"

Ano nga ba ako para sa kanya? Hindi naman ako manghuhula para malaman ko, e.

"Ewan ko pero malay mo naman 'di ba? Bulog ang mundo at hindi malabo na magkatuluyan kami."

"Alam mo mamsh, baka mamaya n'yan hindi mo na talaga makatuluyan si Mr. Right dahil masyado kang nabubulag kay Mr. Wrong."

Nakikinig naman ako palagi sa mga pangaral niya pero kapag si Hansel ang topic namin, lahat ng sinasabi niya lumalabas lang sa kabilang tainga ko.

"Ikaw naman ang nega mo kay Hansel, hindi pa naman natin alam kung siya nga ba si Mr. Right o si Mr. Wrong. Basta ang importante ngayon masabi ko kay Martin 'yong desisyon ko."

"Okay sige, iiwan ko muna kayong dalawa. Iikot muna ako rito sa park. Text mo na lang ako kapag tapos na kayo, okay?"

Pagkaalis ni Frida finally dumating na rin si Martin. Day off niya ngayon kaya dito na lang kami sa park nagkita. Tamihin dito kumpara sa mall.

"Sorry ha late ako, kanina ka pa ba?"

Umiling ako at para akong napipe bigla. Napapalunok na lang ako. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ni Martin. Baka bigla siyang umiyak sa harapan ko o baka magwala siya.

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa, Martin. Sinubukan talaga kitang gustuhin pero hindi ko pa rin pala kaya. I'm so sorry."

Bahagya siyang napangiti, total opposite ng inaasahan kong magiging reaksyon niya. Okay lang kaya siya o baka tinatago lang niya 'yong nararamdaman niya?

"Expected ko na naman na busted ako sa'yo, e. Kaya matagal ko ng hinanda ang sarili ko. Akala ko nga masasaktan ako ngayon pero hindi na pala. Siguro nga mas okay na magkaibigan na lang tayo. H'wag kang mag-alala, ayos lang ako."

Ako 'yong nasasaktan para sa kanya. Sana kasi talaga pwede na lang turuan 'yong puso ko na siya ang mahalin.

"Sorry talaga, Martin."

"Wala na 'yon Wincel pero sana maging magkaibigan pa rin tayo. Nag-eenjoy ako sa mga labas-labas natin ni Frida."

Napansin ko nga nang umalis ako sa shop, madalas na silang magkasama. Hindi kaya sumagi sa isip ni Martin na magkagusto kay Frida?

"Oo naman, deal 'yan."

Nag-shake hands pa kaming dalawa. Hindi ko alam kung totoong okay siya pero at least ngayon malinaw na sa aming dalawa ang lahat.

Kumain ulit kami sa samgyupsal place na malapit sa park. Ito ata ang favorite naming tatlo na bonding place.

Habang pinagmamasdan ko si Martin, wala akong nakikitang lungkot sa mukha niya. Nakangiti lang siya habang kausap si Frida. Sa totoo lang parang mas masaya pa siya kapag magkausap sila kaysa sa magkausap kami.

Single silang dalawa, posible kayang sila na lang ang magkatuluyan? Hindi naman siguro awkward 'yon sa aming tatlo.

"Binigyan ako ng boss ko ng one week paid leave. Kinuha ko na rin kaso hindi na pala ako matutuloy sa Boracay kaya tutulong na lang muna ako kay Martin sa shop," sambit ni Frida.

Umalma agad si Martin, "Sigurado ka ba? Hindi ka naman masasahuran sa shop namin at isa pa panahon mo 'yon para magpahinga at pumunta sa iba't ibang lugar."

"Ano ka ba? Mainit sa bahay at walang aircon kaya doon na lang ako sa taco shop basta bigyan mo ako ng free food. Ang sarap kaya mag-movie marathon sa shop niyo."

"Sige, ikaw bahala."

Bigla akong napangiti. Mapalapit kaya sila sa isa't isa sa loob ng isang linggo na 'yon?

Kung ako ang tatanungin, gusto ko silang mag-end up. Ilang taon na rin single si Frida at for sure naman aalagaan siya ng mabuti si Martin.

Pare-pareho na kaming umuwi. Hindi katulad dati, unang hinahatid ni Martin si Frida pero ngayon ako ang una nilang hinatid pauwi.

Sign na nga ba talaga 'to na may chande sila sa isa't isa? Mukha naman silang masaya kapag magkasama sila.

Bahala na si batman.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Unknown:
Hi Wincel.

Wincel:
Sino 'to?
Kilala ba kita?

Unknown:
This is Hansel of
PentaBoys. I got
your number thru
our receptionist.

Wincel:
Seryoso? Ikaw ba
talaga or prank lang
to?

Unknown:
It's not a prank.
Do you want to
meet me?

Wincel:
Para makasigurado
ako na ikaw talaga
yan, sige mag-meet
tayo sa Starbucks
sa may crossing ng
7PM. Okay ka don?

Unknown:
Sure, I'll be waiting.
But I need to take a
mask and a cap.
I can't be seen in
public. Is that okay?

Wincel:
Sige, okay lang.

Unknown:
See you later!

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon