─── ang tagapastol !

76 5 6
                                    






┌────── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ──────┐

BINIBINING AINSLEY.
━━━    ang tagapastol !
-ˋ ✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈ · ° ·
( miss ainsley, the shepherd )

└────── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ──────┘




 ──────┘

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





❝ ANG KATARUNGAN AY PARA SA TAO, NGUNIT HUWAG    MONG LILIMUTING IYA'Y MATATAMO        NG MGA TAONG MAY PUSO                             LAMANG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❝ ANG KATARUNGAN AY PARA SA TAO,
NGUNIT HUWAG    MONG LILIMUTING
IYA'Y MATATAMO    NG MGA TAONG
MAY PUSO LAMANG. ❞
──  gurong pari, noli me tangere (j. rizal)



ANG INTRODUKSYON.
───── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─────



MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT! Ako ay nagngangalang Atasha Ainsley, ngunit mas ninanais ko na ako'y tawagin bilang Ainsley o kaya naman Ains. Maraming nag-aakala na ako'y mas matanda kaysa sa tunay kong edad. Siguro dahil ito sa pamamaraan ng aking pagsasalita? O kaya naman sa dami kong ginagawa na tila ako'y isang businesswoman (iyan ay nanggagaling mula sa sarili kong ina)? Sa katotohanan, ako'y ipinanganak noong Araw ng mga Puso sa taong 2003, kung kaya ako ngayon ay labing-anim na taong gulang, o sa Ingles ay sixteen. Ako ay nakatira sa isang munting bahay sa Lungsod Quezon o Quezon City, at dito rin ako ipinanganak. Sa kasalukuyan, ako'y nag-aaral sa Quezon City Science High School at ako'y papasok sa Hunyo bilang isang estudyante ng ika-sampung baitang o Tenth Grade.

Kahit ako'y sinanay na mahalin ang Agham at Matematika dahil sa aking paaralan at dahil sa kukunin kong kurso sa kolehiyo na BS Biology upang maging isang Cardiologist o doktor sa puso, nananatili pa rin sa aking puso ang pagmamahal ko para sa Literatura at Sining. Dahil ako'y nag-iisang anak, sa akin umaasa ang aking ama at ina, kaya ang aking pokus ay nasa Agham. Ngunit ang pagsusulat ay nananalaytay sa aking dugo, at hindi ko ito mabitaw-bitawan. Kahit ako'y mas madalas magsulat sa wikang Ingles, manghang-mangha pa rin ako sa mga magagaling at napakagandang mga nobelang tatak-Pilipino. Katulad ng mga obra ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal na siya ring nagsulat ng makabuluhang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ako'y bahagi ng isang adbokasiya na tinatawag na Asians in Literature, dahil napapansin kong kaunti at hindi sapat ang representasyon ng mga Asyano sa modernong literatura. Ang pagiging Pilipino sa isang literatura ay hindi masyadong binibigyang pansin, kaya nandito rin ako at magiging isang matapat na miyembro ng grupong ito na inilunsad ng aking kaibigan na si Blessie. Ako'y nasisiyahan sa ideyang ito dahil talagang kailangang ipalaganap ang kulturang Asyano, lalo na ang kulturang Pilipino, hindi lamang sa mundo ng literatura, kundi sa buong daigdig.

Ako'y mayroong mga librong sinulat na naka-angkla sa kulturang Pilipino, lalo na ang libro kong may pamagat na Delusions na isa ring Eddie Redmayne na fanfiction. Ito'y tungkol sa isang Briton na umiibig sa isang Pilipina noong taong 1762 hanggang 1764. Ito'y konektado sa isang napakagandang libro ni Ate Anjehla na nagngangalang Memories In Manila 1762, at ang rebisyon nito na may pamagat na Marahuyo. Si Dr. Jose P. Rizal ay mayroong malaking impluwensiya sa librong ito, lalo na't dahil sa kaniyang libro na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ako'y gumamit rin ng isang Pilipino (Carlo Aquino) bilang isang faceclaim para sa aking orihinal na karakter sa isang Brie Larson na fanfiction na aking isinulat, at may balak din akong magpalaganap ng kulturang Pilipino sa libro kong ito na nagngangalang It Might Be You.

Ako na nagsasabi na hindi ito ang huling beses na gagamit ako ng isang Pilipino bilang isang faceclaim para sa mga tauhan ng aking libro! Mayroon pa akong mga libro sa aking mga drafts na gumagamit ng isang Pinoy/Pinay na faceclaim!

Dito sa account na ito ay mas naka-pokus ako sa mga graphics at layouts. Ngunit, marami rin akong matutulong sa mga faceclaims, tema ng iyong account, at marami pang iba! Handa akong tumulong sa mga may nangangailangan nito, kaya lumapit kayo sa akin kung ako'y may tanong. Hindi ako nangangagat!

Ako'y titigil na sa aking kadaldalan. Ngunit kung ako'y nais ninyong kausapin, isang direct message lang sa aking main account na silksenses ay paniguradong ako'y sasagot!

Hanggang sa muli!

── AAYU .



───── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─────
 
 
 

❝ KUNG WALANG KALAYAAN,
AY WALANG LIWANAG! ❞
──  elias, noli me tangere (j. rizal)

 rizal)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





BINIBINING AINSLEY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




BINIBINING AINSLEY.
━━━    ang tagapastol !
-ˋ ✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈ · ° ·
( miss ainsley, the shepherd )
*:・゚✧

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GABRIELA · meet the admins!Where stories live. Discover now