Game of love: A lesbian love story.

5.6K 51 0
                                    

THIS IS NOT A TYPICAL LOVE STORY.

incoming 3rd year high school si Alex at transfer sa isang all-girls school. Simple lang si Alex at mahiyain. Siya ang perfect example ng babaeng maganda, pero hindi niya alam na maganda siya. Sa Cebu nagaral si Alex pero kailangan niyang lumipat para makasama ang parents niya na naka destino sa Manila. Nagiisang anak si Alex. Ayaw niya sa exclusive school for girls dahil natatakot siya sa tsismis na madaming tomboy doon.

First day of school, kinakabahan at natatakot si Alex. New surroundings, new teachers and new classmates na puro babae na ang makakasama niya araw-araw. Tahimik lang si Alex sa classroom. 

"Hey transferee ka dito?" napalingon si Alex sa isang magandang estudyante. "hmm Yes. " nahihiyang sagot ni Alex. "Ako nga pala si Celine. Classmates na tayo ngayon.. Pwede bang seatmate tayo?" nakangiting sagot ni Celine. "I'm Alex. From Cebu. Sure tabi tayo." Nag-kwentuhan ang dalawa. Ipinakilala ni Celine si Alex sa iba nilang classmates at schoolmates. At doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. 

Cute si Celine. Chinita at madaldal. Natulungan ni Celine si Alex na magadjust sa bagong school niya. Magkalapit lang din ang bahay nila kaya minsan sabay na sila umuuwi. Minsan lang dahil madalas hinahatid sa bahay si Celine ng kanyang boyfriend na si Justin. Masaya si Alex pag kasama niya si Celine. Alam ni Alex kung ano ang sexuality niya pero itinatago niya. Nahihiya kasi siya sa mga tao at natatakot na baka pagalitan siya ng parents niya. Nagiisang anak na nga lang, naging tomboy pa. 

Matapos ang ilang buwan, nahulog na ng tuluyan si Alex sa kaibigan. Nagseselos siya pag magkasama sina Celine at Justin pero wala siyang magawa. Pinapabayaan na lang niya. Madami din ang nanliligaw sa kanya na lalake at babae ngunit si Celine talaga ang gusto niya kahit kaibigan lang siya para kay Celine.

Malapit na ang prom night nila. May group project sina Alex sa bahay ni Celine. Kasama nila sina Daphne at Mara. As usual, group project na nauwi sa kwentuhan.

"Malapit na ang Prom. May date na ako. Kayo ba?" sabi ni Daphne. "Sinong date mo? Hindi ko kasi pwedeng i-date si Mitch sa prom. I might go alone. Si Celine for sure si Justin kasama niyan. Ikaw ba Alex?" sagot ni Mara. Bisexual si Mara at meron siyang GF na si Mitch from other school. 

"Wala akong date kasi hindi naman ako maganda". Malungkot na sagot ni Alex.

"You're very pretty Alex. Hindi ka lang nagaayos. Kung pwede nga lang sana ako na lang date mo." Nagulat at kinilig si Alex sa sinabi ni Celine.

"uyyyyy bagay kayo". panunukso ni Mara. "Hoy mars wag mo nga hawahan ng katomboyan si Alex. Hay naku Alex. Ipapakilala na lang kita sa pinsan ko na si Rupert. Gwapo yun saka varsity player." sabi ni Daphne.

"I'm not a tomboy.Bisexual ako! Attracted din ako sa boys, pero ngayon babae talaga gusto ko. But i think it is a good idea na ipakilala mo si Alex kay Rupert. Para naman magka-love life si manang Alex. Konti na lang iisipin ko tomboy din to eh." sagot ni Mara.

"Hindi ako tomboy! Choosy lang ako sa boys! Never ko nakita sarili ko with other girl." 

"walang masama sa pagiging tomboy. Eh sa nainlove ka sa same sex. Ako kasi I'm open." lahat ay nagulat sa sinabi ni Celine. 

'Wow may chance ka na maging katulad ko?! Welcome to the club!! Sino girl crush mo?" sabi ni Mara. "Kilala ko girl crush niya, si Lucy. Yung 4th year. Queen of the night last year na prom nila" sagot ni Daphne.

"Lucy the bomb shell? Dba Bi din yun?" nagulat si Alex. Hindi makapaniwala na sa narinig. May halong selos.Para sa kanya, wala siyang laban kay Lucy. Pero kahit papano, natuwa siya dahil may chance pala na ma-inlove din sa kanya si Celine.

GAME OF LOVE: A Lesbian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon