Nung napadaan ako sa dating kong school, bigla ko naalala mga katarantaduhan at mga trip naming magkakaibigan.'Bye Nic ma-mimiss ka namin!' ito ang huling sinabi ng mga siraulong kaibigan ko.
"Ok lang yan." sinabi ko sa sarili ko "Maghahanap nalang ako ng bagong kasama sa bago kong school."
Bigla ko naalala, ano ulit pangalan ng bago kong school? Tu.. Tuta? Basta! Tatanongin ko nalang si mama pag uwi niya.
~~Time skip~~
"Nakauwi na ko!" sigaw ni ng nanay ko. Nung narinig ko boses niya pinigilan ko mag phone para magmano at batiin si mama.
"Kamusta ka po ma?" tinanong ko sya habang nagmamano ako.
"Ok lang naman." sabi nya pabalik. "Ma, ano nga po ulit pangalan ng bago kong school?" tinanong ko sakanya.
"TUA." sagot ng nanay ko. Tua? Anong naman uri ng pangalan ang Tua? 'nu yun Tuang-tuwa sa sarili?? Korni ko no? Sinabi ko sa sarili.
Tinignan ako ng aking ina at sinabi nya "Nicole, alam ko mahirap lumipat sa bagong paaralan lalong-lalo na at mag g-grade 9 kana sa pasukan. Pero pinalipat lang naman kita para sa kabutihan mo." nung sinabi nya ito sa'kin kinilabutan ako, nung naalala ko yung rason kung bakit ako lilipat.
"Opo ma... naiintindihan ko po." sinabi ko sakanya habang pumipilit ngumiti.
"Oh sige na, umakyat ka na. Bukas maaga pasok mo" ito ang huling sinabi nya saakin bago sya pumasok sa kwarto nila papa.
Nung pag-pasok ko sa kwarto ko naalala ko may kausap pala ako kanina sa phone. 'Hala, ano na kaya nangyare kay Jen?' tinanong ko sarili ko.
HAHAHAHA.
10:56 p.m.
Uy sorry! Nakalimutan
ko magreply, dumating
si amams eh...😅INAMAG NA AKO
WHAHAHAHAH!SORNAH! BYE
MATUTULOG NA AKOO
LOVEE U!!!❤
sent
Oy wag kang ano dyan. Ganyan lang talaga ako sa mga kaibigan ko.Pagkatapos ko ma-send yung message ko kay Jen, nagtaka ako kung ano itsura ng school na tratransferan ko.
🔎 TUA
Nung nag tingin-tingin ako sa Google para makita yung itsura neto, napansin kong mukhang maayos naman pero wala naman picture sa loob ng campus puro sa labas lang.
Pagkatapos ko mag hanap sa FB at kung saan saan nakita ko na pasadong 1:00 na.
'Hala! Anong oras na!' nasabi ko sa sarili ko.
Nagmadali akong humiga at maghanap ng maayos na pwesto bago matulog. Pagkatapos ng onting minuto nararamdaman ko na sarili kong inaantok at tuloy-tuloyan na akong nakatulog.
~♡~♡~♡~
Pag-dilat ng mata ko nakita kong mayroon ako nakaharap na lalaki. Sa sobrang tangkad niya wala akong nakikita kundi ang bibig nya.
"Sorry talaga" ang sinabi ng lalaki sa'kin. Sinubukan mo mag-salita pero 'di ako magalaw, kahit ulo ko hindi ko magawang tumingala. Naka-focus lang paningin ko sa bibig ng nakaharap saakin.
Bigla nalang ako naka-rinig na may umiiyak. Nung tumagal, napansin ko yung umiiyak ay wala kundi ang taong nasa harapan ko. Gumalaw nalang yung bibig nya.
'Mah... K..ta' Hindi ko narinig ng maayos yung sinabi nya saakin.
~♡~♡~♡~
Bigla ako napaupo habang basang basa sa pawis ko. Napansin ko rin na hinihingal ako na para akong tumakbo simula Bulacan hanggang Nueva Ecija.
"Ano yun?" tinanong ko sarili ko nagtataka kung ano mensahe ng panaginip ko.
~~~BEEP BEEP BEEP~~~
Sakto biglang nagalarm phone ko. Tinignan ko kung anong oras na, '5 na pala'.
Pinilit ko sarili ko tumayo at pumunta sa CR para makapag handa na pumasok.
'Mah... K..ta' paulit-ulit ko naririnig sa isip ko. Ano kaya yun? Pinilit kong i-alis yung panaginip ko kagabi pero bakit parang totoo yun?
"Nicole!" narinig ko si mama.
Napatingin ako sakanya na parang weirdo nanay ko bago ko tanongin "Bakit po?"
"Aba! Wala ka bang plano pumasok? Naka-upo ka lang diyan nakatapis habang nakatulala." pagkatapos sabihin ng nanay ko yun bigla akong na self-aware.
Simuot ko yung bago kong uniform nalungkot ako nung naalala ko na di na pala ako nagaaral sa Our Lady...
~♡~♡~♡~
Nung nakadating na kami sa school ko naninibago ako sa paligid... 'iba talaga vibes dito' naisip ko bago ko marinig si mama sabihin "Nicole hindi kita kayang ihatid sa loob, kailangan ko pa bumalik sa office."
"Ahh.. ok lang po!" sinabi ko habang nakangiti "Labyu maaa! Byee po." Pagkatapos nun umalis na si mama.
Nung pumasok ako sa loob napansin ko na puro green paligid ko. Ano bayan para naman akong leprechaun dito.
'Saan kaya Room ng Grade 9 dito?' nagtaka ako.
Pag katapos ko mag dusa kakahanap ng room namin nakita ko na sa wakas. Nakalagay sa pintuan
"9-Innovation"
Pagkatapos ko basahin pumasok ako sa loob. 'Masyadong maingay naman.'
Tinignan ko relo ko at nakita ko 6:49 palang naman kaya naisipan kong mag CR muna.
Habang bumabalik na ako sa Classroom pagkatapos mag CR, may narinig akong boses na pamilyar saakin.
'Sino yun?' napaisip ako
Ayun nanaman yung boses... Sinundan ko hanggang mapunta ako sa harap ng kwarto kabila sa kwarto namin.
Bigla ko naalala.
Bakit nya kaboses?
At mas importante... Sino sya?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sya yung narinig ko sa panaginip ko...~♡~♡~♡~
HELLO PO! NA-ENJOY NYO BA ANG 1ST CHAPTER NG STORY? SALAMAT NALANG KUNG NA-ENJOY NYO AT NAGUSTUHAN NIYO ITO!
SO YUNG STORY NA TO NAKA BASE SA TOTOONG BUHAY. SPECIFICALY TUNGKOL TO SA KAIBIGAN KO.
THANKS PO FOR READING
❤❤❤(MAGUUPDATE YUNG STORY NA TO EVERY WEEK, BY THURSDAY)

BINABASA MO ANG
Ano ang sagot sa Bakit?
Romance"Kung talagang mahal mo ko bakit mo ko iiwanan?" sinabi nya ito sakin habang tumutulo luha nya. "Kase nga..." "Bakit? Sabihin mo para maayos natin!" ang pinilit nya sakin. Bakit nga ba? Ano ba nangyare sa ating dalawa... Ano ba sagot sa Bakit? Isang...