Chapter 2
Nasa dalampasigan ako ngayon at pinagmamasdan ang malayong bundok. Nakagagaan kasi ng pakiramdam ang mamasyal sa lugar na ito kaya madalas ko itong ginagawa. Gusto ko ring abangan ang pagsikat ng araw mula sa likdod ng mga bundok.
Pumasok sa isip ko ang sinabi ng aking ina. Siya si Athena Liamzon…
“Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad. Mas pipiliin pa namin ng ama mo na lumaki ka sa isang ordinaryong pamilya kung saan mamumuhay ka ng normal keysa sumali dito sa NICA.”
Nang malaman ko na hindi ako tunay na anak ay madalas kong naiisip ang aking ina. Kung magkatulad ba kami, kung mabait ba siya, at kung anong klase siyang tao pero nang makaharap ko siya ay parang natakot ako sa kanya. Hindi siya kagaya ng nakagisnan kong ina na malumanay magsalita at kumilos. Si mama ang director ng NICA o National Intelligence Central Agency. Katulad ng ibang bansa ang Pilipinas ay meron ring spy agency kaya lang hindi pa ito tanyag at iilang tao lang ang nakakaalam na meron rin palang ganito sa bansa natin.
Si mama ay larawan ng isang matapang na babae. Maganda, maputi at matangkad pero hindi siya isang beauty queen… isa siyang master spy. Iyon ang tawag sa mga spy na marami nang napagdaanan.
Nakita ko ring ang lahat ng mga ahente ng NICA ay takot sa kanya. Kahit na nga ang chief namin dito sa station ay umaalis kapag dumadating siya. Kahit hindi niya gusto ay nag-apply pa rin ako sa NICA at matapos ang ilang pagsusulit ay tuluyan na akong natanggap. Dinalaw pa nga niya ako noong isang araw pero ganun pa man ay walang nakakaalam na siya ay mama ko.
Miguel daw ang tunay kong pangalan… Miguel Liamzon pero dito sa station namin ako si Adrian Lee…
“Hoy Ian! Ano na naman bang iniisip mo ha!” sabi ng kasama ko sa training na si Amy sabay batok sa akin. Nandito kaming lahat ng trainee sa beach para mag-relax matapos kaming pumasa sa huling course namin sa NICA ang combat training.
“Diba nag-rerelax tayo ngayon! Kaya heto nagrerelax ako dito!” sabi ko sa kanya na biglang sumimangot ang mukha.
“Hmp! So ayaw mong sumama sa unang misyon natin? Bahala ka na nga dyan!” at umalis siya.
Ano daw misyon? Bigla akong nabuhayan at napangiti nang malamang meron na kaming misyon matapos ang dalawang taong training dito sa Academe. Sa totoo lang mahirap ang pinagdaanan namin bago maging isang agent… Pitong agent nga lang kaming nakapasa samantala ang ibang agent na hindi pumasa ay nilipat sa ibang field para sanaying muli. Ang iba naman sa kanila ay naging tech operative o di naman ay analyst doon sa main headquarters namin.
“Hoy teka!” paghabol ko kay Amy.
“Ewan ko sa ‘yo!”
Nagtungo na kami sa isang site para makilala ang sinasabi nilang handler namin. Ang handler ay isang senior agent na siyang magiging kasama namin sa misyong ito. Lima lang kami sa grupo dahil ang dalawa naming kasama ay meron ring misyon.
Ang team namin ay binubuo ni Joshua Manlangit (team leader), Amy de Ville (tech operative), Arvie Lim (sniper and analyst), Andress Montejo (Demolitions) at ako (strategist). Ang dalawa pa naming kasama na naatasang sumali sa ibang team ay sina Francia Cuevas (Field Specialist) at Adonis Yengko (hacker).
“Sabi ng Chief natin na si Hermes daw ang magiging hanler natin,” bulong ni Joshua ng dumating kami sa isang liblib na park. Kami lang ang nandoon pero sadyang umupo kaming lima ng hiwahiwalay. Alam kasi naming lahat na baka isang pagsubok na naman ‘to… kaya matalas ang pakiramdam namin..
“Si Hermes?” sabi ni Amy.
“Matinik daw ‘yon!” ito naman ang sabi ni Arvie na abala sa kanyang laptop. Meron kasi siyang database ng mga kilalang agent. “Codename ‘Hermes’, siya ang nakabuwag ng limang terrorist cell dito sa bansa natin. Siya rin ang nakapigil sa tangkang pag-assassinate sa presidente noong 1989. Nadistino siya sa iba’t-ibang bansa. Meron rin siyang ‘red clearance’ na ibig sabihin ay isa siyang high ranking agent ng NICA. Kilala siyang manipulator at linguist… marunong siya ng French, Russian, German, Japanese at Korean. He has license to Kill…” natigilan si Arvie nang merong dumating na isang lalaki. Hindi ko man lang napansin ang kanyang presensya kaya nagulat ako at agad na bumunot ng baril at itinutok ito sa lalaking papalapit sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/23463818-288-k828424.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Punyal ni Bonifacio
AksiBabala sa taong Babasa nito. Kung wala kang tapang ay mas mabuting sunugin mo na lang ito at tuluyan nang kalimutan. Dahil kung inumpisahan mo nang buklatin ang unang pahina nito ay masasadlak ka sa isang sumpa. Isang sumpa na hindi mo na kayang tal...