Episode 4

183 14 5
                                    

Nash POV

"Walang lalaki dito Mika."- sabi ni Jane.

"Oo nga Miks. Baka sinisipon ka lang or something?."-depensa ni Nikki.

"How come magkakaron ng guy dito. E tayo tayo lang naman ang magkakasama, duh?"- sabi ni Janella

"Sino ka?"-nagulat ako nang biglang sumulpot si Mika sa harapan ko. Jusko! Kalma Nash! Wag ka magpahalata.

"Uhmm .. I'm Nashie, yung transferee?"-sabi ko na obviously, medyo tense.

"Babae ka ba talaga?"- tanong ni Mika.

Nagtinginan silang lahat sakin. Pinagpapawisan na ko dito. Takte.

"Aww.. Medyo na-offend naman ako dun. Tell me, mukha ba akong lalaki?"-tanong ko. Grabe. Napakasinungaling kong tao.

"Oo nga Miks. Sobra ka naman, ang ganda kaya nya. Ano bang naaamoy mo? Baka pabango lang nya yun."-sabi ni Ella.

"Sorry. Kasi parang----"- Mika

"Tigilan nyo na nga yan. Ano ba kasing issue mo ha?"-tanong ni Shar kay Mika.

"Ano.. titingnan ko sana kung sino yung bagong salta. And it seems, sya yun.. Ano.. sorry ulit sa inasal ko. Baka pabango mo nga yung naamoy ko. Mariko Nicolette nga pala. Mika na lang."-sabi ni Mika

"Okay lang. Nash nalang itawag mo sakin. Sa ano--- sa kapatid ko kasi tong pabangong gamit ko e."-palusot ko.

"Ah.. ganun ba.. sorry talaga."-sabi nya

"So may kapatid ka pala?"-tanong ni Jane. Lagot. Panibagong kasinungalingan nanaman to.

Siniko ako ni Nikki. Tss. Panindigan na nga lang.

"Ah oo may brother ako.. Nasa America sya."-sabi ko

"Oooh~ I wanna meet him someday. Maybe you can bring him here. Dadami ang imported friends ko. Gosh!"- Janella

"Ah.. hehe.. sure.."- alanganing sagot ko.

"Tama na nga. Lumayas na kayo dito. Kailangan ko ng KATAHIMIKAN! Tutulog na ako, kaya please.. get lost!"-sabi ni Shar sabay higa ulit sa kama nya.

"Hay nako! umatake nanaman ang kasungitan mo Ms. Minchin."-biro ni Ella

"Let's go na nga!"-pag aaya ni Janella.

-----------------

"Itu-tour ka namin ngayon."-excited na sabi ni Jane.

Pumunta kami sa mismong school na halos katabi lang ng dorm namin. Ang gara no? Sarap mag-cutting pag ganito.

"Dun yung gym, tapos dun yung library, sa banda dun naman yung guidance tapos katabi lang nun yung dean's office.. yung canteen naman---"-di na natapos ang pagpapaliwanag at pagtuturo kung saan-saan ni Nikki nang biglang sumabat si Janella.

"Hey Niks! You're so mabilis mag explain naman e, I think di ka naintindihan ni Nashie . Tsaka di lang ikaw yung tour guide no?!"-Janella

"Ay sorry.. naexcite lang."-depensa ni Nikki.

"So yun nga.. naituro na ni Nikki yung location.. but its better kung pupuntahan natin yun isa isa para mas matandaan mo."-paliwanag ni Ella.

At yun nga.. naging familiar na ako sa mga facilities dito. Halos masasaulo ko na din yung mga tinuro nilang directions.

"Balik na tayo sa dorm."-alok ni Jane. Pumayag naman kami.

Paglabas namin ng school..

"Omygosh! See that guys?! Lets go tuhog-tuhog the fish ball muna pretty please?"-sabi ni Janella.

"Osya tara"

Habang busy kaming nakain ng fishball..

"Manong pengeng stick. Dalawa"-singit nung isang babae. Inabutan naman sya ni Manong ng stick. Ang siba naman nito sa stick. Dalawa agad?

"Huy! Kain tayo!"-sigaw nya dun sa isang babaeng nakatalikod at mukhang may kausap sa phone. Ay may kasama pala sya kaya dalawa yung stick haha.

Di naman lumingon yung kasama nya.

"Alexa! Fishball o!"-sigaw ulit nung babae.

Binaba na nung  isang babae yung phone at pagkalingon nya.. napanganga ako. As in literal na napanganga. Sya nga! Si Alexa Ilacad. Yung crush ko! Yung dahilan ng kalokohan kong 'to.

Ang ganda nya sa TV pero dyosa sya sa personal. Nakakastarstruck!

Naramdaman ko namang may sumiko sa tagiliran ko. Pagkalingon ko si Nikki pala.

"Wag masyado pahalata."-bulong nya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pinakalma ko naman ang sarili ko kahit na puro pasimpleng pagsilay kay Alexa ang ginagawa ko. Ang cute nya kumain ng fishball. Ang liit kumagat haha.

Pero nagtataka ako. Kung magkakaklase lahat sila.. Ba't di sila nagpapansinan. I mean di pinansin nila Alexa at nung kasama nya sila Nikki, Ella at iba pa and vice versa?

Anong meron?

Makaraan ang ilang minuto..

"Tara na Celine"-sabi ni Alexa dun sa kasama nya saka sila umalis.

Hinihintay nalang namin si Janella. Di pa rin tapos kumain. Ang takaw e. Masyadong naenjoy ang 'tuhog-tuhog-the-fishball-session' nya haha.

"Di ba kayo close nila Alexa?"-tanong ko sa kanila.

"It depends. Sa classroom, konti. Pero pag off campus, no.. ewan ko ba. Di lang siguro talaga namin sila feel?"-sagot ni Ella

"Siguro dahil na rin sa competition?"-suggest naman ni Jane

"Competition saan?"-tanong ko

"Dito kasi maraming nagaganap na competition between dorms A, B and C. Basta you'll find it out soon"-sabi naman ni Nikki.

"Finish! Guys im done na. Grabe! im so busog!"-tuwang tuwang sabi ni Janella.

Gabi na nang makauwi na kami sa dorm.

"Thank you nga pala."-sabi ko sa kanila

"No prob!"-sabay sabay nilang sagot.

Nakakatuwa. Ang babait nila. Halos lahat kasundo ko na..

Maliban sa isa..

"Ang tagal nyo. Gutom na ako."-reklamo ni Sharlene.

AYAN sya.

To be continued..

---------------

Hanggang dyan na po muna..

Votes and comments are highly appreciated. Thank you.

Lovelots,

Lie Ann Valenzuela.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Of The Girls (A Nash Aguas FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon