Episode 2

124 9 0
                                    

Nash POV

"Welcome to the Philippines!"-sigaw nung flight attendant, masyadong hyper -_-

Tumayo na ako. Makalabas na nga baka nilalangaw na sila Nikki kakaintay.

"Enjoy Ma'am. Just always remember, it's more fun in the Philippines!"-sabi nung flight attendant habang nakatingin sakin.. ---SAKIN?!

Napataas ang kilay ko.. Ako ba talaga kausap neto?

"Any problem ma'am?"-tanong nya

MA'AM?! AKO?!

Magrereklamo na sana ako nang bigla akong mapatingin sa katawan ko.

Ay oo nga pala. Babae na ako.

"Thanks!"-boses babaeng sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti naman din sya. Psh. Laking ganda ko naman sa kanya kung sakaling babae talaga ako.

Kinuha ko na ang bagahe ko. Pati na rin yung extra bagahe ko na puro chocolates ang laman. Ano pang aasahan mo kay Nikki, di naman yun mag aantay ng higit kalahating araw para lang sa wala diba? Edi suhulan ng pasalubong.

Speaking of..

Asan na yung babaeng yun?

Nagpalingon-lingon ako sakaling may sumalubong sakin dito na may dalang banner na may nakalagay na pangalan ko.. pero.. WALA!

Ano ba yan?! Iniwan na ata ako.

Patuloy lang ang pagtulak ko sa push cart ng luggage ko nang biglang..

"Ouch!"-sigaw ng babaeng nabunggo ko.

"Sorry"-sabi ko na lang gamit ang syempre pangbabaeng boses ko. Paharang harang kasi sya kitang may hinahanap ako e.

"It's okay. Wait, are you one of those.. passengers of that plane.. that arrived a while ago? "-sabi nya sabay turo dun sa eroplano na sinakyan ko. Napatawa ako ng konti. The way she speak-- obviously, trying hard mag english. Hahahaha

"What's so funny?"-tanong nya ulit kaya napatawa nanaman ako. Nako! Tigil na Nash! baka awayin pa ako nito.

"Nah, nothing. I just realized something. By the way, yeah, I'm one those passengers, why d'you ask?"-tanong ko gamit ang American accent ko.

"Ano kasi.. because.. pano ba to?! Uhmm.. Were waiting for someone.. maybe you meet her--there? Shit, nosebleed."-sabi nya hahahaha nakakatawa sya pramis.

"Pardon?"-sabi ko. Gusto ko lang sya pagtripan haha pampalipas oras narin hangga't di ko pa nakikita sina Nikki.

"Oh sorry.. it's just so--complicated. You know? My friend and I are waiting for a girl named---"

"NASH!"-napatingin ako sa kung saan nanggaling ang pamilyar na boses ng babae na biglang sumigaw.

"NIKKI?!"-tili ko. Masanay na kayo. Babae ako.

"Ikaw nga! hahaha na-miss kita bes!"-sabi nya sabay yakap sakin.

"Mas na-miss kita!"-sagot ko sabay yakap sa kanya.

"ANO?!"-nagulat kami ni Nikki nang biglang sumigaw yung babae kanina. Problema neto?

"Nakakapagtagalog ka?!"-galit na tanong nya sabay turo sakin. Nako! yari na.

"Oo? obvious ba?"-tanong ko

"Nang aasar ka ba talaga? Ginu-good-time mo lang pala ako kanina sa pag-i-english.. at teka, magkakilala kayo?"-tanong nya sabay turo kay Nikki.

"Ha? Bakit? Anyare? Anong meron? Ay nga pala.. sya yung kababata ko Shar."-sagot ni Nikki.

Shar.

Shar.

Shar.

Siya yun?!

Shit! Strike two!

One Of The Girls (A Nash Aguas FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon