Chapter 4: Contest

26 5 3
                                    

JM'S POV

Pagkatapos ng pangyayari kanina, umuwi na kami ni Alysha. May lumapit na isang lalaki na mukhang may balak.

"SIYA BA YUNG PINAGMAMALAKI MONG BOYFRIEND MO ALYSHA HA?" sigaw ng lalaki kay Alysha.

"Teka, pre, sino ka ba ha? Bakit mo sinisigawan ang girlfriend ko? Wag mo nga siyang sinisigawan." sabi ko ng mahinahon kahit naiinis na ako.

"Aba, Alysha, Hindi mo pa pala sinasabi dito sa BOYFRIEND mo kung sino ako?" sabi ng lalaki.

"Pwede ba Matthew umalis ka na! Di kita kailangan! At lalong-lalo hindi na kita mahal! Kaya pwede bang tigilan mo na ako!" sabi ni Alysha.

"HANGGA'T HINDI KA NAPAPASAKIN ULI, HINDI KITA TITIGILAN!" hinawakan ng lalaki ang braso no Alysha.

"Ano ba Matthew! Nasasaktan ako!" sabi ni Alysha.

"Sandali lang pre, nasasaktan na ang girlfriend ko sa paghawak no sa kanya. Bitawan no na siya." Sabi ko na may kasamang inis.

"WAG KANG MAKIKIALAM!" Sigaw ng lalaki sa akin.

"TANGINA MO. GIRLFRIEND KO ANG INAANO MO!" Sigaw ko tapos sinapak ko siya.

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

"TAMA NA!" Sigaw ni Alysha. "UMALIS KA NA NGA MATTHEW KUNG AYAW MONG MAPATAY PA KITA DAHIL SA GALIT KO. KUPAL KA!"

"Hindi pa tayo tapos Alysha!"sigaw ng lalaki habang papalayo siya.

"Okay ka lang ba baby? Nasaktan ka ba?" Sabi ni Alysha.

"Oo naman. Basta sabihin mo sa akin kapag ginulo ka pa uli nung ulupong na yun." sabi ko.

"Opo. Tara na. Uwi na tayo."

Hinatid ko na si Alysha sa bahay nila. Nang makarating na ako sa bahay, nakita ko may kausap si Mommy. Narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Pagkagraduate ni JM, isasama ko na siya sa US. Dun na niya itutuloy ang kolehiyo niya." sabi ni Mommy dun sa babae.

"Okay mam. I will fix his documents na po para po pagkagraduate niya, nakaready na po."

"Okay. Thank you so much."

What?! Sa US na ako magcocollege? AYOKO! Magkakahiwalay kami ni Alysha kapag nangyari yun. Hindi ako papayag.

Naisipan kong tawagan si Alysha para sabihin ang lahat ng narinig ko sa kanya. Pagkatingin ko sa oras, 11:30 pm na pala. Baka tulog na siya. Bukas ko na lang sasabihin.

Kinabukasan...

Umalis ako nang maaga sa bahay para sabihin lahat ng narinig ko kay Alysha. Nakarating na ako sa bahay nila.

Kumatok ako sa bahay nila.

tok tok tok...

May bumukas ng gate.

"Oh baby! Bakit ang aga mo? Kumain ka na ba?"

"Wait. May kailangan akong sabihin sayo." Naiiyak ako.

"Oh ano yun?"

"Uhm, narinig ko kagabi si Mommy na may kausap. Sabi niya na pagkagraduate ko daw at isasama na niya ako sa US. Pero ayoko kasi maiiwan kita." Tumuloy-tuloy na ang pagluha ko.

"ANO?!"

"Kakausapin ko si Mommy para hindi niya ituloy. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. *sabay halik sa noo* hinding-hindi kita iiwan."

STAY THE NIGHT [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon