ALYSHA'S POV
Pagkatapos ng away nina Patrick at JM, aba, napagod ako. Eh nakakapagod eh! Hahaha! Pero bakit kaya nakipagaway si JM? Nakakapagtaka eh.
"Hey girl! Mukhang may gusto sayo si Fafa JM ah? Nililigawan ka ba niyan?" sabi ng bestfriend kong bading na si Pearly. Aba, nakakaasar minsan yang bading na yan eh. Pero sobrang bait niyan. President siya ng student council sa school namin.
"Baliw! Hindi no! Baka may gusto yun sa akin? Sabunutan kaya kita?" Ang hard ko diyan sa bestfriend kong yan eh. Paano simula nang ikwento ko si JM sa kanya, laging na niya akong inaasar dun. Sarap sabunutan.
"Ikaw sis ah! Kunwari ka pa. May gusto yun sayo! Basta pag naging kayo sis, i-balita mo kagad sa akin ah! Mwah mwah tsup tsup!" Eww. Kadiri tong si Pearly. Ang sagwa ng mukha kapag nag-mwah mwah tsup tsup.
Biglang dumating si Christine.
"Grabe kayo ah. Di niyo ako sinasali sa usapan niyo. Ano ba yan?"
"Ah, wala ah. Si Pearly kasi may plano para sa Student Council nila. Alam mo na." Palusot ko.
"Ay, ganun ba? Sige. Tara na. Uwi na tayo. Baka gabihin pa tayo."
CHRISTINE'S POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Alysha, sabay na kaming umuwi. Pagkauwi ko ng bahay, biglang nagring cellphone ko.
*wiwitwiw*
FROM: JM
Tropa! Tulungan mo naman ako na masabi ko kay Alysha na may gusto ako sa kanya at tulungan mo na rin akong ligawan siya. Kita tayo sa canteen bukas. Salamat!
TO: JM
Sige.
*message sent*
Sa haba ng sinabi niya, sige lang nasabi ko. Hahaha!
May nagtext na naman. Hay. Sa sige na pagsabi ko, may nasabi pa si JM? Lupet! Hahaha!
*wiwitwiw*
FROM: BESTFRIEND ALYSHA
Bruha! May gusto na ata ako kay JM. Mukhang mahal ko na ata. Tulungan mo naman ako. Pag natulungan mo ako, i-lilibre kita! loveyou! Kita tayo sa canteen bukas!
TO: BESTFRIEND ALYSHA
Wag ka na manlambing! Loveyoutoo! Oo, sige. Tutulungan na kita! Basta sabi mo ah, ililibre mo ako. HAHAHA! Mwah!
*message sent*
Aba, akala ko si JM. Nagkakagustuhan na ang dalawa. Sabagay, bagay naman sila eh. Sana maging sila. Haha! Matulungan nga ang dalawa. Tapos parehas pa sa canteen eh no? Hahaha! Meant to be eh.
Kinabukasan...
"Tropa!!"
"Bruha!!"
Sabay na sabi ng dalawa. Aba, sabay pa talaga ah?
"Teka, kayo ngang dalawa, eh umupo nga kayo dito." sabi ko.
"Sige."
"Sige."
Sabay na naman ang dalawa. Yun oh. Hahaha!
"Tropa, tulungan mo naman ako sa kanya. Alam mo na. Kay Alysha. May gusto kasi ako sa kanya eh."
"Bruha, mahal ko na si JM. Tulungan mo ako."
Sabay na naman ang dalawa. Meant to be lang ang peg? Nagulat ang dalawa sa mga sinabi nila.
"Teka, teka, pwede bang isa-isa lang?" Aba eh, sabi ko. Kanina pa nagsasabay ang dalawa eh.
Aba, yung dalawa, biglang natahimik. Nagulat kasi sa mga sinabi.
"Oh! Bigla kayong natahimik ah? Oh, sabihin niyo na nga sa isa't-isa yung mga gusto niyong sabihin sa isa't-isa."
"Mahal kita!"
"Mahal kita!"
Tingnan mo nga naman oh. Sabay na naman sila.
"Kayo talagang dalawa, laging sabay! Yie! Sige maiwan ko na kayo ah?" Nakakakilig tingnan ang dalawa.
JM'S POV
Iniwan na kami ni Christine dito sa canteen. Shet. Kinakabahan ako ah? Ligawan ko na nga to. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
"Uhm, Ally, pwede bang manligaw? Mahal na kasi kita eh. Pero pangako ko sayo na kapag naging boyfriend mo ako, lahat gagawin ko para sayo." Medyo kinakabahan ako ah.
"JM, Oo naman. Pwede. Mahal din naman kita eh. Sorry ngayon ko lang nasabi to."
God, Thank you so much! Mahal niya din ako! ❤️
"So, pwede na ba kitang maging girlfriend?" Aba, wala nang paligoy-ligoy pa.
"YES JM YES!!" Sigaw niya.
Bigla ko siyang niyakap. Ang saya ko grabe,
"Salamat Ally! I love you so much! Promise ko na hindi kita pababayaan!" sabi ko.
"EVERYBODY!! TUMINGIN AT MAKINIG KAYO SA AKIN. ETONG BABAENG TO, SINAGOT NA AKO AT GIRLFRIEND KO NA SIYA. MAHAL NA MAHAL KO PO SIYA." Sigaw ko sa mga tao sa canteen.
Nagpalakpakan ang mga tao dito sa canteen.
"Congrats!" sabi ng mga tao.
"WOOOHHHH!! SALAMAT!!" Sigaw ko.
"Uy, JM, ano ka ba. Wag ka nang sumigaw diyan. Tara. I love you too!" sabi niya.
*******
A/N: Sorry medyo bitin po at may mga bagong characters po. Please vote and comment po. Salamat!
BINABASA MO ANG
STAY THE NIGHT [FAN FICTION]
FantasiaFAN FICTION of STAY THE NIGHT by ZEDD FEATURING HAYLEY WILLIAMS ❤