ALYSHA'S POV
Good morning world! Hahaha! Wala lang! Bakit ba? Masama bang mag-good morning kahit hindi umaga? Huwag nga kayo. Hahaha! Joke lang ha? Mabait naman ako.
Teka, hindi niyo pa pala ako nakikilala, ako nga pala si Alysha Raine Samson. Pero pwede niyo akong tawaging ALLY. Ang panget ng pangalan ko, no? Hayy! Nakakainis kasi si Mama eh. HAHAHAHA! Pero mahal ko yun ah!
Ayun, nandito pala ako sa school. Hindi ko alam. Why! Hahaha! Pero wag kayo! Section 1 ako. Wala lang. Proud lang. Sorry na guys. Yun na, natapos na ang klase. Ang bilis, no? Tapos may nakita akong napakagwapo at napakapoging lalaki. Dumaan siya sa harapan ko at binangga ako. Ayos yun ah. Hahaha! at dahil maligalig at kalog ako, syempre tinawag ko siya.
"Hoy! Bakit sa dinadami ng dadaanan dito ka pa sa harap ko dumaan? Putek ka ah! Sa gandang kong to, babanggain mo lang? Pakyu! ./." Syempre joke lang yan. Hahaha! Akala niyo naman kaya kong sabihin yun no? Pero eto na talaga.
"Uhm, kuya, sorry ha! Binangga mo ako! Sorry talaga! Hindi ko talaga sinasadiya na banggain mo ako! Wow ha!" sabi ko sa kanya. Ang kapal eh. Hindi man lang nagsorry.
Bigla siyang humarap. Huwat? Napakapogi at napakagwapo neto. Shet! Hahaha!
"Ay, sorry miss. Di ko sinasadiya. Okay ka lang ba? Nga pala, ako pala si Juan Miguel. Pwede mo akong tawaging JM. Di ba ikaw si Ally? Yung top 1 sa 4th year-Einstein? Hehe! Sorry." Ang cute niya magsorry grabe. Hahaha. Pero paano niya nalaman pangalan ko.
"Ah, Oo! Ako nga. Nice to meet you, JM. Anong section mo? Hehe. Paano mo nalaman ang pangalan ko? Eh ngayon pa lang naman tayo nagkita?" Sabi ko habang nakasmile.
"Sa bestfriend mo. Si Christine. Girlfriend kasi siya ng tropa ko. Si Jervy. Madalas ka nga niyang ikwento sa akin eh. Hehe, Nga pala, may klase pa ako at eto pala number ko. Text na lang tayo! Salamat sa time at sorry kung nabangga kita. Hindi ko sinasadya. Hehe. Ingat ka. Nice to meet you too, Ally." Well, ang pogi niya. Inis. Sayang. May klase pa siya. Huhu. Why. Hahaha.
Yun oh. May number na ako ng napakapoging JM. Shet. Kinikilig ako. Ang kati. Hahaha! Pero loko yun si Christine ah! Ipakilala ba naman ako. Pero okay lang. Hahaha!
Nakauwi na ako ng bahay. Pero may assignment pala, nakakainis! asdfghjkl!! Hahaha! Lakas ng trip ko, no?
Pero hindi ko maalis sa isipan ko si JM eh. Nakakainis. Bakit kasi ang pogi niya? </3
May kumatok sa pinto. Ay, pagbukas ko, si ate Denise pala. Ang ganda talaga ni ate. Hay. Hahaha!
"Bunso, sabi ni mommy, kapag tapos ka na daw dyan sa assignment mo, matulog ka na. Maaga ka pa bukas. Goodnight." *sabay kiss sa forehead* ang sweet talaga ni ate.
"Opo. Eh kung ikaw rin kaya matulog ka na? Hahaha! Joke lang! loveyou!" Trip ko yan lagi si ate pero lagi kong babawian ng lambing kapag pinagtitripan ko yan. Ang ganda pa rin kasi niya kapag naasar. Hahaha.
Kinabukasan....
"Good morning bunso! May sumusundo sayo dito sa baba. Mukhang kaibigan mo ata." sabi sa akin ni mommy habang kinukurot ako sa bewang. Ang harot eh.
Pero napaisip ako. Sino kaya yun? Bumababa na ako.
"Good morning Ally! Naaalala mo pa ba ako?" Shet! Si JM! Bumisita dito sa bahay. Paano niya nalaman bahay namin? O_____O
"Oh, JM! Paano mo nalaman bahay namin?" Medyo kinakabahan ako habang sinasabi ko yan. Hindi ko alam kung bakit eh. Pero sa tingin ko ang nagsabi sa kanya ng bahay namin, walang iba kundi si Christine. Hayy! -____-
BINABASA MO ANG
STAY THE NIGHT [FAN FICTION]
FantasyFAN FICTION of STAY THE NIGHT by ZEDD FEATURING HAYLEY WILLIAMS ❤