Ena's Story Round 1! |Meet Ena!|

55 2 0
                                    

Short Description Tungkol sa Storyang Eto:

Ang storyang eto ay pwdeng may lamang nakakatawang mga storya tungkol sa pinagdadaanan ni Ena , nakakaiyak , at iba pa. Lalo na at baka may mapulot pa kayong mga mahalagang lessons about life , friendship , lovelife , at iba pa.  basta , hindi lang nakakatawa ang genre nato , marami kayong mababasa at malalaman tungkol sa pinagdadaanan ni Ena... -smile- :)

o---o

Ena's Story Chapter 1

Ena's POV

Mabilis akong bumangon sa higaan , kinuha ko ang twalya ko , pumasok sa banyo , saka ako ng naligo ng sobrang bilis hanggang makakaya. Lumabas ng mabilis saka nagbihis ng mabilis , mabilis lumabas ng kwarto saka kinuha ang bag ko , akmang lalabas na ako ng bahay ng nakalimutan kong hindi pa ako nakakakain.

Kumuha agad ako ng tinapay , nagpaalam sa mommy ko at sobrang bilis lumabas ng bahay at tumakbo para makasakay na ng trycicle, baka ma-traffic mamaya. Ma-late pa ako niyan mamaya...

Nakapara ako ng trycicle , agad agad akong pumasok saka ko sinabihan si manong na, "Manong, paki-bilisan lang!" sabi ko ng nagmamadali. pero , letche naman oh , naghahanap parin si Manong ng mga pasahero , ma-lalate ako ng sobra ngyon eh!

"Manong , paki-bilisan naman oh!" Pagmamadali kong tanong , parang galit na ang tono ko eh! ma-lalate na kasi ako! "Letche naman oh, ikaw na nga ang pasahero , ikaw pa maangal!" Sagot ng masungit na drayber. Eh sa malalate na ako , ano magagawa ko!

Pero agad agad ring pinatakbo ni Manong ang trycicle ng sobrang bilis hanggang makarating na ako sa school ko, "Eto Manong, salo!" Sabi ko kay manong , binato ko ang pambayad sakanya saka ako mabilis na pumasok sa loob ng school at dali daling hinanap ang classroom na papasukan ko ngyon.

Eto kasi yun , diba first day namin? Kaya ayun na nga , Civilian Clothes kami at dapat daw walang ma-lalate ngyon dahil kilangan , bago mag-start ang regular classes ay kilala na namin ang isa't isa , para naman daw walang hiya hiya sa mga klase , (sabi ng principal nung parents conference. Oo , sumama ako)

"Ena!!" Biglang may tumawag saakin habang tumatakbo ako. Ako naman to si tanga, tumingin sa likod habang tumatakbo kaya iyan , may nabangga rin ako isang estudyante dito sa paaralan na to.

"Ouch Ouch..." Pagkarinig kong sabi ng isang lalaki , tumingin ako doon sa nabangga ko, siya pala ung nagsabi ng 'Ouch Ouch...'.  "Ansakit nun ah!" Sigaw ng lalaki saakin saka rin siya tumingin saakin. Tanga ka rin Ena eh, hindi naman niya sasaibihing Ouch Ouch or Ansakit nun eh kung hindi siya ang nabangga mo at nasaktan mo.

"Pasensya naman , tao lang!" Sagot ko , tumingin naman ulit ako sa likod at tinignan kung sino ang tumawag saakin , hindi pala ako ang tinatawag , ibang estudyante na kapangalan ko lang... sakit lang ng pakirandam na walang tumatawag sayo... lalo na sa unang araw ng pasukan pa... ANSAKIT!! TT____TT

Tumingin ulit ako sa lalaki saka tumayo , "Pasensya na talaga..." Pag-sasabi ko ng sorry sa lalaking nabangga ko.  "O-ok lang!" Sagot niya parang may nararandaman na sakit saka agad agad tumayo at pumasok sa classroom na dapat kong pasukan... pasensya naman! nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko... TT____TT

Pumasok na ako sa classroom saka ko nakita ang lalaking nakatingin saakin habang lumalakad ako papunta sa upuan ko , May laking galit siguro saakin ang kapalaran at piangsama pa kami ng klase netong lalaking to... baka ipakain niya ako sa mga buhaya o aswang!

Umupo nalang ako sa upuan ko , binaba ang bag ko at nilapag ko ang ulo ko sa upuan at nanatiling tahimik dahil sa konsensyang to , nakakainis! Umalis ka na, masamang konsensya!

I hate this feeling , guilty guilty guilty... baka dumugo ang ulo nung lalaki dahil sa sobrang laki , tapos bumukas ang ulo , lumabas ang utak , may fingerprints ng ulo ko ung utak ng lalaki dahil sa lakas ng impact ng pagka-bangga ko sakanya, makukulong ako ng habang buhay at hindi ako makalabas, at ---

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa kabaliwan kong imahinasyon , kainis ung ganyang imahinasyon , tumutungo sa negative side ng mangyayari.

Think positive Ena! Simple lang mangyayari sakanya , Nabangga ko siya sa ulo o kaya kahit saang parte ko man siya na-bangga at dahil sa sobrang sakit , malaking galit ang ibibigay niya saakin , papakain ako sa buhaya at aswang , pag-natae na ako ng aswang o ng buhaya , kakainin ako ng mga fungi o Decomposers at ako ay magiging isang magandang bulaklak na palaging inaapakan ng mga batang masasama. Kahit na may nakasulat na standboard na "Bawal Umapak , Nagagalit ang mga bulaklak".

Sabi ko na nga ba, magkakaroon lang ako ng negative side ng imahinasyon... unti-unti ng tumulo ang mga luha ko at para na akong tangang lumuluha mag-isa ng walang dahilan... de joke lang! nag-eemote lang ako dito at iniisip kong isa akong magandang bulaklak na inaapakan!

Tapusin na nga natin etong Chapter 1 na eto , at puro kalokohan lang ang mangyayari dito (Kahit na every chapter ay may sari-sariling kalokohan ... o hindi.) . Paalam at hintayin ang susunod na chapter! Ba-bye!

"Ena?" Narinig kong may tumawag saakin , agad agad akong tumingin sakanya saka sumagot ng pala-tanong, "Hana?" sabi ko at dahan dahan na akong lumuluha... letche naman tong lumilipad na dumi , sa mata ko pa pumunta , pwde naman sa mata ng iba sila pumunta para hindi ako lumuha at masaktan sa pag-kusot! letche ka!

o--- Fin ---o

o--- Extra ---o

Ako ay may lobo

Pumutok sa langit

Hindi ko na makita

Pumutok na pala

Sayang lang ang pera ko

Pambili ng Lobo

Lobo pa sana

Masaya pa ako :)

o--- Fin ---o

Ena's Story - e|ND| Works 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon