Ena's Story Round 2! |Meet Hana!|

18 1 0
                                    

Writer's Note: Chapter 2 na po! sana patuloy parin kayo sa-pagtawa , pag-iyak , basta iba't iba pang kalokohan na pwde niyo gawin habang binabasa ang storya , pwde kayong maligo habang nagbabasa (sa mobile, alangan naman dalin mo ang computer sa banyo.) at iba iba pang ... kalokohan ... XDD. basta, ENJOY lang po!! ;D

o---o

Ena's Story Chapter 2

Ena's POV

"Hana, musta na!" Pag-bati ko kay Hana habang kinukusot ko ang mga mata ko , diba nga! ung mga lecheng dumi na lumipad sa mata ko kaya ako na-puwing. kaya ako ngyon , nasasaktan dahil sa pag-kusot ng kusot, letcheng yan.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Hana saakin , eto ang pinaka-ayaw ko eh , na-puwing ka lang tapos tatanungin ka kung 'Umiiyak ka ba?' Hindi ba pwdeng na-puwing wuna?

"Hindi ako umiiyak , na-puwing lang." Sabi ko saka ko tinigil ang pag-kusot ko sa mga mata ko , Ansakit na eh, ayoko na kusutin mamaga at mamula pa ang mga mata ko.

"Ah ok, ay oo nga pala... may narinig ako tungkol sayo..." Sabi niya saakin , bigla bigla nalang ako kinabahan , ung para bang may sinabihan ka ng sikreto mo tapos sasabihin niya sa iba tapos ung sinabihan niya sasabihin niya rin sa iba, endless cycle lang eh, kaya ako ngyon , todo sa kaba.

"A-ano ang narinig mo tungkol saakin?" Tanong ko , kinakabahan na ako! "Wala naman, joke lang." Sagot niya saka siya tumawa at tinuturo ang mukha ko , Ok. nagmukha na ako ditong tanga. Etong bruhang tong sarap sabunutan , nagkukungyari lang pala. Halika , lapit , pasok ko tong kamaong ko sa bibig mo. XD

"Ena." Pag-tawag niya saakin , ngyon seryoso na siya. seryoso kasi ang mukha niya , ang boses niya , saka ang pag-tawag niya saakin. "Bakit?" Sagot ko , tapos eto nanaman tong bruhang to , pinigilan lang pala ang tawa at pinagpatuloy. Bruha ka talaga Hana! sarap mong ipakain sa buhaya! 

"Hindi ka titigil?" Pag-warning ko sakanya, nakaka-inis na eh, isipin mo , nasa isang room kayo , puno ng kaklase o kaya mga guro , tapos biglang tatawa ang loka mong kaibigan. SA HARAP MO PA! parang gusto mo ngang ipasok mo ang mga salita mo sa tenga niya at sabihing MANAHIMIK KANG BRUHA KA, NAPAPAHIYA AKO DAHIL SAYO.

Balik tayo sa katutuhanan , ngyon hindi parin tumitigil sa kakatawa ang bruhang loka-lokang eto , kaya tumayo nalang ako saka lumabas ng classroom , kainis kasi eh! tawa ng tawa gusto mag-asawa sarap ipakain sa buhaya.

"Ena!" Narinig kong pag-tawag saakin ni Hana, tumalikod ako saka tumakbo. Paano naman kasi , nakabukas ang mga kamay niya at akmang yayakapin ako ng sobrang higpit kaya ako ngyon , takbo ng takbo.

"Ena naman eh! Hintayin mo ako!" Sabi niya sa at sa tingin ko ay napapagod na siya. "Ayoko nga!" Kahit ako, pagod na pagod na sumagot , sa mabuting palad, nadapa ako, nadapa rin siya , in-short , pareho kaming tanga! XD

"Ansakit naman..." Sabi ni Hana at saka dahang dahang tumayo. Nung nakatayo na siya dahil nakadaganan siya saakin , sumunod na akong tumayo saka sabay kaming lumakad pabalik ng classroom.

"Kapagod, ambilis mo pala tumakbo Ena!" Sabi niya saakin , Wow thank you, so aasarin mo akong kabayo 'ganun ba? "Salamat!" Sagot ko nalang , baka compliment at hindi asar eh, Life Opportunity lang tong compliment na 'to! Minsan mga gwapo at magaganda ang nakakakuha ng ganyang klaseng compliment eh!

"Hana..." Pag-tawag ko sakanya, "Bakit?" Sagot niya , "Pa...." Hindi ko napatuloy ang sasabihin ko, "Pa?" Sagot niya ulit. "Pa....-----

Paunahan tayo papuntang classrom!" Sigaw ko saka ako tumakbo ng mabilis para maunahan si Hana papuntang classroom.

"Madaya!" Narinig kong sigaw ni Hana at narandaman kong tumakbo rin siya ng sobrang bilis at nararandaman ko rin na nasa likod ko lang siya.

"Ako mauuna!" Sabi ko kay Hana habang tumatakbo , "Hoy Loka ka! Ako mauuna!" Sabi niya saakin at nakita ko na ngang nauuna na siya sa pag-takbo para makarating sa classroom.

Hindi ito pwde! kilangan ako mauna! Hindi ako magpapatalo kahit kanin-----....

Nadapa siya, Nadapa ako , in-short , pareho kaming mga mangmang at tanga.

o--- Fin ---o

Writer's Note Round 2!:

Sana po ay nagustuhan niyo ang Chapter 2,  kahit na puro kalokohan lang nandito , wait... HINDI NIYO BINASA NO?! Mga bruha talaga katulad ni Hana, hindi lang man tinapos basahin tapos scroll scroll lang pababa, sarap talagang sabunutan nung mga taong ganun no? kaya kung kayo yun , sabunutan na ang sarili! XD.

Joke lang! pero kung gusto niyo , sige sabunot lang, xD, basta , salamat sa pagbabasa at sana ay pagpatuloy niyo ang pag-subaybay sa storya kong 'Ena's Story' kahit puno eto ng kalokohan sa una, pero pangako ko na gagawan ko rin eto ng drama, o pang-movie o pang-korea novela at drama lang ang storyang eto.

Chos! paalam! basta salamat sa sana na-enjoy kayo habang nagbabasa kayo netong Chapter 2 ng 'Ena's Story'! ;D

o--- Extra ---o

Ako si Ena , ang mag-Eenay sa buhay mo.

Ako si Hana, ang kasama mo mag-Hahana Moon.

Ako si Endings, ako ang nakakaalam ng iyong katapusan. XD

o--- Fin ---o

Ena's Story - e|ND| Works 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon