Ena's Story Round 3! |Si Lalaki,Meet Ezequiel Kyle!|

20 1 0
                                    

Writer's Note: Eto na! Round 3 na ng Ena's Story! Sana po ay magbasa po ulit kayo at wag-niyo naman po sana iskip ang mga Writer's Note katulad neto , basta! READ | VOTE | COMMENT ! *-* baka kasi hanggang Round 12 (Chapter 12) lang ang storya, more or less,  baka rumami! xD! basta, Enjoy lang po! *-*

o---o

Ena's Story Chapter 3

Ena's POV

Masakit parin ung mga paa , tuhod , katawan namin dahil sa kakatakbo namin, diba nga? dahil nga napagod kami ng sobra , tumakbo kami ng sobra , nadapa kami ng sobra na ikakahiya kong sabihin XD.

Nandito na nga pala kami , nakaupo kami dito sa mga upuan namin sa classroom. Magkatabi lang pala kami , hindi ko lang man napansin dahil doon sa nagawa ko. Remember? ung pagka-bangga ko doon sa lalaki.

*Gulp*

Napa-tingin ako sandali doon sa lalaki at nakita ko siyang nakatingin parin saakin , Nako! gusto talaga ako ipakain sa aswang o buhaya netong lalaking eto! 

"Todo titig ka doon sa lalaki ah." Sabi saakin ni Hana, "Tumititig saakin eh." Sagot ko , Titigan ako ng sobrang tagal pagigurado , para daw matunaw ako at mawala na sa mundong eto.

"May crush ka siguro doon sa lalaki eh." Pag-asar saakin ni Hana. "Ako? Crush? Niloloko mo ako?" Sabi ko at unti-unti na akong napapatawa kay Hana.

"Palusot pa si girl eh!" Sabi ni Hana at kiniliti ako sa gilid. "Hahaha, ikaw yata eh." Ako naman ung kumiliti sa gilid niya. "Ikaw eh." Sabi niya at pinagpatuloy ako kilitiin sa gilid. "Ikaw eh." Sabi ko at patuloy na pagkiliti sa gilid niya. "Sinabing Ikaw eh!" Sabi ni Hana at parang mas-lalo niyang binilisan ang pag-kiliti niya saakin. "IKAW NGA!" Sagot ko at para na akong galit na nakikiliti na parang tanga.

Ayun na nga, nagkilitian lang kami ng walang katapusan hanggang dumating ang magiging guro namin this 4rth year namin, kaya naman, ayun na nga, tumigil na kami sa pagkiliti at umayos ng upo sa upuan.

"Good Morning Class" Pag-bati saamin ng guro namin , lahat kami ay sabay tumayo , yumako , saka sabay sabay kaming bumati sa guro namin. "Good Morning Teacher!" Lahat kami'y sabay sabay na sinabi saka umupo.

"Ako nga pala si Ms.Bebian Junio , Ang magiging Class Adviser niyo this 4rth year." Sabi ni Teacher Junio , "Ako rin lang ang magiging adviser niyo hanggang end of the year, sa ayaw niyo at sa gusto niyo!" Pagpa-tawa ni Ms.Junio , kaya wala talagang pigil pigil , basta tumawa nalang kami at agad-agad ring huminto sa pagtawa.

"Ok Class, Bakit hindi kayo magpakilala sa isa't isa? Kung pwde lang , ung unang nakaupo on the Front , pumunta kayo dito sa harap at ipakilala niyo ang sarili niyo." Sabi ni Ms.Junio saka siya ngumiti.

Pumunta nga doon ung estudyanteng naka-upo at pinakilala niya ang sarili niya. Basta , ung estudyanteng iyon , hindi kilangan sa storya, extra lang ung ibang estudyante... XD, sensya na mga extras, lugi ako makaisip ng magandang pangalan na babagay sa description na gagamitin niyo sa introduction niyo x.x

Ayun na nga , back to reality , sunod naman yung ... yung lalaking nabangga ko kanina , tumayo siya sa harap at tinignan ang buong klase , napatingin siya saakin at tinignan ako ng masama. BAKIT BA PARANG MAY MASAMANG KASALANAN AKO SAKANYA? EH HALOS NABANGGA KO LANG NAMAN SIYA AH! KILANGAN MAWALA NA UNG SAKIT NG PAGKA-BANGGA KO SAKANYA NGYON. TT___TT

"Ako pala si Ezequiel Kyle Deocares , Isa akong transfer student dito sa paaralang eto , masaya ko kayong makita at sana ay maging kaibigan ko kayong lahat." Sabi niya saka siya ngumiti sa lahat.

"Ang cute niya no?" Bulong saakin ni Hana , "Cute his face, bakla siya." Sabi ko nalang , baka sabihan pa ako na may crush sakanya pag-sinagot kong 'Oo nga , ang cute niya'.

Bumalik siya sa upuan niya tapos nalaman kong ako na ang sunod , kaya tumayo na ako at pumunta sa harapan para magpakilala.

Eto na Ena , ang greatest moment of your life. Magpakilala ka lang simple at maayos, wag magdagdag ng kalokohan sa iyong pagpapakilala.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita , "Ako si Ena Lapar , Lumang estudyante po ako dito sa paaralang eto simula nung freshman year ko , pero , sana talaga ay maging magka-ibigan tayong lahat!" Sabi ko saka ngumiti ng todo at sa hindi sadya , tinaas ko pa ang kamay ko , binaba ko rin ng mabilis at nalagay ko malapit sa mukha ko at nag-peace sign.

Katahimikan ang pumaligid sa classroom , walang imik , wala kang maririnig na humihinga ... pero bigla bigla rin nawala ang katahimikan at narinig mo silang lahat na nagtawanan...

"Patawa ka ba?!" Sabi ng mga lalaking estudyante at mas-lalo nilang nilakasan ang pag-tawa nila.

"Wag mo na sila pansinin Ena!" Sigaw ni Hana , pero wala talaga , hindi parin sila tumitigil sa pag-tawa.

"Wag mo nalang pansinin ang mga lalaki." Narinig kong sabi ng grupo ng mga kaklase naming babae saakin.

Agad agad rin naman tumigil sa pag-tawa ang mga lalaking estudyante dahil pinagalitan rin sila ni Ms.Junio na ang pag-tawa dahil nagkamali lang sa pagpapakilala ay count as bullying.

Next si Hana , kaya pumunta rin siya sa harapan , tumayo ng maayos at huminga ng malalim , sigurado akong magiging maganda ang pagpapakilala ni Hana saamin.

"Ako pala si Hana Lyn Mateo , Isa rin akong lumang estudyante dito sa paaralan at sana'y magkasundo tayong lahat at maging magkaibigan!" Sabi ni Hana saka ngumiti. sabay narin ang pagka-yuko niya saamin at bumalik siya sa upuan niya.

Nagpalakpakan kaming lahat dahil sa magandang introduction na binigay niya saamin  , As in , eto yata ang pinakamagandang Introduction na narinig at nakita ko sa buong buhay kong nag-aral. Para akong binayaan ng diyos na makilala si Hana sa puntong eto.

"Maganda ba ang Introduction ko?" Tanong niya saakin na may pahiya-hiya pa, siyempre , mahihiya ka talaga dahil , ikaw ba naman palakpakan ng buong klase kasama pa ang guro dahil sa magandang introduction na binigay ng isang estudyante o kaklase diba?

"Yup! Maganda ang Introduction mo." Sagot ko saka ako ngumiti sakanya , to show my support na magiging magaling na kaklase at kaibigan siya this year , kahit na hindi na kami magkikita sa susunod dahil nga , baka iba ang colleges na papasukin namin at hindi na kami magkikita.

Ngumiti nalang siya saka siya bumulong at pinarinig saakin ang binulong niya, "Maraming salamat....

.

.

.

.

.

.

Ena."

o--- Fin ---o

Writer's Note Round 3! : Eto na talaga , malapit na talaga magsimula ang drama ng storyang eto , paki-hintay nalang... malapit na talaga... pati ako naiiyak nung iniisip ko kung ano ang pwdeng mangyari sa storya... basta , salamat sa pagbabasa at salamat sa pag-supporta! ;)

o--- Extra ---o

"Pag nawala ako sa mundong tinitirahan natin , hihintayin kita sa kabilang mundo at sisiguraduhin ko , pag-hindi kita napasaya sa nakaraang mundong tinitirahan natin , pangako ko talaga , gagawin kitang masaya kung gusto mo... kahit mawala tayo sa pangalawang mundo na titirahan natin..."

                                                                    - Hana

o--- Fin ---o

Ena's Story - e|ND| Works 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon