Chapter 1: Summer Training

166 3 2
                                    

A/N: First story ko po ito. Sana magustuhan niyo ^____^

Wag po kayong mahiya magcomment, positive o negative man :)

________________________________

Claire's POV

Summer time! Yeah :D ang saya talaga pag summer na, tuloy tuloy na kasi ang training namin sa badminton.

Kaso makakasama ko nanaman si Mr. Cutie Crushie Patutie Pie.

Konti nalang kasi, mafafall na ako sa kanya eh.

Gwapo,

Matalino,

Gentleman,

Sweet,

Caring,

Lahat na! Ang ayaw ko lang naman sakanya ay ang ugali niyang papalit palit ng girlfriend eh! Halos every week nga, kahit sino lang ang kasama niyang babae. At isa pa, papalit palit rin siya ng relationship status niya sa FB! At every time in a relationship siya, nasasaktan ako :( bakit ganun? Crush ko lang naman siya eh. Pero sabagay, ganun naman talaga ako palagi pag may crush ako eh. Nasasaktan pag nalaman kong may girlfriend na. Natatawa nalang ako sa sarili ko. Haaay, buhay nga naman.

Mahaba ang buhok ko, kulot yung sa baba. Cute daw kasi ako tingnan pag ganito buhok ko eh ^___^ shizz! Nakakaflatter ano ba :"> wow, finaflatter ko sarili ko. Baliw ka talaga Claire! Hahahaha. Eh sabi rin naman ng mga magulang ko maganda ako eh. Mukha raw akong barbie :D maputi kasi ako, matangkad, at siyempre maganda! :p

Unang araw ng training namin ngayon. Nandito na ako sa badminton court. Kasama ko coach namin, ayun nagjojogging na. Mamaya na ako pag nandiyan na ang iba. Hindi pa kasi dumadating mga kasama ko sa training eh. Palagi nalang ganito T___T pero...

"Uy Claire! Aga ah? Hindi ka ba natulog dahil excited kang makita ako?"

Si Mr. Cutie Crushie Patutie Pie!

At nagsmile pa siya! Kitang kita ang dimple nya na dagdag pogi points ^___^

Pero ang kapal talaga ng mukha niya!!

Oo, makapal ang mukha niya. Di ko pa pala nasabi. Pero kahit naman ganyan siya, crush ko parin siya noh! Pogi niya kaya! Matalino, gentleman, sweet, at caring pa! Teka, sinabi ko na toh kanina ah? Sensya na, nadala lang! :)))

"Hmpf. Hoy mister Dann Marquez! Ang kapal mo rin eh noh? Maaga naman talaga ako palagi eh, kahit ayaw kong pinaghihintay ako" sabi ko para naman hindi niya mahalata na crush ko siya.

"Nagmamaang maangan ka pa dyan eh. Alam ko namang may crush ka sakin,"

O.O

Paano niya nalaman?!

Namumula na ata ako! >////<

Ayan! Pinapawisan na ako T-T

"Alam mo ang sarap balatan ng mukha mo.."

"Ayun oh, magpipick-up line siya sakin. Osge, bakit?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang assuming kasi eh!

"Oh, ba't ka tumatawa?"

Naku, nahalata ata ako!

"Ang kapal mo kasi talaga eh! Feel na feel mo na sasabihan kita ng pick-up. In your dreams!"

"Eh bakit ba kasi?"

"Para naman mabawasan ang kakapalan ng mukha mo noh!"

Teka, ba't ko ba inaaway ang crush kong si Mr. Cutie Crushie Patutie Pie? Super duper mega ultra truper kaduper bad ko naman! >:( pero bahala na nga. Panindigan mo toh Claire.

Tumayo siya. Baka nagalit :( huhu. Hindi ko ata kayang panindigan toh T_T

"CLAIRE CASTILLO! BAKIT BA ANG SUNGIT MO SAKIN??!!" sigaw niya na ume-echo pa sa court.

O.O

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. At sakto naman ang dating ng ibang kasama namin. Namumula na ako, NAKAKAHIYA!! >/////<

Tiningnan niya ako na para bang ang mata niya ang nagtatanong kung bakit.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!!!

AH! Alam ko na!

Tinitigan ko siya..

"Hoy Dann! Ano bang ginagawa mo? Baliw ka na ba? Hindi ka na nahiya sa mga kadarating lang!"

O.O

>/////<

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko!!

"Sasagutin mo ba ako o hindi?"

"Ayeeeeeeee"

"Sasagutin na yaaaaan!"

"Oo na kase! Wag ka nang pakipot!"

-hiyawan at sawayan ng mga kasamahan namin

Shizz! Nakatingin ang lahat sa amin ngayon, pati si coach! Pandamay na Dann! Hindi na siya si Mr. Cutie Crushie Patutie Pie! Siya na si Mr. Panirang Pandamay! Hindi ko na siya crush! Slight nalang :p hahahaha

(A/N: ang pandamay po ay bisaya ng nilalagay sa alanganin)

"Osge, gusto mong malaman kung bakit ako masungit sa'yo? Kasi nakakainis ka! Nabubuwiset ako sa pagmumukha mo! Kaya pwede ba? Umalis ka na sa harapan ko! Magtetraining pa tayo"

Binugaw ko siya na parang langaw. Pero hindi siya nagpapadala. Anyare dito kay Mr. Panirang Pandamay?

Dann's POV

Binugaw ako ni Ms. Pakipot na parang langaw. Aray ha -_____-

Oo, pakipot siya. Halata naman kasi na gusto niya ako eh.

Maganda siya. Hindi ko nga lang type. Ang payat payat kasi eh. Gusto ko katamtaman lang ^______^ hihi

Nakaluhod parin ako sa harapan niya. Tiyak nagtataka na toh.

Kaya tumayo ako. Nilapit ko mukha ko sa mukha niya. Kitang kita ko na namumula siya.

Tinitingnan kami ng mga kasamahan namin. Mga chismoso't chismosa talaga!

Tinitigan ko si Ms. Pakipot.

"She's not my type" sabi ko at nakatitig parin ako sakanya at magkalapit parin ang mga mukha namin.

Tinulak niya ako. Aba't akala niya talaga na gusto ko siya? Siya ang makapal ang mukha! Ang tanga niya!

"Mabaho" sabi niya sabay takip sa ilong :@

_____________________________

A/N: sana po nagustuhan niyo ang first chapter ^_____^ first story ko po ito sa Wattpad kaya sana suportahan niyo po :D mgcomment po kayo about sa story para malaman ko po kung maganda ba o hindi. Salamaaaaat po! :)

VOTE, COMMENT, & FAN po ;)

Lovelots,

Rizza :)

Sweet MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon