Chapter 2: Nasaan si Claire?

98 2 0
                                    

A/N: chapter 2 na nga po. Uulitin ko po, 1st story ko po ito kaya pasensya na po kung hindi masyadong maganda. Pero sana magustuhan niyo po :)

__________________________________________________

"Mabaho" sabi niya sabay takip ng ilong :@

#$%&*@!!!!!!!!

MS. PAKIPOT!!!!!!

"Hoy nagtoothbrush ako!"

"Defensive"

Walang hiya ka talaga Ms. Pakipot! Pinapahiya mo'ko! Pero nagtoothbrush naman talaga ako eh T____T

"Gusto mo'kong halikan noh? :p"

"Kapal mo! Magtoothbrush ka bago ka magtanong ng ganyan sa babae. Hindi ka na nahiya"

"Pero aminin mo. Gusto mo'kong halikan"

"Kapal mo talaga!! Kung may hahalikan man ako, yung nagtoothbrush nalang kesa naman ikaw na hindi nagtootoothbrush! >,<"

Hahahaha! Namumula si Ms. Pakipot! :D may gusto talaga toh sakin eh, ayaw lang umamin.

Claire's POV

KAPAL TALAGA NG MUKHA NI MR. PANIRANG PANDAMAY!! AT TINAWANAN PA AKO! UUUGGGHHHH!! HINDI KO NA TALAGA SIYA CRUSH!!

Inaamin ko, nagbago na siya -____- hindi na siya ang Mr. Cutie Crushie Patutie Pie na nakilala ko dati :( nagtransform na siya. Siya na si Mr. Panirang Pandamay ngayon! What's happening to the world? Shizz bahala na nga! Ba't ko ba toh iniisip? Shoo! Shoo! :)))

"Aba! At tinata--"

O.O napatigil ako sa pagsasalita. May lalaki kasing sumulpot sa harapan ko.

"Bawal madaldal dito" sabi niya

Ako ba sinasabihan ng mokong na toh?

"Ako ba kausap mo?" Sabi ko at tinitigan ko siya ng masama. Ha! Matunaw ka sana!

"Malamang, ikaw nga kaharap ko diba?"

Sungit naman nito! Nakakainis naman! Siya na si Mr. Sungit. Bahala siya! Pero oo nga naman, ako tinitingnan niya eh.

"Eh ba't ba ang sungit mo?"

"Ako lang naman ang bago niyong coach"

Ano daw? Nabibingi na yata ako. Pwedeng pakiulit? Hindi pwede toh! Ayoko ng masungit na coach! AYOKOOOOO!!! Si coach William naman kasi eh, hindi nagsasabi. Natahimik tuloy ako T_____T wala akong masabi! Nakatingin parin siya sakin -_____-"

"Ayoko ng madaldal na trainee" dagdag pa niya

Madaldal ba talaga ako? Hindi naman ah?

"Oh Tan-Tan, nandito ka na pala! Wala ka namang pasabi eh" sabi ni coach kay Mr. Sungit. Hay salamat at nabaling na rin ang atensyon niya kay coach! ;) Tan-Tan pala pangalan nito eh, ang bading naman! Nathan siguro pangalan nito, pwede ring Jonathan.

"Uy coach! Nandyan ka lang pala eh. Kanina pa kita hinahanap" sabi ni Mr. Sungit

Weh? Kanina pa daw. Eh sinusungitan mo kaya ako kanina!

"Nag-CR lang ako. Magkakilala na ba kayo ni Claire?" sabi ni coach. Nakita niya palang kinausap ako ni Mr. Sungit kanina -.-

"Ah oo coach. Ex ko yan"

"Kaya naman pala. Baka magkabalikan kayo ah? Ayeeeeee"

Teka. May mali. Ano daw sabi ni Mr. Sungit? Ex niya ako? AKO? Ex niya AKO? NO WAY! WTH?! Ni hindi ko nga siya kilala!

"Coach no! Hindi ko siy---"

"Ipakilala mo na si coach gwapo coach :D" sabi ni Pam, ang flirty kikay kong teammate. Malandi talaga -_____-

"Oo nga coach!" Pagsasang-ayon naman ng iba maliban sa isa, si Dann.

Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Sasabihin ko pa sanang hindi ko siya kilala eh. Osige, kayo na! Kayo na talaga!

"Siya si Nathan Denia, ang bago niyong coach. Aalis na kasi ako next week papuntang Dubai. Last training ko na toh sainyo kaya pagbutihin niyo ah? ^____^"

"Yes coach! :D" sabay nilang sinabi kay coach William

Nathan nga ang pangalan ni coach sungit! Ang galing ko talaga :D

"Coach, hindi ka ba pwedeng magstay? Unang araw pa lang ng training ah?" Tanong ko

"Claire, hindi pwede. May naghihintay sakin na trabaho sa Dubai. Hindi ko yun pwedeng tanggihan"

"Pero coach--" hindi nanaman ako pinatapos -____-

"Naiilang ka parin ba kay Nathan? Okay lang yan, masasanay ka rin" kinindatan pa'ko ni coach

"Coach naman eh. Hindi ko nga siya ki--"

"Tumigil ka na nga dyan Claire! Wala kang karapatang pigilan si coach William" Sabi ni Pam. Sus kung alam ko lang, gusto mong landiin tong si coach sungit eh! Pero wala nga naman kasi akong karapatan.

"Osha, magsimula na tayo sa training ^_____^" masayahin talaga tong si coach William :)))

Dann's POV

Sinimulan na namin ang training. Ayokong itong mokong na toh ang trainor namin!

Naiinis ako sakanya! Nilalapitan niya si Claire eh.

At iniinis pa!

Ako lang!

Ako lang ang pwedeng mang-inis at mang-asar kay Claire!

Ewan ko pero parang ayaw ko talagang may lumalapit kay Claire na lalaki. Naiinis talaga ako eh, kahit na sa bestfriend niyang mukhang gangster na pangit. Hahahaha! Eh pangit naman kasi talaga siya eh. Maitim at makapal ang kilay. Pero ayos naman siyang manamit. Mukhang gangster lang talaga mukha niya, o pangkanto. HAHAHAHA :)))))) laughtrip naman mukha niya! Gwapo kasi ako eh :P

Ba't ko ba inaabala si Ms. Pakipot?

Baka nainis lang talaga ako kay Nathan ba yun? Ako lang kasi talaga ang dapat mang-asar kay Claire! Humanda yang bagong coach na yan. Kakalabanin ko siya, singles mahmehn! \m/ DANN FTW! :D hahahahaha! Pero hindi muna ngayon. Enhance ko muna skills ko XD

Nag warm-up na muna kami. Tapos yung mga usual na ginagawa namin sa trainings namin dati. Paulit ulit lang naman ang mga ginagawa namin eh. Kung sa tingin niyo boring, try niyo magtraining! HAHAHAHA :P masaya kaya sa training. Lalo na't may maaasar ako >:)

Gabi na natapos ang training namin. Nagpunas at nagbihis muna kaming lahat.

Papunta kami ngayon sa McDo kasi malapit lang daw, libre ni coach eh tutal last training na niya samin yung kanina ^____^

May napapansin ako....

Nasaan si Claire??

____________________________________________________

A/N: Nasaan na nga ba si Claire? Ang dami kong naiisip na mga pangyayari sa next chapter. Nalilito tuloy ako XD hahahaha. Basahin niyo nalang po ang next chapter para malaman niyo kung nasaan si Claire. Salamat sa pagread! ^___^

VOTE, COMMENT, LIKE, and FAN? :)

Lovelots,

Rizza :)

Sweet MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon