Chapter 3: Iba sya ngayon

80 2 0
                                    

Chapter 3

Nasaan si Claire??

Hindi ba siya sumama sa amin?

Ako kaya ang dahilan?

O..

Ang mokong na yun?

Aish naman eh! Asan na ba ang pakipot na yun?

"Ah coach, may naiwan ata ako sa court. Balikan ko lang po, susunod nalang po ako"

"Osige Dann. Ingat ah"

"Opo coach"

At bumalik ako sa court. Hinanap ko agad si Claire.

Pero hindi ko siya mahanap.

Nasan na ba kasi yun?

Ewan ko ba kung bakit ko toh ginagawa. Pero parang nakakakonsensya eh. Kahit papano, napahiya ko parin siya kanina.

Pumunta ako sa room kung saan nagbibihis ang mga babaeng players.

Kaso naka lock yung pinto. Kumatok ako at sinigaw ang pangalan ni Claire. Pero wala namang sumasagot eh. Kaya umalis nalang ako. Wala na rin naman kasing tao sa court, gumamit lang ako ng ilaw galing sa cp ko ^_____^

Bahala na nga si Ms. Pakipot! Mahirap hanapin ang nagtatago at ang ayaw magpahanap.

Patungo na ako ngayon sa McDo para sumunod sa team. Gutom na akoooooo T___T di bale na, malapit lang naman eh :D

Pero habang naglalakad ako, may nakita akong lalakeng may hinihilang babae. Naku po baka si Claire yun! Hindi naman sana T___T

Kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinaroroonan nila.

*BEEP BEEP*

"Magpapasagasa ka ba?!"

Muntik na pala akong masagasaan dahil sa babaeng toh. Kahit hindi ako sigurado kung si Claire yun, kailangan ko parin siyang iligtas.

"Pasensya na po" umandar na ulit ang sasakyan at paglingon ko sa kinaroroonan ng manyak at ng babaeng hinihila niya kanina, wala na sila.

Dapat hindi ko na pinansin yung muntik nang nakasagasa sakin! Nakakakonsensya naman toh -____-

Hinanap ko sila ulit.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

SPOTTED!

Hindi ko alam kung rapist toh o holdaper o mamamatay tao. May hawak kasi siyang kutsilyo. Oo, kutsilyo.

KUTSILYO!

Naku po! Aaminin ko pa kay Claire ang tunay kong nararamdaman ngayon.. -____-

Buti nalang may nakita akong kahoy sa gilid ng daan. Kaya hinablot ko at pinalo sa likod yung lalakeng ewan. Agad kong hinila ang babae at tumakbo na kami papalayo. Nang makalayo na kami, yumuko siya at napansin kong humahagulgol ang babaeng iniligtas ko. Wow, para naman akong superhero neto! ^____^

Ano ba tong iniisip ko? Eh umiiyak na nga tong babaeng toh eh. Hindi ako marunong magpatahan ng mga babaeng umiiyak. Kaya niyakap ko nalang siya.

"Tahan na. Wala na siya. Wag ka nang umiyak. Nandito na ako"

Pero patuloy parin siya sa pag-iyak. First time kong magpapatahan ng umiiyak na babae. First time ko ring magligtas ng babae sa ganoong sitwasyon.

Gusto ko na sanang makita ang mukha niya eh. Gusto ko nang malaman kung siya si Claire.

Sweet MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon