Chapter 1: Kasalan

28 0 0
                                    

"Andrew gising na, sasama ka ba dun sa misa?" yan ang bungad sakin ni mommy sa kwarto.

"Hindi na, inaantok pako eh" sabi ko naman. "Bumangon ka na dyan, kumain ka na, mamaya darating na yung iba" reply ni mommy.

"Mmm" lang ang nasabi ko. Medyo tinatamad pa ako bumangon sa kama, kasi malamig at maaga pa. Mga 7:30 palang ng umaga iyon.

Natagalan pa ako bumangon sa kama at medyo ginising ko pa ang aking diwa. After 15 minutes bumangon na din ako. Ginising ko na din ang pinsan kong si Jake at Misty. Natagalan din silang bumangon. Nung bumangon sila ay agad kaming dumiretso sa baba para kumain ng umagahan.

Tapos na kumain ang ilan naming tito at tita. "Nakaalis na ba sila?" tanong ni Jake. "Oo, kanina pa. Kumain na kayo. Para makapag ayos kayo ng maaga. Baka dumaitng na sila, magulo na mamaya." sabi ni tita.

Sabay kaming kumain mag pipinsan. Pagkatapos kumain, nagising naidn ang iba naming pinsan na mas bata. Lumabas kaming tatlo sa labas nung bahay na tinutuluyan namin para mag pahangin at umupo sa terrace.

"Kinakabahan ako mamaya" sabi ko kay Jake at Misty.

"Sus! Excited ka lang makita si Jasmine eh! HAHA" pabirong sabi ni Misty.

"Baliw, hindi yun. First time ko kayang kasali sa kasalan!" sambit ko sakanya.

Oo nga pala. Ako nga pala si Andrew, 15 years old, incoming first year college, 5'8" (Hindi talaga ako matangkad), katamtam ang kulay, singkit, hindi kagwapuhan pero pwede nang pagtyagaan. Hahaha. Kasal ngayon ng tito ko si tito William at tita Celine. Kasama ako sa entourage ng kasal bilang junior abay. First time kong makakasama sa gantong event at makakapartner ko pa ang pamangkin ni tita Celine, si Jasmine. Gaganapin yung kasal dito sa Pampangga, at kumuha ng rest house sila tito at tita para matuluyan naming mga bisita nila.

Mag 9 o'clock na nung dumating pa yung ibang naming kamag anak. Dumami na yung tao sa bahay na tinutuluyan namin at medyo umingay at gumulo. Parang nag karoon kami ng mini reunion ng mga first at second cousin ko. haha.

Mga 10 o'clock pinaligo na ako para maka pag ayos na agad sa kasal mamayang 1:00. Kelangan kong mauna maligo kasi madami dami ang maliligo at magbibihis at mag aayos sa kasal.

Pagkatapos maligo, sinuot ko muna yung black pants at polo. Mainit kasi pag sinuot ko agad yung coat ko. Naks first time ko din mag susuot ng coat and tie. Parang ibuburol lang :)

Mag 11:00 na nung matapos lahat maligo at mag ayos. Syempre nung ayos na ang lahat. Picture picture muna with fam bam.

Nung ayos na talaga ang lahat. "Nadyan na yung sasakyan, mauuna na muna yung mga bata" sabi ni tita Lovine.

Agad kaming sumakay ng mga pinsan ko. Dumating din naman yung isa pang sasakyan para sa mga tito at tita namin.

Malapit lang naman yung simbahan dun sa rest house na inupahan namin kaya kami ang pinaka maagang dumating dun sa simbahan. Wala pa yung mga kamag anak ni tita Celine.

Syempre nag picture picture muna kami at humanap ng magandang pwesto na mauupuan.

What If, Should Have (WISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon