Chapter 4: Birthday Gift

6 0 0
                                    

Bakasyon..

Masaya :)))))))

Pero boring din pala...

Nakakasawa na yung wala halos ginagawa..

Kain. Tulog. Kain. Tulog. Kwento. Kain. Kain. Kwento.

Halos araw araw ganto ginagawa naming mag pipinsan sa bahay ng lola namin.

MAY na pala, at ilang araw nalang birthday ko na. Shet! Tatanda nanaman ako. :(((

Dalawang araw bago ako mag birthday (SWEET 16. HAHAHA) binisita kami ni Tito William. Lumuwas sila pa Maynila gawa ng isang business meeting nila dito. Kaya naisipan niya na dumaan dito kila lola para mangamusta.

Gabi na nung makarating si Tito William sa bahay. Hindi niya kasama sila tita Celine, gail, luis at nash. Nandun daw sila sa bahay ng lola ni kay tita Celine. Dun kasi sila madalas nag stay pag nandito sila sa Manila. Dun din kami nag kakilala ni Jasmine nung mga bata pa kami.

Nung bata pa kasi ako. Lagi akong sinasama nila tito william sa bahay nila tita celine upang may makalaro ang pinsan kong si gail. Syempre dahil bahay iyon ng nanay ni tita Celine nandun din yung mga pamangkin niya. Lagi din kasi nandun sila Jasmine pag nag babakasyon sila dito sa Manila.

Kaya ayun, nakakalaro ko siya minsan pag nandun ako sa lola nila. Pero minsan din naman sila yung sinasama ni tita celine sa bahay ng lola ko.

Bata palang kami noon ni Jasmine eh inaasar na kami sa isa't isa. Alam mo naman pag habang mga bata pa ginagawan na kaagad ng love team. Malay ko ba sa mga ganun nung mga 5-6 years old ako. Basta ang alam ko lang may kalaro ako. Okay na yun.

Ayun nga dahil gabi na nakauwi si tito william sa bahay eh natulog na agad sya marahil na rin sa pagod, pero sinabi niya saamin na bukas daw ng umaga ay aalis na din sya para sa business nila pero pupunta muna kami sa puntod ng lolo namin.

Bago palang dumating si tito William, kinukulit na kami sa text ni Gail na sumama daw kami sa Baguio pag luluwas na sila. Ang sabi niya ay sumama na daw kami sa daddy nya.

Dahil dito napag desisyunan namin ni MIsty na sumama na sa Baguio kasi dun naman kami madalas din nag babaksayon pag may pagkakataon. Saka malamig dun, hindi tulad dito sa Manila, ang init init. Lalo lang dumadami pimples ko. :(

Si Jake hindi sya makakasama saamin, gusto niya kaso hindi sya pede dahil nakasali siya sa liga dun. eh hindi naman niya basta basta iwanan mga team mates niya. Dahil sa dalawa lang kami ni misty na sasama sa baguio medyo nahihiya kami kaya nag aya pa kami ng isang pedeng sumama. Kaya pinuntahan namin siya sa bahay nila. Kapit bahay lang naman kasi namin yung mga second cousin namin dun sa ancestral house namin.

Buti nalang at pinayagan si Krisley na sumama samin.

Kaya nung bago matulog si tito William sinabi na namin sakanya na pinapasama kami ni gail sa Baguio para mag bakasyon. Pina overnight na din namin si Krisley sa bahay para deretso na kami agad ng alis bukas.

Kinaumagahan. Mga 8 palang ng umaga sabi ay aalis na daw para pumunta sa sementeryo. Dahil maaga pa ay hindi pa kami nakakaligo. Lahat kaming nasa bahay ng lola ko ay sumama sa puntod ng lolo namin. Buti nag kasya kami sa sasakyan hahaha.

Nung makarating kami sa sementeryo, syempre tumamabay muna, bonding, at kamusta sa lolo namin..

Wala pag isang oras ay umalis na din kami. Agad din kaming bumalik sa bahay kasi maiinit na din naman.

Nung makarating na kami sa bahay, sabi saamin ni tito William, oh kaying tatlo kunin niyo na gamit niyo deretso alis na tayo.

"Hala" sabi naming tatlo..

"Hindi pa kami naliligo tito" sabi ni misty.

"Oo nga tito" sabi ko naman

"Dun nalang kayo maligo mamaya sa bahay nila tita mo, kunin niyo na yung gamit niyo" sabi ni tito william

"Sige tito wait lang" sabi ni misty.

Agad agad kaming pumunta sa kwarto para bitbitin yung mga gamit namin. Buti nalang gabi pa lang nakaempake na kami. Bago kami umalis syempre nag paalam muna kami. Ako, nanghingi ako ng budget at nag kiss kay mommy. First time kong hindi makakasama si mommy sa birthday ko. Pero okay lang minsan lang naman eh.

Habang nasa byahe, natulog lang ako. Medyo kulang pa kasi yung tulog ko eh.

Magtatanghali na nung makarating kami sa bahay nila tita Celine.

TO BE CONTINUED..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If, Should Have (WISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon